You are on page 1of 21

Pagtalakay sa mga Isyu

Patungkol sa

Global Warming
Pangalan ng mga miyembro:

Benitez, Marielle Elaine F.

Hermida, John Mark L.

Lamadora, Daniela Joyce P.

Porlas, Kim Ryan C.

Tuazon, Gerremy A.
Mga nilalaman

Pamagat ng Pananaliksik…………………….…

Mga Nilalaman…………………………………. 1

Rasyonal………………………………………… 2

Mga Paliwanag at Patunay…………………….. 4

Mga iba pang mungkahi……………………….. 11

Paglalahat……………………………………….. 13

Mga Sanggunian………………………………… 16

1
PANIMULANG PAGTALAKAY SA GLOBAL WARMING

Ang Global Warming ay isa sa mga isyung kinakaharap ng Pilipinas at

sa karatig bansa sa panahon ngayon. Ito ay nagdudulot ng iba’t ibang epekto

sa ating kapaligiran, lalong lalo na sa mga tao. Ang Global Warming ay ang

pagtaas ng temperatura mula sa karaniwan nitong taas. Isa sa mga sanhi ng

krisis na ito ay ang pagkakalbo ng ating mga kabundukan dahil nag lalabas ng

carbon na nakaimbak lamang sa mga punong pinuputol. Isa rin sa mga dahilan

ng paglala ng global warming ay ang pagiging hindi maayos na pagsunod sa

makabagong panahon natin pagdating sa transportasyon, dahil karamihan sa

mga sasakyan na ating ginagamit ngayon ay gumagamit ng fossil fuels na

masama sa ating kapaligiran. Maaring itong magdulot ng pagkasira ng ating

agrikultural na mga yaman dahil ang ating bansa ay doon dumepende bukod sa

iba’t ibang mga bagay na ating makikita sa panahon ngayon. Isa pa rito ang

pagtaas ng mga kaso ng heat stroke na kung saan nakararami ang mga taong

may mahihinang resistensya lalo na ang mga nakakatanda na maaring

mapalagay sa panganib ang kanilang buhay. Gayunpaman, ang isyung ito ay

nagdudulot ng malaking epekto sa iba’t ibang bansa.

Dahil sa pagbabago ng klima ng kapaligiran nagkaroon ng maraming

epekto ang Global Warming sa ating mundo, isa sa mga halimbawa nito ay

ang panunuyo ng mga lupa at ang pagkakaroon ng pagkukulang sa tubig dulot

ng pagsisingaw ng mga nakaimbak sa tubig dahil sa sobrang init ng

2
kapaligiran. Taliwas naman sa epektong ito, tumataas ang level ng ating mga

karagatan dahil sa pagtunaw ng mga yelo sa Antartica, bukod dito, ang init na

nararanasan natin ay nagbibigay ng maraming carbon dioxide sa mga anyong

tubig na nagiging dahilan upang manganib ang mga buhay na nasa ating

karagatan kagaya na lamang ng mga coral reefs, dagdag sa nagiging epekto

nito ay ang pagkaroon ng pagkukulang sa supply ng ating pagkain dahil sa

hindi wastong kalagayan ng karagatan sa mga yaman dagat lalong lalo na sa

mga buhay na naninirahan dito. Dahil din sa pagtaas ng temperatura ng

kapaligiran nagiging sanhi ito ng pagkakaroon ng komplikasyon sa kalusugan

ng karamihan, isang karaniwang panganib na dala nito ay ang heat stroke,

nakakakuha rin ng sakit karamihan sa mga sanhi na nagdudulot ng Global

Warming, katulad na lamang ng polusyon sa hangin. Ang Global Warming ay

hindi lamang nagdudulot ng pag-init ng temperatura ng kapaligiran,

nagdudulot din ito ng matinding mga bagyo sa ibang bahagi ng mundo sa

kadahilanang maraming pag singaw ng mga tubig na nagdudulot ng

pagtinding ulan at baha sa kapaligiran.

Gayunpaman, ang isyung nilalaman ng pananaliksik na ito ay tungkol

sa napapanahong problema ng iba’t ibang bansa na ang Global Warming. Sa

pagkakaroon ng sapat na kaalaman para sa isyung ito, marami tayong

magagawa upang mapanatiling ligtas ang ating kapaligiran at sarili sa mga

suliranin na ating hinaharap at dapat na pagdadaanan. Sapagkat ang

pagpapalaganap ng kaalaman sa nabanggit na konteksto, ay may mga

3
benepisyo sa ating lipunan na makakatulong upang mapadali ang ating pag

harap sa problemang ito. Bukod pa rito, matatalakay din kung ano ang

partikular na dulot ng iba’t ibang bahagi ng Global Warming na kung saan mas

mapapalalim ang pag-unawa sa nasabing paksa, sa kadahilanang ito,

makakapag-isip nang wasto at mas maasahan na paraan sa pagtugon sa isyung

ito.

PAGPAPALIWANAG AT PAGPAPATUNAY PATUNGKOL SA

GLOBAL WARMING

TAGTUYOT

Ang global warming ay isa sa pinaka-prominenteng problema simula

noong 1800’s. Isa ito sa dahilan sa pag lala ng tagtuyot sa buong mundo at lalo

na sa pilipinas. Ayon kay Vasquez (2023), dahil sa pagtaas ng temperatura, ang

pagtunaw ng niyebe sa ibang bansa ay napapaaga kung kaya’t umuunti ang

ulan na bumabagsak sa ibang bansa o rehiyon ng nasabing bansa. Ayon din

kay Vasquez (2023), ang pag bilis ng precipitation na gawa ng pagtaas ng

temperatura at ang mga desisyon ng tao ay isa sa dahilan ng pagkaubos ng

tubig sa lupa at nag papalubha sa estado ng tagtuyot sa buong mundo. Isa sa

mga epekto ng tagtuyot na sanhi ng global warming ay ang banta nito sa

ekosistema, nakakaapekto ito sa mga taong direktang naapektuhan ng tagtuyot

kung kaya’t nagtataas ang presyo ng mga bilihan at tubig. Isa rin sa mga

4
epekto ng tagtuyot ay ang pagkawala ng biodiversity, dahil sa pagbaba ng

lebel ng tubig, napipilitang lumipat ng tahanan ang ibang hayop kung kaya’t

nasisira ang balanse nito at nagdudulot ng iba pang mga problema katulad ng

pagkasira ng food chain. Ang mga patunay sa tagtuyot na naranasan sa

pilipinas ay naibalita noong Ika-6 ng Marso 2019. Ayon sa Philippine Star

(2019), nakaranas ng tagtuyot ang mga rehiyong ilocos norte, Zamboanga Del

sur, Zamboanga Sibugay, Maguindanao at cebu. Pinangangambahang pumalo

sa 22 lugar ang tatamaan ng tagtuyot pagdating ng Abril. Umabot din sa

33.6-degree Celsius ang temperatura sa metro manila ng araw na iyon. Hindi

ito ang unang beses na naranasan ng pilipinas ang tagtuyot ngunit, hindi rin ito

ang huli kung kaya’t inaasahang mag ingat ang publiko sa mga panahon ng tag

init.

BAGYO

Ang Global Warming ay may kaakibat ding paglala o paglakas ng mga

bagyo. Kada taon ay inaasahang 20 o higit pa ang mga bagyong papasok sa

Philippine Area of Responsibility. Sa pagtindi at pagtaas ng temperatura sa

buong mundo ay siya ring pagtindi ng mga bagyo. Ang mabigat na ulan, mas

matinding mga bagyo, at pagbabago sa oras ng pagtunaw ng mga nyebe ay

maghahatid ng mas madalas at mas matinding pagbaha sa ilang lugar (Project

Sarai). Ayon din sa Project Sarai, kapag mas mainit ang tubig, mas maraming

tubig ang sumisingaw. Ang hangin na ito ay lumilikha ng mas maraming

5
precipitation sa anyo ng matinding ulan o bagyo. Magkaugnay ang dami ng

bagyo sa init ng temperatura sa karagatan. Ngunit, ang kaugnayan sa

temperatura ng karagatan at bagyo ay masalimuot, at ang iba pang kadahilanan

ay pwede ring makaapekto sa pagbuo at pag tindi ng mga bagyong ito. Ayon

kay Ayop (2022), ang mga epekto ng matinding bagyo sa ating lipunan ay

pagkapinsala sa mga gusali at imprastraktura, pagkasira ng mga puno at

halaman, pagtigil ng mga operasyon ng mga sasakyang pandagat, at

pagkapinsala sa mga pamumuhay at kabuhayan. Ayon kay Jessa (2023),

sinasabing ang pagtaas sa pandaigdigang temperatura ay nagdudulot ng

malaking pagbabago kasama rito ang pagtaas ng karaniwang taas ng dagat at

pagbabago sa dami ng mga pag-ulan. Ang mga pagbabagong ito ay sinasabing

nagpaparami sa dalas at lakas ng mga mapanirang kalagayan ng panahon tulad

ng baha, tagtuyot, bugso ng init (heat waves), bagyo at buhawi. Ayon naman

kay Jayne (2022), kailangan ng mataas na temperatura sa ibabaw ng karagatan

upang makabuo ng bagyo pero naka base parin ang lakas nito sa pagkolekta ng

pwersa sa karagatan. Samakatuwid, mas mainit na karagatan mas malakas na

bagyo ang mabubuo.

Ang Global Warming ay nakakabahala lalo na sa ating kapaligiran,

napapansin naman natin ang mga nangyayari sa ating kapaligiran lalo ang ang

tumataas na temperatura at ito ay nakakaapekto sa kabuhayan ng mamamayan.

Ayon kay Marissa (2022), Ang tumataas na temperatura at antas ng

halumigmig ay result ng mga anyong tubig na nagiging singaw. Higit pa rito,

6
ang mabilis na pagtunaw ng mga iceberg ay nagdudulot ng pagtaas ng lebel ng

dagat, na naglalagay sa mga mabababang lugar sa panganib ng paglubog at

nagiging sanhi ng pagguho ng mahahalagang likas na pormayos. Ang epekto

sa ecosystem ay nakapipinsala na may maraming mga species ng nagpupumilit

na maging angkop sa isang mabilis na pagbabago ng klima.

AGRIKULTURA

Ang pandaigdigang klima ay sumailalim sa isang pagbabago dahil sa

mga epekto ng global warming na humahantong sa isang hindi pagkatugma sa

mga kondisyon ng klima. Malinaw na ang global warming ang

pinagbabatayan ng hindi pangkaraniwang bagay na ito. At ng dahil dito ayon

kay Marissa (2022), ang pagbabago ng klima ay maaaring maging mahirap

para sa mga magsasaka na magtanim ng kanilang mga pananim. Ito ay dahil

maaaring walang sapat na ulan o masyadong maraming mga bug at sakit na

maaring makapinsala sa mga halaman at mamatay. Maaring mawalan ng mga

pananim at pera ang mga magsasaka. Dahil dito, lalo pang nagdurusa ang mga

magsasaka na kasalukuyang walang sariling lupa at dumaranas ng mataas na

presyo at kahirapan. Ayon kay Fernandez (2017), dahil sa pagbabago ng

klima, inaasahang bababa ng porsyento ang ani ng pananim sa mga tropikal na

bansa tulad ng Pilipinas. Inaasahang bababa rin ng 40 porsyento ang mga huli

ng pangunahing uri ng isda. Sinabi rin niya na ang kabuuang produksyon ay

dapat tumaas ng humigit-kumulang 60 porsyento sa 2050 upang makagawa ng

sapat na pagkain para sa lumalaking populasyon ng mundo.

7
MGA SAKIT

Maliban sa nagdudulot ng mapanirang epekto sa ating mga ecosystem

o ating pamumuhay, ang global warming ay mayroon din malubhang epekto sa

ating mga katawan. Ayon kay Mora et al.(2022) nalaman nila na 58% (iyon ay,

218 sa 375) ng mga nakakahawang sakit na kinakaharap ng sangkatauhan sa

buong mundo ay dulot ng mga pinalala ng mga panganib sa klima ay nag

palala ng mga iba’t ibang klase ng sakit at dose-dosenang mga hindi na lilipat

na kondisyon. Isa ang mabilis na pagtaas ng mga non-communicable disease

(NCDs), kabilang ang trauma at mahinang mental na kalusugan, sa mga

problemang kinakaharap ng mga bansa sa buong mundo, na nagdudulot ng

mga malaking hamon sa sistema, kalusugan at lipunan pati na rin ang

pag-unlad sa pangkalahatan. Ang mga pagbabagong ito ay hahantong sa mas

mataas na panganib sa kaligtasan ng tao at maaaring tumaas ang saklaw ng

ilang hindi nakakahawang sakit, kabilang ang cardiovascular disease, ilang

mga kanser, kalusugan sa paghinga, mga sakit sa pag-iisip na mga pinsala ng

pagbabago sa klima.

Ang pagtaas ng temperatura ay ang pinakamalaking banta sa

pambansang paglaganap ng sakit. Ayon ulit kay Mora et. al (2022) sa

natitirang bahagi ng ating buhay, lahat tayo ay nasa ilalim na lang ng payong o

bubong sa natitirang bahagi ng ating buhay dahil sa banta ng matinding init.

Sa kadahilanan na ang pagkakalantad sa mas mainit kaysa sa normal na init ay

mabilis na nabubuo, na nakakapinsala sa kakayahan ng katawan na i-regulate

8
ang temperatura, na nag-trigger ng chain reaction ng mga sakit at nagiging

mas madaling kapitan ng sakit na heat exhaustion o heat stroke. Habang

patuloy na tumataas ang temperatura ng mundo, tumataas din ang mga sakit na

kaugnay rito.

Bukod sa init, ang iba't ibang uri ng vector bonre disease rin ang

maaaring kumalat sa dahil sa pagtaas ng temperatura at iba't ibang vector

organisms tulad ng lamok at garapata. Ito ay sanhi ng mga impeksyon na

naililipat sa mga tao at iba pang mga hayop sa pamamagitan ng mga arthropod

na sumisipsip ng dugo tulad ng mga lamok, garapata at pulgas. Ayon kay

Dating (2019), mula sa datos ng Composite Vector-Borne Disease

Vulnerability Index (VBDVI) na isinaad noong 2019, ang mga nakikitang

klaster ay ang mga mahihinang probinsya gaya ng Central Luzon (Rehiyon 3),

CALABARZON Region (Rehiyon 4A), at Bicol Region (Rehiyon 5), naging

kilala sila sa mga sakit na dala ng vector. Ang Maguindanao ay naging kilala

bilang isa sa mga pinaka-mahina na estado sa lima sa anim na kategorya,

sinukat ito upang gawing ang batayan para masabing ang pinaka-mahina sa

mga sakit na dala ng vector ay ang lugar na ito. Sinundan naman ito ng

Southern Lanao, Cavite, Sulu, at Sarangani.

EPEKTO NG CARBON DIOXIDE

Isa pang nakakaapekto na sa pagkuha ng mga tao sa tubig ay ang

hydrological cycle sa pamamagitan ng pagbabago kung saan, kailan at gaano

9
kalakas ang ulan. Ito ay nagpapahiwatig na ang carbon dioxide (CO2) ay isang

greenhouse gas na kumukuha ng init sa atmospera ng ating planeta na ang

pagkakaroon ng labis na CO2 sa ating atmosphere ay maaaring humantong sa

pag-init ng mundo at pagbabago ng klima. Ang pagtaas ng lebel ng dagat, mas

madalas at malalang pangyayari sa panahon, at mga pagbabago sa ecosystem

ay lahat ng posibleng kahihinatnan ng pagtaas ng temperatura. Upang maibsan

ang mga epekto ng global warming, dapat tayong gumawa ng mga aksyon

upang maiwasan ang ating mga greenhouse gas emissions at magtrabaho

patungo sa isang mas napapanatiling hinaharap.

Dahil ang carbon dioxide ay isang greenhouse gas, ito ay may

parehong epekto tulad ng greenhouse glass, sumisipsip ng init at nagpapainit

sa loob. Kung walang natural na nagaganap na CO2 sa atmospera, maaaring

masyadong malamig ang lupa upang mapanatili ang buhay ng tao.

Gayunpaman, ang sobrang CO2 ay maaaring magdulot ng pananakit ng ulo,

pagkahilo, pagkabalisa, pangingilig at pangingilig, hirap sa paghinga,

pagpapawis, pagkapagod, pagtaas ng tibok ng puso, pagtaas ng presyon ng

dugo, pagkawala ng malay, pagkahilo, at kombulsyon. Ang pagbabawas ng

paggamit ng fossil fuel ay ang pinakamabisang paraan upang mabawasan ang

mga emisyon ng CO2.

10
MGA REKOMENDASYON SA ISYUNG GLOBAL WARMING

Isa tayo sa mga konsyumer ng sarili nating mundo, isang magandang

paraan ang gumamit ng mga device na may mababang paggamit ng kuryente.

Patayin ang mga kagamitan na kumukunsumo ng kuryente na hindi ginagamit

at ayusin ang thermostat sa iyong heating o cooling device. Ang isang paraan

para matutong umiwas ay ang pagbawas sa pagmamaneho at paggamit ng

pampublikong sasakyan. Kung pinapayagan ito sa isang tiyak na lugar,

maaaring gumamit na lang ng bisikleta upang bawasan ang iyong carbon

footprint o ang emisyon ng CO2.

Sa pamamagitan ng Reduce, Reuse at Recycle, maiiwasan natin ang

malaking panganib na dulot ng bagyo. Isa sa mga dahilan kung bakit marami

tayong pagbaha ay ang mga naiipit na basura na hindi nasisira at nagiging

sanhi ng pagbabara sa mga kanal, estero, at iba pang daluyan ng tubig. Ang

simpleng paglilinis nito ng paunti-unti ay makakatulong sa ating kapaligiran.

Ang paggamit ng mga biodegradable na produkto ay isa ring mabisang paraan.

Sa ganitong paraan maiiwasan mo ang kontaminasyon ng mga plastik,

pestisidyo, at mga ahenteng panlinis na nakakapinsala sa kapaligiran. Bukod

sa pagtanim ng maliliit na puno at halaman sa lugar na maaaring magtanim,

malaking tulong din ito sa tuwing may bagyo at init dahil nakakasagap ito ng

tubig at pwedeng maging silungan na lugar sa tuwing matirik ang araw.

11
Ang matinding init ay isa rin sa mga kaugnay na epekto ng global

warming. Ang numero unong paraan upang makaligtas sa sakit na ito at ang

mga epekto ng pag-init ng mundo ay ang kahalagahan ng pananatiling

hydrated at madalas na pagpunta sa malamig, may kulay na mga lugar, lalo na

sa pinakamainit na oras ng araw. Kung mayroon kang mga sintomas ng heat

stroke, tulad ng pagkahilo, pagduduwal, at mabilis na tibok ng puso,

mahalagang tumuon sa mga paraan upang mapabuti ang iyong sarili at

posibleng magpatingin sa doktor.

Ang labis na pag-ulan at malawakang tagtuyot ay humantong sa

pagkawala at pinsala sa mga pananim ng mga magsasaka. Sa ganitong paraan,

maaaring makatulong ang mga pagkilos na nagpapaayos sa kalusugan ng lupa,

halaman, at hayop. Posibleng tiyakin na ang mga halaman at lupa ay nasa

pinakamabuting posibleng kondisyon upang makayanan ang tagtuyot at hindi

inaasahang pag-ulan sa pamamagitan ng paggamit ng mga regenerative

agriculture techniques kabilang ang no-till cultivation, pag-iwas sa nasusunog

na pinaggapasan, at paglaki ng mga pananim.

Ang paggamit ng enerhiya sa gusali ay bumubuo ng 39% ng mga

pandaigdigang paglabas ng carbon dioxide. Magpapatuloy ang migrasyon

mula sa kanayunan patungo sa kalunsuran at inaasahang magpapatuloy ito.

Humigit-kumulang 230 bilyong metro kuwadrado ng bagong imprastraktura

ang itatayo sa susunod na taon. Kailangang gamitin ang bawat pagkakataon na

12
ito para mabawasan ang polusyon. Pagkukumpuni ng mga kasalukuyang

gusali, pagpapabuti ng mga pamantayan ng kalidad para sa bagong

konstruksiyon o paghahanap ng mga napapanatiling solusyon para sa air

conditioning at pamamahala ng basura sa bahay, atbp., ang mga mga paraan

para magawa natin ito.

PAGLALAHAT

Ang pananaliksik na ito ay isinulat upang talakayin ang kasalukuyang

suliranin tungkol sa global warming. Nakapaloob sa pananaliksik na ito ang

iba't ibang epekto ng Global Warming sa ating agrikultura, kapaligiran, klima,

at kalusugan. Ang isyung ito ay patuloy na nararanasan ng ating bansa na mas

lalong lumalala sa paglipas ng taon, sa pamamagitan ng pananaliksik na ito,

mas binigyan ng pansin ang iba’t ibang dahilan kung bakit ito nangyayari.

Ang global warming ay nag reresulta ng pag taas ng temperatura na

nag papabilis sa pag tunaw ng mga niyebe na siyang nag papaulan sa ibang

rehiyon ng mas maaga kaysa sa dapat nitong tamang oras na pag tunaw. Ang

global warming din ay nag papabilis sa presipitasyon ng mga anyong lupa

kung kaya’t mabilis na nanunuyot ang mga lupain. Ang mga maaring epekto

naman ng tagtuyot na sanhi ng global warming ay ang banta nito sa

ekosistema at ang pag kawala ng biodiversity. Dahil sa pangdaigdigang epekto

nito kung kaya ang ating bansa ay nakakaranas din ng pag katuyot at pag

babago sa klima.

13
Ang pilipinas ay likas na maulanin dahil mayroon lamang itong

dalawang panahon sa isang taon. Sa pag lala ng global warming, ang imbis na

mahinang ulan ay napalitan ng malalakas at matitinding bagyo na umaapekto

sa mga mamamayan ng ating bansa at maski rin sa ibang bansa. Dahil sa pag

init ng temperatura mas umiinit ang mga karagatan kung kaya’t bumibilis ang

pag singaw nito at ang hangin mula sa pag singaw ng tubig ay nag reresulta ng

matitinding bagyo. Ang epekto ng matinding bagyo sa ating lipunan ay

pagkapinsala sa mga gusali at imprastraktura,pag kasira ng mga puno at

halaman, pagtigil ng mga operasyon ng mga sasakyang pandagat, at

pagkapinsala sa mga pamumuhay at kabuhayan. Dahil sa pag tunaw ng mga

niyebe tumataas ang lebel ng karagatan na mas nag papabilis sa pag baha at

pag gawa ng bagyo.

Ang agrikultura o iba pang-agriculture related jobs ay isa sa mga

pangunahing hanapbuhay ng lahat ng Pilipino sa ating bansa. Sa madaling

salita, lumalabas na sa tuwing tumataas ang temperatura ng lupa, bumababa

ang ani ng mga magsasaka. Naghihirap ang mga magsasaka kapag lumalala

ang klima.

Naipakita rin na ang pag-aaral na ang agrikultura, kagubatan at iba

pang aktibidad na nauugnay sa paggamit ng lupa ay bumubuo ng 23% ng mga

greenhouse gas emissions. Nagsasayang tayo ng 25-30% ng pagkaing

14
ginagawa natin. Kung magpapatuloy ang deforestation, mahigit 50 bilyong

tonelada ng carbon ang ilalabas sa atmospera sa loob ng 30 hanggang 50 taon.

Sa paglaganap o pagtindi ng epekto ng isyung ito sa kalusugan ng tao,

tayo ay posibleng makakuha ng iba’t ibang sakit na maaring makaapekto sa

pang-araw-araw na pamumuhay. Ang pagtaas ng temperatura ay may

malaking gampanin sa pagkalat o paglala ng mga sakit. Napatunayan na ang

klima na may kaugnayan sa Global Warming ay nagbubunga sa iba’t ibang

dahilan na maraming tao ang nakakaranas nang paglala ng kanilang masamang

karamdaman. Ang partikular na karamdaman na maaaring mapasama pa o

makuha ng isang tao ay karaniwan sa parte ng kanilang paghinga, daloy ng

dugo, at sa resistensya nila na kung saan maaring maging mahina ang kanilang

katawan na nagbubunga sa pagtaas ng posibilidad na malagay sa panganib ang

kanilang kalusugan.

Mula sa pagtaas ng temperatura, ang katawan ng isang tao ay

nakakaramdam ng tinatawag na heat exhaustion na maaring mapataas ang

posibilidad ng taong ito na magkaroon ng karamdaman na konektado sa

kanilang puso sapagkat ito rin ay malapit sa karamdaman na heat stroke na

kung saan maaring mapunta sa heart attack. Bukod pa rito, mayroon ding kaso

na ang tawag ay vector borne disease na tumataas ang kaso dahil sa epekto ng

pagtaas ng temperatura. Ito ay may malaking banta sa kalusugan ng mga tao

sapagkat dito nagmumula ang mga sakit na nagmula sa isang tao na ang mga

15
insekto ang nagsisilbing daan upang mapasa ito sa ibang tao at patuloy na

kumalat.

MGA SANGGUNIAN

Amaechi, P. (2022, October 28). 10 Epekto ng Global Warming sa

Kapaligiran - Environment Go! Environment Go!

https://tl.environmentgo.com/effects-of-global-warming-on-

the-environment/#:~:text=Ang%20temperatura%20ng%20

mundo%20ay%20tumaas%20nang%20husto%20bilang%

20resulta,baybayin%20ay%20maaaring%20maging%20sa

kuna.

Ano Ang Global Warming. (n.d.). Scribd.

https://www.scribd.com/document/317558757/Ano-Ang-Glo

bal-Warming#

Bermejo, K. (2017, October 17). Climate change will impact

Philippines’ ability to feed its people. Eco-Business.

https://www.eco-business.com/news/climate-change-will-im

pact-philippines-ability-to-feed-its-people/?fbclid=IwAR11

EZDKF1qXSL7wI9-jN8xfnWlzx77Oh0rQb-ZzWLxc9eHr

m4d_-Gza07w

Dating, M., MSPH Biostatistics (UPM), Faculty Member

(INSTAT-UPLB). (n.d.). Mapping of Vector-Borne Disease

16
(VBD) Hotspots in the Philippines: Constructing a

Vector-Borne Disease Vulnerability Index using AHP.

Mapping of Vector-borne Disease (VBD) Hotspots in the

Philippines . . . (n.d.).

https://psa.gov.ph/sites/default/files/4.7.1%20Mapping%20

of%20Vector-Borne%20Disease%20Hotspots%20in%20th

e%20Philippines%20Constructing%20a%20Vector-Borne

%20Disease%20Vulnerability%20Index%20Using%20AH

P.pdf.

Dillemuth, S. (2021). Pagbabago ng Klima at Kalusugan: Ang

Kailangan Mong Malaman. MCE Community Choice

Energy.

https://www.mcecleanenergy.org/tl/mce-news/climate-chang

e-and-health-what-you-need-to-know/

EPEKTO NG BAGYO. (n.d.). Scribd.

https://www.scribd.com/document/479805081/EPEKTO-N

G-BAGYO

Fecht, S. (2021). How Exactly Does Carbon Dioxide Cause Global

Warming? State of the Planet.

https://news.climate.columbia.edu/2021/02/25/carbon-dioxi

de-cause-global-warming/

17
Friel, S., Bowen, K., Campbell-Lendrum, D., Frumkin, H.,

McMichael, A. J., & Rasanathan, K. (2011b). Climate

Change, Noncommunicable Diseases, and Development:

The Relationships and Common Policy Opportunities.

Annual Review of Public Health, 32(1), 133–147.

https://doi.org/10.1146/annurev-publhealth-071910-140612

Global warming makes heat waves hotter, longer, and more common.

(2021, August 23). NATIONAL ACADEMIES.

https://www.nationalacademies.org/based-on-science/global

-warming-makes-heat-waves-hotter-longer-and-more-com

mon

Impact of Typhoons on the Western Pacific – Dr. Steven Jayne.

(n.d.).

https://www2.whoi.edu/staff/sjayne/projects/itop/?fbclid=Iw

AR0I8t1rPxec4QEL-FgL6tQfQuvWbN-vtKpJxCv-5cay73

YCjzqRwXUprfM#:~:text=Typhoons%20require%20high

%20sea%20surface,the%20more%20intense%20the%20ty

phoon

Klima, panahon, at climate change: Vol. Aklat 2 (2nd ed.). (n.d.).

Project Sarai.

http://palms.pcaarrd.dost.gov.ph/training/moodle/pluginfile

18
.php/795/block_html/content/Corn%20Volume%20II%20-

%20Climate%20Change.pdf

Mora, C., McKenzie, T., Gaw, I. T. U., Dean, J., Von Hammerstein,

H., Knudson, T. A., Setter, R. O., Smith, C., Webster, K.,

Patz, J. A., & Franklin, E. C. (2022). Over half of known

human pathogenic diseases can be aggravated by climate

change. Nature Climate Change, 12(9), 869–875.

https://doi.org/10.1038/s41558-022-01426-1

Prillaman, M. (2022). Climate change is making hundreds of

diseases much worse. Nature.

https://doi.org/10.1038/d41586-022-02167-z

Tagtuyot sa 22 probinsya, pinangangambahan sa Abril. (2019,

March 6). Philstar.com.

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/0

3/06/1899163/tagtuyot-sa-22-probinsya-pinangangambahan

-sa-abril

ThemeGrill. (2022). Ang Epekto Ng Climate Change Sa

Kapaligiran, Lipunan, At Kabuhayan Ng Tao Sa Bansa At

Sa Daigdig. MyInfoBasket.com.

https://myinfobasket.com/ang-epekto-ng-climate-change-sa-

19
kapaligiran-lipunan-at-kabuhayan-ng-tao-sa-bansa-at-sa-d

aigdig/

United Nations. (n.d.). Causes and Effects of Climate Change |

United Nations.

https://www.un.org/en/climatechange/science/causes-effects-

climate-change

Vazquez, M. (2019, October 12). Global warming: ano ito at ano

ang mga kahihinatnan nito? Bezzia.

https://www.bezzia.com/tl/Ano-ang-global-warming-at-ano-

ang-mga-kahihinatnan-nito%3F/

Vazquez, M. (2022, May 28). Ang mga kahihinatnan ng tagtuyot at

ang kanilang kaugnayan sa pagbabago ng klima. Bezzia.

https://www.bezzia.com/tl/ang-mga-kahihinatnan-ng-tagtuy

ot-at-ang-kanilang-kaugnayan-sa-pagbabago-ng-klima/

20

You might also like