Professional Documents
Culture Documents
Makikita sa kabanatang ito ang mga publikasyong may kinalaman sa pananaliksik na ito,
kasama na ang mga pahayagan, aklat, web page, gayundin ang ibang mga kaugnay na pag-
aaral tulad ng tesis at disertasyon at iba pa nga sanggunian na magagamit na batayan sa
pagsusuri.
Kaugnay na Literatura
Banyaga
Ayon kay Svante Arrhenius (1987), isang Suwekong siyentipiko, ang fossil fuel
combustion o ang pagsunog sa petrolyong langis ay maaaring magresulta sa mas matinding
pag-init ng mundo o Global Warming. Ipinanukala niya ang ugnayan sa pagitan ng
konsentrasyon at temperatura ng carbon dioxide sa kapaligiran. Nalaman niya na ang normal
na temperatura sa ibabaw ng lupa ay umaabot sa 15oC dahil sa kapasidad ng tubig singaw
at carbon dioxide na tumanggap ng infrared. Ito ay tinatawag na natural na greenhouse
effect. Sinabi ni Arrhenius na ang pag-doble ng konsentrasyon ng CO2 ay maaaring
magkaroon ng hanggang 5oc na pagtaas sa temperatura. Ipinaliwanag niya at ni Thomas
Chamberlin na ang mga gawain ng tao ay maaaring magpainit sa lupa sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng carbon dioxide sa atmospera.
2004)
Ayon sa librong Earth Science, ang weather o lagay ng panahon ay ang kondisyon ng
atmospera sa isang partikular na oras at lugar habang ang klima naman ay ang
pangmatagalang pagtatanyag ng panahon na kadalasang tumatagal ng hanggang isang
dekada.
Ayon sa librong Our World, Ika-anim na Bolyum (1987 p. 59) ng Scott Fenzer
Company, kung ang daigdig ay patuloy na mag-iinit, ilan sa mga nagyeyelong bahagi ng
Hilaga at Timog Polo ay maaring matunaw. Maaari ding magbaha sa mga mabababaw na
lugar at maraming lahi ang maaaring maubos dahil sa di kasanayan sa lalo at sobrang init na
temperatura.
Ayon naman sa librong Environmental Science (1985 p. 613), ng Saunders College
Publishing, habang tumataas ang temperatura, ang epekto ay unti-unti at hindi mabilisan na
nakikita at nararamdaman. Ang Solar Energy o ang enerhiyang nanggagaling sa araw ay
may kakayahang kontrolin ang direksiyon ng hangin, ang tubig sa mabababaw na lugar ay
natutuyo o nag-eevaporate at bumubuo ng mga ulap na nagdadala ng ulan, at natutunaw
ang mga yelo o glaciers kada tag-sibol. Kaunting pagbabago sa kung paano tumanggap ang
daigdig ng Solar Energy ay maaari ding makapagpabago sa mga prosesong nabanggit mula
sa isang bahagi ng mundo hanggang sa iba pang bahagi o parte nito. Maaaring ang mga
lugar na sakop ng agrikultura ay makaranas ng matinding tag-tuyot o El Niño hanggang wala
nang matanggap na benepisyo sa mga pananim at hindi na magamit ang mga ito. Habang
ang mga pag-ulan naman ay mararanasan sa mga lugar na hindi kadalasang nakakaranas
ng mga pag-ulan o ang mga itinuturing na disyerto. Lahat ng mga may katayuan sa
ekolohiya, tulad ng mga natural na halaman, mga pananim, iba’t-ibang uri ng hayop, mga
mikroorganismo, at mga pagkaing hindi na pwedeng mapagkunan ng sustansya upang
matustusan ang pangangailangan ng mga nabubuhay na bagay. At dahil hindi tayo
nakasailalim sa pandaigdigang pamahalaan, ang mga pulitikal na kahihinatnan ay hindi
kapani-paniwala. Isa pang malaking epekto ng pagtaas ng temperatura ng mundo ay ang
pagtaas ng mga tubig sa karagatan.
Ayon kay Paul Krugman (2012), isang kulumnista ng New York Times, patuloy ang
pag-init ng mundo. Kung gusto mong maintindihan kung bakit may kumukontra sa paglutas
sa suliraning ito, tingnan ang anggulong pinansyal. Sinabi rin niya na nahahadlangan ang
pagsisikap sa kanilang bansa dahil sa kasakiman at kaduwagan ng mga pulitiko.
Dahil sa sobrang init, mas nagiging makapangyarihan ang mga unos, lumalaki ang
bilang ng mga sunog sa kagubatan at napapadalas ang mga baha at tagtuyot. Ang
greenhouse gases ang bumabago sa ating klima sa paraang nagbibigay ng madaliang
hamon sa mga tao, propriyedad sa ating ecosystem sa buong mundo. Ngunit ang
pagbabago ng klima ay nananatiling abstrak na konsepto at malayo pa sa hinaharap na
nagiging dahilan ng skepticism at inaction. (Climate Central)
Lokal
Ayon naman sa artikulo ng pahayagang Balita Online (2018) may bagong pag-aaral
na inilathala kasabay ng pagsisimula ng United Nations climate conference sa Paris. Ayon
sa kanila, nadagdagan pa ang inaasahang lagim sa hinaharap: ang panganib sa sukdulan ng
pag-iinit ng mundo ay maaaring magpalaho ng oxygen sa planeta. Nadiskubre nila ang isa
pang posibleng resulta ng global warming na maaaring maging mas mapanganib kaysa sa
lahat. Ang kanilang pag-aaral, na ibinatay sa peer-reviewed journal na Bulletin of
Mathematical Biology, ay halaw sa isang computer model ng phytoplankton, ang napakaliliit
na halaman sa dagat na lumilikha ng nasa two-thirds ng oxygen sa hangin. Ang karaniwang
pag-iinit ng mundo na 6oC (10.8 degrees Fahrenheit) ay magbubunsod ng pagpalpak ng
mahalagang kakayahan ng phytoplankton sa paglikha ng oxygen, ayon sa kanila. Ito ay
nangangahulugan ng pagka-ubos ng oxygen hindi lamang sa tubig kundi pati na rin sa
hangin. Kapag ito ay nagpatuloy, maaaring maubos ang halos lahat ng may-buhay sa
mundo. (Balita Online, 2018)
Kaugnay na Pag-aaral
Banyaga
Sa mga sumunod pang taon, mas lumawak ang mga epekto ng Global Warming sa isang
pananaliksik ng Environmental Defense Fund. Sa ginawang pananaliksik ng EDF, ipinakita
ang mga ebidensiya, epekto, at pinsala sa kapaligiran na dulot ng Global Warming. Ang mga
halimbawa na nakasama, pero hindi limitado doon, ay ang paglubog ng mga lugar na malapit
sa dagat, ang pagkatunaw ng yelo at glacier dahil sa sobrang init, ang unti-unting
pagkabawas ng lahi ng mga hayop dahil sa mga aspeto ng kanilang kapaligiran ay mga
epekto ng pagtaas ng temperatura, at ang mga sinasabing “extreme weather events” kung
saan ang normal, o seasonal, na panahon ay biglang nagiging mas masama kontra sa
inaasahan.
Lokal
.Samantala, ang pagbagay ay nagnanais na ayusin ang mga tao at natural na mga sistema sa
pagbabago ng kapaligiran dahil sa pagbabago ng klima. Ang mga inisyatiba sa pag-iangkop ay
kinabibilangan ng lahat ng mga hakbang na naglalayong magbawas ng mga negatibong
epekto na nagreresulta mula sa pagbabago ng klima pati na rin ang pagkakakilanlan ng mga
bagong pagkakataon (tulad ng pang-ekonomiyang potensyal ng carbon offset) at mga
benepisyo na nauugnay sa mga bagong kondisyon ng klima.
Ayon din sa Climate Change in the Philippines: A Contribution to the Country
Environmental Analysis (2008), Ang mga sumusunod ang mga pangunahin at malalaking
pekto ng pagtaas ng temperatura ng daigdig:
Ang availability ng tubig: Sa kalagitnaan ng siglo, taunang average runoff ng ilog at tubig ang
availability ay inaasahang tumaas ng 10-40 porsiyento sa mataas na latitude at sa ilang basa
na tropikal na lugar, at bumaba ng 10-30 porsiyento sa ilang mga dry na rehiyon sa mid-
latitudes at sa mga tuyo na tropiko, ang ilan sa mga ito ay kasalukuyang naka-stress sa tubig
mga lugar. Sa ilang mga lugar at sa partikular na mga panahon, naiiba ang mga pagbabago
mula sa mga taunang ito mga numero. (Climate Change in the Philippines: A Contribution to
the Country Environmental Analysis, 2008)
• Extreme events: Ito ay malamang na ang mainit na extremes, heat waves, at ang mabigat na
mga pangyayari sa pag-ulan ay patuloy na magiging mas madalas. Batay sa isang hanay ng
mga modelo, malamang na ang hinaharap na tropikal na mga bagyo (bagyo at bagyo) ay
maging mas matindi, na may mas malaking bilis ng bilis ng hangin at mas mabigat na pag-
ulan.
• Dagat ng dagat: Ang ibig sabihin ng global na antas ng dagat ay inaasahang tumaas ng 0.19-
0.59 metro sa pagitan 1990 at 2100, dahil lalo na sa pagpapalawak ng thermal at pagkawala
ng masa mula sa mga glacier at takip ng yelo.
Ayon naman sa pananaliksik tungkol sa Antas ng kaalaman ng mga Estudyante sa
Unang Taon ng Kursong Engineering ukol sa suliraning Global Warming (2011), maraming
nagmamalasakit sa kapaligiran ang tumulong sa suliraning ito. Kabilang na dito ang proposal
ni Samudro at Mangkoedihadro. Nag aalala sila sa maaaring maging epekto ng mga GHG
na ibinubuga ng mga sasakyan kung kaya’t isinuhestiyon nila ang pagpapaunlad sa mga
berdeng espasyo o espasyo para sa mga puno’t halaman na may ganitong pormula : GA = [
29 P0.7 – 3.2P] na kung saan ang GA ay tumatayo para sa berdeng espasyo (sa Km2) at
ang P naman ay ang total na populasyon (sa milyon). Sa ganitong paraan, makatutulong ito
na mabalanse ang paglaganap ng Carbon Dioxide na gawa ng mga tao.