You are on page 1of 13

EPEKTO NG PAGBABAGO NG KLIMA SA KASALUKUYANG PANAHON

Nina:

BAES, JOAN RHEA MAE L.

MANGAMBIT, ZAHAIRA A.

VILLARUZ, JOANNA Q.

BLAH, MOHAMMAD I.

MAHER, RAWAN A.

Takdang Papel sa Pangangailangan sa Kursong

Filipino 122 N

Propesor Angelina L. Piquero

Pamantasan ng Notre Dame

Lungsod ng Cotabato

Ikalawang Semestre, 2020-2021


PASASALAMAT

Kami po ay lubusang nagpapasalamat sa mga sumusunod na indibidwal, tanggapan at sa

iba pang naging bahagi ng pananaliksik na ito.

Dakilang lumikha na nagbigay sa aming grupo bt determinasyon at kaalaman na aming

nagamit upang maging matagumpay ang pananaliksik na ito.

Nagpapasalamamat kami sa aming mga magulang na tumulong at umintindi sa amin, sa

pagbibigay ng moral at pinansyal na suporta, pagmamahal at inspirasyon

Kung hindi dahil sa mga may akda ng mga aklat, journal, magasin at iba pa na

mapagkukunan ng mga sagot o impormasyon, hindi magiging posible ang pananaliksik ito kaya

taos puso kaming nagpapasalamat sa kanila.

Bukal sa kaloobang pasasalamat sa inilaang kooperasyon, tiyaga, at pagod ng mga

miyembro upang maging matagumpay ang aming pananaliksik

i
MGA NILALAMAN

Pahina

Tesis Abstrak..........................................................................................................................

Pasasalamat.............................................................................................................................

Talaan ng Talahanayan...........................................................................................................

Talaan ng Talaguhitan............................................................................................................

Kabanata

I. ANG SULIRANIN

Panimula..............................................................................................................

Paglalahad ng Suliranin.......................................................................................

Kahalagaan ng Pag-aaral.....................................................................................

Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral.....................................................................

II. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT 2

Edukasuon Bilinggwal............................................................................................

Ang Guro at Pagtuturo...........................................................................................

Pamamahala ng Silid-Aralan..................................................................................

Mga Kaugnay na Pag-Aaral.................................................................................

Balangkas ng Konsepto.......................................................................................

ii
MGA NILALAMAN - Karugtong

Kabanata Pahina

III. PAMAMARAAN AT PAGKUKUNAN NG MGA DATOS

Ang Disenyo ng Pananaliksik.............................................................................

Ang Respondante................................................................................................

Instrumento.........................................................................................................

IV. PAGLALAHAD,PAGSUSURI AT PAGPAPAHALAGA NG MGA NATUKLASAN

Katangian Ng Mga Respondante………………………………………………….

Mga Kahusayang Pampropesyonal……………………………………………….

Inter-Korelasyon Ng Mga Baryabol……………………………………………...

V. PAGLALAGOM NG PAG AARAL ,MGA KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Muling paglalahas ng sulitanin at pamamaraan ng pagaaral.............................

Konklusyon...............................................................................................................

Rekomendasyon......................................................................................................

Bibliograpiya............................................................................................................

iii
INTRODUKSYON

Sa mga nagdaang siglo, maraming pagbabago ang naganap sa mundo. May mga

pagbabago na nagdulot ng mabuting epekto at mayroon din naming nagdulot ng masamang

epekto. Ang mga dulot ng pagbabagong ito ay nakikita at nararamdaman sa kasalukuyang

panahon. Maaari pa itong magpatuloy hanggang sa mga susunod na henerasyon. Maliban sa

teknolohiya na maging hudyat ng simula ng modernisasyon sa mundo, may isa pang pagbabago

ang patuloy na umiiral sa buong mundo. Ito ay ang pagbabago ng klima.

Isa sa mga matinding hamon na kinakaharap ng daigdig sa kasalukuyan ay ang

pagbabago ng klima. Ito ay tumutukoy sa pangmatagalang pagbabago sa kondisyon ng panahon

na nangyari sa mga dekada, siglo o mas matagal pa. Halimbawa nito ay ang pagtaas ng

temperatura sa atmospera o kalawakan, pagtaas ng antas ng dagat at ang pagbabago ng pattern ng

bagyo. Isa itong nakakatalot na senaryo sapagkat ang pamumuhay ng tao ay sadyang

naapektuhan at maaring humantong sa punto na wala ng buhay ang mabubuhay sa mundo.

Kasabay ng mabilis na pag-unlad ng mundo dahil sa modernisasyon ay siya rin ang

paglala ng kondisyon ng mundo. Hindi na lingid sa kaalaman natin ang resulta ng gawain ng tao

ang pangunahing sanhi nitong pagbabago ng klima. Ang mga hangin galing sa pabrika, sasakyan

at ang pagsusunog ng mga materyal ay nagdudulot ng pagnipis ng “ozone layer” dahil ang mga

hangin nito ay napapabilang sa tinatawag na “greenhouse gases” na nakakadagdag sa pag-init ng

mundo. Dinag-dagan pa ito ng pamumutol ng puno lalo na sa maunlad na bansa. Kinukuha ang

mga kahoy para magtayo ng mga gusali at ang makalbong lupa ay hindi na muling tataniman ng

puno. Sa halip ay gagawin itong sakahan o dika’y patayuan ng mga bagong gusali at pagkikitaan.

1
Ang mga gawaing ito ay tunay na nagbibigay ng ginawa sa buhay at pag-unlad sa

ekonomiya ngunit kailangang suriin ng mabuti ang malalimang epekto nito sa daigdig.

Sa mga nakaraang bagyo, pagguho ng lupa, pagkatunaw ng yelo sa mga malalamig na

bansa at iba pang kalamidad, nasaksihan natin ang mga buhay na nasawi. Nararapat lamang na

alamin natin ang epekto ng pagbabago ng klima sa daigdig sapagkat tayong mga tao rin ang

nagsimula nito. Ayon kay Associate Professor Nerlie Abram, isang mananaliksik mula sa

Australian National University (ANU), “ang iba’t ibang epekto na mararanasan ng tao ngayon ay

nagsimula na humigit isang daan at walampung taon na ang nakalipas”. Sa pananaliksik na ito,

bibigyang linaw na ang mga trahedyang nagaganap sa kasalukuyan ay hindi pangkaraniwan o

likas na pangyayari kundi epekto ng pagbabago ng klima sa ating planeta.

2
UNANG KABANATA

PAGPAPAHAYAG NG PROBLEMA

I. Anu-ano ang mga epekto ng pagbabago ng klima sa kasalukuyang panahon?

a. Mabuting epekto

1. Tao

2. Hayop

3. Halaman

b. Masamang epekto

1. Tao

2. Hayop

3. Halaman

II. Bakit patuloy na lumalala ang pagbabago ng klima sa kasalukuyang panahon?

III. Paano mababawasan ang pagbabago ng klima sa kasalukuyang panahon?

3
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay at makakatulong sa mga sumusunod:

Makakatulong sa mga tao ang pananalikisk na ito upang magkaroon ng kamalayan sa

mga epekto ng kanilang mga gawain na sa isa sa mga nagdudulot ng patuloy na pagbabago ng

klima. Magsisilbing gabay ang pananaliksik na ito upang makahanap sila ng alternatibong

pamaraan para sa mababawasan ang epekto ng pagbabago ng klima.

Ang mga organisasyon ay magsislbing tagapagsulong ng iba’t ibang programa at

adbokasiya na may kinalaman sa pagbabago ng klima at kung paano ito masusugpo. Ang mga

organisasyong ito ay ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR), Kagawaran ng

Kalusugan (DOH), at ang Kagawaran ng Agham at Teknolohiya (DOST).

Magsisilbing gabay ito sa mga pabrika ang pananaliksik upang mabawasan nila ang

paglabas ng mga gas na nagpapanipis sa ozone layer na nagiging sanhi ng pag-init ng mundo.

4
SAKLAW AT HANGGANAN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa mga mabuti at masamang epekto ng

pagbabago ng klima sa kasalukuyang panahon partikular sa mga tao, hayop, at

halaman, dahilan kung bakit patuloy na lumalala ang pagbabago ng klima at kung

paano ito mababawasan.

Ang pagkuha ng mga impormasyon ay sa pamamagitan ng mga libro,

journal, diksyonaryo , at magasin mula sa silid-aklatan ng Notre Dame University

at iba pang mapagkukunang impormasyon sa internet na may kinalaman sa

pananaliksik. Naganap ang pananaliksik noong ika- 2 ng Marso taong 2020 at

inaasahang magtapos sa ika- 25 ng Marso taong 2020.

5
IKALWANG KABANATA

PAMAMARAAN

Ang kabanatang ito ay naglalayon na maipaliwanag at mailahad ang mga paraang ginamit

ng mga mananaliksik upang mabigyang katuparan ang layunin ng pag-aaral. Unang ginawa ng

mga mananaliksik ay ang pagbuo ng pamagat.

Kasunod nito ay ang paggawa ng mga katanungan ukol sa nabuong pamagat na "Epekto

ng pagbabago ng klima sa kasalukuyang panahon". Binuo rin ng mga mananaliksik ang

kahalagahan ng pag-aaral na nakatuon sa mga makikinabang sa pananaliksik na Ito. Pagkatapos

nito ay mangangalap ang mga mananaliksik ng mga impormasyon sa mga

libro,journal,diksyunaryo at magasin sa silid-aklatan ng Notre Dame University, Cotabato City

pati na rin sa internet. Ang mga nakalap na mga impormasyon ay gamitin upang masagot ang

mga inihandang katanungan. Ginamit sa pananaliksik na ito ay palarawang paraan. Ito ay

dinisenyo upang makalap ang mga impormasyon tungkol sa kasalukuyang kalagayan. Ang

pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang mailarawan ang kalikasan ng isang sitwasyon

habang ito'y nagaganap sa panahon ng pag-aaral at masaliksik ang mga sarili ng particular na

pangyayari. Ang uri ng palarawang paraan na gagamitin ng mga mananaliksik ay pagsusuri ng

nilalaman o content analysis.

6
IKATLONG KABANATA

RESULTA O BUNGA NG PANANALIKSIK

Hindi maiwasan ng tao na ikumpara ang kalagayan ng mundo noon at ngayon sapagkat

napakalaki ang pagbabago na nahanap. Sa nakalipas na dekada hanggang ngayon, nanatiling isyu

sa buong mundo ang pagbabago ng klima lalong-lalo na sa mga tropikal na bansa at hindi pa

gaanong mauunlad na bansa. Sa pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya at pamamaraan

upang umunlad ang isang bansa, nagsimula ang pagbabago ng klima at dumating sa punto na

hindi na gaanong nabigyan ng pansin ang mga epekto nito dahil sa benepisyo na natatamasa ng

tao.

Ang pagbabago ng klima at may mabuti at masamang epekto. Kakaunti lamang ang

mabuting epekto nito sapagkat ang nakakabenepisyo lamang dito ay mga tao na naninirahan sa

malalamig na lugar o bansa na napapaloob sa kontinente ng Antartika at parte ng Greenland.

Makakapagtanim sila ng mga pananim na hindi tumutubo dati na mapagkukunan nila ng

karagdagang hanapbuhay. Unti-unting uunlad ang agrikultura ng malalamig na bansa sa patuloy

na pagbabago ng klima. Ito ang dahilan kung bakit naging debate ito ng mga dalubhasa sapagkat

iniisip nila na bakit pa kailangang bawasan ang epekto ng pagbabago ng klima kung may

nakikinabang naman dito.

7
IKAAPAT NA KABANATA

8
BIOGRAPIYA

You might also like