You are on page 1of 2

“Pagpuksa Sa Global Warming Sa Pamamagitan Ng Mga Alternatibong Pinagkukunan

Ng Enerhiya”

Nararamdaman mo na ba ang matinding init na nagmumula sa matinding sikat


ng araw sa tuwing sasapit ang dapit hapon. Paano kung patuloy nang maubos ang
lahat ng ating pinagkukunan? May magagawa pa ba tayo? Pagtindi ng klima (extreme
weather events), pagkalat ng iba’t ibang uri ng sakit, pagbibitak-bitak ng lupa,
pagkatunaw ng mga yelo o glaciers sa malalamig na bahagi ng mundo , ilan lamang
ang mga ito sa mga posibleng epekto ng global warming sa ating mundo. Marami sa
atin ang tila ba nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan sa tunay na kalagayan ng
ating mundo at dahil sa pagsasawalang bahala ng bawat isa di na natin namamalayan
ang pangmalawakang epekto nito sa atin at sa mga susunod pang henerasyon.

Ano nga ba ang Global Warming? Ang Global warming ay ang unti-unting
pagtaas ng pangkalawakang temperatura ng atmospera ng mundo at maii-ugnay ito sa
Greenhouse Effect na dulot ng paglaki ng mga antas ng Carbon Dioxide,
chlorofluorocarbons, at iba pang pollutants na syang nakakaapekto sa ating mga tao.
Ilan sa mga sanhi ng Global Warming ay ang Greenhouse effect. Ito ang proseso kung
saan mas malaki ang iniaaambag na init sa ibabaw ng isang planeta ng radiation mula
sa atmospera nito kumpara sa kung ang planeta ay walang atmosphere. Lubhang
madaming gawain ng mga tao ang nakadadagdag sa pangkalahatang problema sa
global warming. Ilan lang sa mga ito ang paglabas ng mga usok mula sa mga pabrika
at mga sasakyan, pagputol ng mga puno sa kagubatan, paggamit ng mga kemikal sa
mga halaman, pagtaas ng antas ng carbon dioxide sa mundo, at paglaki ng
populasyon sa mundo.

Ang mga nabanggit na sanhi ng global warming ay mayroon ding kaakibat na


epekto. Marami ang posibleng epekto ang global warming sa mundo, isa na rito ang
paglaki ng mga karagatan dahil sa mga natunaw na yelo sa malalamig na lugar,
pagdagsa ng maraming bagyo, pagkamatay ng iba’t-ibang uri ng hayop, at
pagkalat/pagkadiskubre ng mga bagong sakit dulot ng matinding init. Maging tayong
mga tao ay napasasama at direktang naapektuhan dahil sa ating sariling kagagawan.
Ayon sa Department of Health, dahil sa pagbabago ng klima at lalong pag-init ng
mundo ang kalusugan ng tao ang unang naapektuhan, dahil sa init maaring magkaroon
ng pabalikbalik na pag-ubo at sipon, heart stroke, skin cancer, at iba pang sakit. Isa pa
sa mga epekto ng Global warming sa ating mundo ay ang paglaki ng mga karagatan
dahil sa mga natunaw na yelo sa malalamig na lugar na sya namang naging dahilan ng
pagdagsa ng bagyo at pagkamatay ng iba’t- ibang uri ng hayop. Bukod pa dito, ang
mga pagtunaw ng glacier ay nakapagpapabago ng ditribusyon ng timbang sa mundo
(NASA, 2016). Dahil sa mga pagbabago na ito ay lumilihis mula sa aksis ang mundo
nang paunti-unti. Ang paglihis na ito ay makapagbabago ng sikat ng araw sa ating
mundo na nag-aambag sa pagbabago ng klima.

Kung hindi natin sisimulan ang mga hakbang para maibsan ang global warming
maaari itong magdulot ng patuloy at malawakang pagkamatay ng mga tao, halaman at
hayop. Ngunit mayroon pa tayong pag-asa na maibsan o mapuksa ang Global
Warming. Magagawa natin ito sa pamamagitan nang paunti unti ang pagtatanim ng
mga puno, pagtitipid ng enerhiya o paggamit ng enerhiyang hindi lubhang nakasasama
sa ating kapaligiran gaya na lamang ng Geothermal, Wind, Solar, Hydroelectric Energy.
Ugaliin din ang pagtitipid ng tubig, patayin kung di naman ito gagamitin. Pagbibisikleta
o paglalakad papunta sa iyong destinasyon. Sa mga simpleng paraan na ito ay
makakatulong tayo sa pagibsan ng Global Warming, hindi man ito magiging mabilisan
ngunit ito ay makakatulong ng malaki.

“Ang pagbabago ay magsisimula sa ating mga sarili.” Ika nga nila, walang
mangyayari kung patuloy tayong magsisisihan sa mga pangyayaring ito simulan na
dapat nating umaksyon sa mga ganitong sitwasyon na dapat lahat tayo ay may
pakielam. Hindi pa huli ang lahat, at wag nating hintayin na matuluyan na tayong
maubusan bago natin maisip na dapat na tayong kumilos. Sa mga simpleng paraan na
ito ay masusuklian natin ang inang kalikasan sa kanyang mga kaloob. Tumayo ka at
simulan ang pagbabago sa iyong mga kamay.

You might also like