You are on page 1of 1

Alizza Clare Marie M.

Tangliben 9 – STE A (Einstein)

Kahirapan, May Katapusan?

Kahirapan. Hindi na ito bagong salita. Araw-araw ay maririnig at


makikita ito sa halos lahat ng sulok ng Pilipinas. Paulit-ulit na lang.
Napakatagal ng problema, ngunit hanggang ngayon, hindi pa din
nasosolusyunan at tila palala pa nang palala. Habang patagal din ng
patagal ay mas marami ang naapektuhan at patindi ng patindi na din ang
hirap na dinadanas ng mas maraming Pilipino sa loob ng ating bansa.

Ngunit bat nga ba ganito kalala ang problema ng kahirapan sa


Pilipinas? Bakit ganito kadami ang kailangan magdusa? Bakit ba ito
nangyayari? Pano ba ito masolusyunan? Masosolusyunan pa ba ito? Ano
ang mangyayari kapag nasolusyunan na ito? Iyan ang mga susubukan
kong sagutin sa sulating ito.

Para malaman natin kung gaano na nga ba kalala ang isang


problema, kailangan malaman ang pinagmulan o ang sanhi nito. At ang isa
sa pinakamalaking dahilan ay ang bulok na pamahalaan. Sila na dapat ay
tumutulong sa mga tao sa ating bansa ay siya pang mga ginigipit at
ninanakawan ang taong bayan. Ang mga tao na pinagkatiwalaan natin ay
siya rin palang maglulubog pa sa atin lalo. Sa kanila sana magmumula ang
mga essential na pangangailangan ng bawat isa sa atin ngunit hindi nila ito
naibibigay. Samakatuwid, sila pa ang nagkakaila nito sa atin. Ang
napakalalang korupsyon ang patuloy na naglulubog sa ating mga
mamamayan.

Mas maraming bata ang napipilitang tumigil sa pag-aaral at


nagtatrabaho o namamalimos na lamang para lang may maipangkain,
kahit ang mga nasa wastong guang na ay hindi pa din makapaghanap ng
matino at magandang trabaho dahil sa malalang kalagayan ng ekonomiya
at lipunan. At kahit naman may trabaho ka ay hindi sigurado ang iyong
kabuhayan. Madalas ay hindi natutulungan ang karamihan ng mahihirap at
napapabayaan na lang sila at ang kanilang mga pamilya para tulungan
ang sarili nila.

Matagal na panahon pa nga siguro bago tayo makalaya mula sa mga


kadena ng kahirapan. Hindi ito kayang resolbahin sa loob ng isang gabi.
Hindi natin kakayaning matalo ito nang mag-isa. Maari lang itong lipulin
kung magkakasama tayo at makatatanggap tayo ng tulong at suporta hindi
lang ng gobyerno, ngunit pati na din ng mga kapwa nating Pilipino

You might also like