You are on page 1of 1

Prevent Unnecessary Medical Care — By Asking Your Doctor These 4

Questions First

“Dok, kailangan po ba talaga ‘to?” natigilan si Christer Mjå set, isang


neurosurgeon at vice president ng Norwegian Medical Association, nang tanungin
siya ng isang pasyente dahil sa buong karera niya ay isang beses pa lamang siya
natatanong nito. Nangyari ito matapos niya imungkahi sa pasyente ang spinal
surgery para gamutin ang kaniyang herniated cervical disc. Nabanggit din niya sa
pasyente ang mga panganib sa pagsasailalim sa operasyon kaya nasabi ng pasyente
ang nasabing tanong. At sa sandaling iyon ay napagtanto niya na maari naman pala
itong iwasan.

Pinagisipan niya kung bakit niya naimungkahi ito noong una. Napagtanto
niya na dahil lamang ito sa kanyang pagiging masigasig sa trabaho. Gusto niya ang
kanyang trabaho at ang paborito niyang parte ng kanyang trabaho ay ang pag-
oopera.

Ayon sa mga pag-aaral, 3 sa bawat 10 pagkakataon, ang iyong doktor ay


nagrereseta at nagmumungkahi ng mga bagay na hindi naman talaga kinakailangan.
At ang sinasabi nilang rason kung bat nagagawa nila ito ay ang “patient pressure”.
Para sa maraming tao, pagpapatingin at pagpapagamot sa doktor ay matrabaho-
magpagawa ng appointment, baguhin ang buong iskedyul, mabiyahe. Inaasahan
natin na ang pagod na ibinigay natin ay magbibigay ng konkretong resulta. Gusto
nating bago tayo umalis sa ospital ay mayroon na tayong dyagnosis, plano ng
gamutan, at iba pang aktibong tugon sa ating kundisyon. Naniniwala si Mjå set na
dapat parehong maging listo ng pasyente at doktor sa sobra-sobrang gamutan o
“excessive care”.

Siya ay nagmumungkahi ng apat na tanong na dapat nating itanong sa ating mga


doktor sa susunod na sila ay magbibigay ng rekomendasyon para sa gamot,
operasyon, at iba pa:

1. Kinakailangan ba talaga ito?


2. Ano-ano ang mga panganib?
3. May iba pa bang maaring pagpilian?
4. Ano ang mangyayari kapag wala akong ginawa?

Ang pagtatanong ng apat na ito ay hindi madali para sa iba ngunit ito ay
makakatulong pareho sa atin at sa ating mga doktor. Maaari nitong bawasan ang
pasan at gastos ng hindi kinakailangang paggagamot sa buong sistemang medikal.
Mababawasan din nito ang mga komplikasyon at side effect na maari namang
iwasan. Kailangan ng mga doktor ang tulong natin.

You might also like