You are on page 1of 2

Supporta ng Bayan para sa Pilipinong Atleta

Pagsinabing isport, unang pumapasok sa ating isipan ito ay isang aktibad na kung
nagtatagisan ng lakas, talino, at diskarte. Pagsinabi naming atleta, ang pumapasok naman
sa ating isipan ito ay ang mga manlalaro na nagtataglay ng lakas, ng talino, at kinakailangan
ng pagiging madiskarte sa laban upang maipanalo ang laro at makamit ang inaasam na
tagumpay. Yan, yan ang pangarap ng bawat atleta. Ngunit, pagsinabing Pilipinong atleta,
ibahin natin sila, dahil sila ang atletang walang inaatrasan at walang kinakatakutan. Ang
Pilipinong atleta ay madiskarte, may pinanghuhugutan ng lakas sa bawat laban at higit sa
lahat may paninindigan. Ang Pilipinong atleta ay hindi lumalaban para sa sariling
karangalan, kundi sila ay lumalaban para makapagbigay karangalan sa ating bayan.

Kapwo ko mga kamag-aral, mga guro’t panauhin, at sa mga kapwa ko kalahok, isang
magandang araw sa inyong lahat. Tayong mga Pilipino likas na sa atin ang maging
manlalaro, ika nga sabi nila kultura na nating mga Pilipino ang maglaro ng iba’t ibang isport
sa katunayan iba’t ibang Pilipinong atleta na din ang nakilala sa buong mundo at nagbigay
karangalan sa ating bansa, katulad na lamang ni Efren “Bata” Reyes na kung saan nakilala
siya sa husay niya sa paglalaro ng bilyar, at si Manny Pacquiao na kung saan siya naman
ang nagpakilala sa buong mundo ng galling ng Pilipino sa larangan ng boksing. Iilan lamang
sila sa mga Pilipinong atleta na nakilala dahil sa husay nila.

Tayong kabataan ay hinihikayat na makilahok o maging aktibo sa larangan ng isport. Sabi


nga ni Pangulong Duterte, nararapat lamang na hikayatin ng mga magulang, ang kanilang
mga anak sa sa pakikilahok sa isport, sapagkat ito ay isang instrumento upang malinang
ang disiplina, pagkakaisa at pagpupursigi ng bawat indibidwal. Isa rin sa magandang
maidudulot ng isport ay nailalayo tayong mga kabataan sa masasamang gawain, tulad na
lamang ng paggamit ng illegal na droga at pagkakasangkot sa krimen.

Kulang man tayo sa kagamitan para sa pangmalakasang laban, kulang man tayo sa supporta
ng ating pamahalaan, ang pilipinong atleta wala pa ring inaatrasan.

Sa ating mahal na bansang pilipinas, maraming paraan para maging atleta ng bayan, tulad
na lamang ng Palarong Pampaaral ng bawat eskwelahan na kung saan nahahasa at
naipapamalas ng bawat mag aaral ang kanilang talentong taglay. At dahil din ditto mas
nasusubok din ang kanilang pagkakaisa, pakikipagkapwa at ang pagiging mapagkumbaba.

Tayong mga Pilipino tayo’y dapat magkaisa, magkapit-bisig para supportahan ang bawat
pilipinong atleta. Wala man tayong sapat na kagamitan para hubugin ang kakayahan ng
bawat atleta, punong puno naman tayo ng dedikasyon na ating dala-dala. Wala man tayong
sapat na pinansyal na tulong na natatanggap para punan ang pangangailangan ng bawat
atleta, pero supporta lamang ng bayan sapat na. Kaya’t tayong mga Pilipino magsama-sama
sa pagsupporta sa ating mga atleta, na kahit sa ganitong paraan lamang maipakita natin na
supportado natin sila.

Sa ating pamahalaan, mga eskwelahan at sa iba pang uri ng mga organisasyon, sana’y
pagtibayin pa natin an gating supporta sa ating mga atleta, para mas maipamalas pa nila
ang kanilang kakayaham hindi lamang sa lokal, o nasyonal kundi sa buong mundo.

Sa larangan ng ispory walang matanda o bata, walang mayaman o mahirap, sa isport


labanan ito ng pangarap, dito din natin mararanasan matalo ng paulit-ulit para makamit
ang isang tagumpay.

Sabi nga nila, mas mabuti ng lumaban kahit na dehado, kaysa matalo na walang ipinapakita
na kahit ano. Kaya sa darating na ika-30 ng Nobyembre sabay sabay nating supportahan
ang ating atleta sa South East Asian Games. Sa lahat ng Pilipinong atleta, saludo ako sa inyo,
supportado naming kayo, Pilipino tayo laban natin ito. Sabi nga ng mga atletang Pilipino
LABAN PILIPINAS PUSO. Muli isang magandang araw po sa inyong lahat. Maraming
salamat.

You might also like