You are on page 1of 3

BALANGKAS TEORETIKAL Ang pagsasaliksik na ito ay ginamitan ng dalumat na binuo ni Roland Barthes sa kanyang akdang aklat na may pinamagatang,

Mythologies. Si Roland Barthes ay isang Pranses na Pilosoper, kritiko at manunulat. Kabilang si Barthes sa isang kilusang pilosopikal, ang Structuralism at Poststructuralism na sumikat sa ilang mga institusyong akademiko sa Paris noong ika Dekada 60 at maging sa kasalukuyan. Kinabibilangan ito ng ilang mga tanyag na manunulat at dalubhasa sa gaya nina Claude Levi-Strauss, Jacques Derrida, Jacques Lacan, Michel Foucault at Pierre Bourdieu. Si Barthes ay nakilala dahil sa kanyang mga akdang pumapaksa sa kritisismo at teoryang kultural at pati sa panitikan. Sa kanyang pagtuturo sa mga ilang pamantasan sa Pransya, ay nakapagbigay ito marahil ng impluwensya sa ilang intelektwal na tumahak sa isang disiplina sa pag-aaral ng wika at pilosopiya, ang Semiotics o Semiology.1 Si Roland Barthes ay ipinanganak sa Cherbourg, France noong ika 12 ng Nobiyembre 1915. Isang taon makalipas ay namatay ang kanyang Ama sa Unang Digmaang Pandaigdig. Pinalaki siya nang kanya lamang Ina at Lola at pinag-aral siya ng mga ito sa Paris simula sa primarya hanggang sekondarya. Nang makapagtapos siya sa kolehiyo ay nagturo siya sa mga ilang prestihiyosong paaralan sa Paris, una sa Ecole Pratique des Hautes Etudes, Ecole Normale Superiuer at University of Paris-Sorbonne. Itinalaga siya College de France bilang bagong kasapi nito ng mga dalubhasa noong 1977. Kilala si Barthes sa larangan ng Pilosopiyang Kontinental, Stucturalism, Post Structuralism, Literary Theory and Criticism at Semiotics. Noong ika 25 ng Pebrero 1980, isang piging ang inihanda ni Francois Mitterand, Pangulo ng Pransya sa hinaharap
1

For mythology, since it is the study of a type of speech , is but one fragment of this vast science which Saussure postulated some forty years ago under the name semiology. Semiology is a science of forms, since it studies signification apart from their content. Barthes, Roland. Mythologies, trans. Annette Lavers. St.Albans, Herts: Paladin, 1973.

at kabilang sa mga dumalo dito ay si Barthes bilang pagkilala sa kanyang mga nasulat. Napagalaman na si Mitterand ay nakapagbasa ng ilang akda ni Barthes kabilang ang aklat na Mythologies na siyang naglalarawan ng ilang kaganapan sa pang-araw araw na buhay ng mga Pranses sa modernong panahon. Pagkatapos ng piging, napagpasyahan ni Barthes na maglakad pauwi subalit sa kasamaang palad, ang intelktwal ay di sinasadyang masagasaan ng isang laundry van habang tumatawid. Dinala siya sa ospital at ni isa sa mga nagdala sa kanya ay hindi siya kilala. Ilang araw lamang ng malaman ito ng publiko na si Roland Barthes ay nasagasaan at makalipas ng ilang pang linggo, noong ika 26 ng Marso ay binawian siya ng buhay dahil sa mga natamong bugbog at marahil sa kalungkutang nadama nito sa kamatayan ng kanyang ina.2 Sa pananaliksik na ito ay ginamit ng mga mag-aaral ang dalumat na nabuo ni Barthes sa kanyang aklat na Mythologies. Ang Mythologies ay binubuo ng sari-saring mga artikulo na noong una ay nilathala sa isang pahayagang Pranses na may pamagat na Les Lettres Nouvelle. Buwan buwan ay may inilalathalang artikulo si Barthes ukol sa kritisismo nito sa kulturang umiiral sa Pransya, ang kulturang Bourgeois. Sa kanyang mga sinulat, sinubukang tignan at pagaralan ni Barthes ang mga larawan at mensaheng mga advertisement, entertainment, panitikan, mga bagay-bagay na binibili sa mga pamilihan. Dinisenyo niya ang kanyang sistema ng paghuhubad ng mito, sa kaparaanang binuo ni Ferdinand Saussure, ang Semiology. Ang Semiotics ay ang agham na pag-aaral ukol sa lengwahe o wika. Kaugnay dito ang Theory of Sign kung saan ang Sign ay nabuo dahil sa pagsasama ng tinatawag na Signifier at Signified. Ang Signified o Concept sa pananaw ni Barthes ay ang mental na representasyon ng isang imahe. Ito ay bumubuo sa paglikha ng isang mito kakabit ang Signifier. Ang signified ay

Allen, Graham. Roland Barthes (Routledge Critical Thinkers), London, United Kingdom: Routledge, 2003.p.134135

maaring maging isang paglalarawan ng isang imahe, ginawang halimbawa ni Barthes ang isang mito ukol sa isang batang Negro na nakasuot ng unipormeng pang militar ng Pransya, na nakatingala sa bandila ng Republika. Ang larawang ito ay nakita ni Barthes sa isang magazine na Paris Match. Para sa kanya, nagpapakita ito ng isang sign, kung saan isang mito ang bumabalot sa larawang kanyang nakita. Sa pananaw niya, ang signified dito ay ang pagiging isang tunay na Pranses at ang militaristiko nitong ugali. Ang signifier o Form naman ay ang mismong larawan, sinasabi na ito ay walang laman at ibig sabihin.

You might also like