You are on page 1of 2

James Navarro Grade 8-Cherry

(Filipino)
Ang tula ay isang anyo ng panitikan na binubuo ng mga
taludtod at naglalayong ipahayag ang damdamin sa malayang pagsulat ng isang
indibidwal. Ito ay binubuo ng mga sumusunod na elemento:

1) Tugma – Ito ay

nahahati sa 2: (A) Tugmang Patinig – mga salitang nagtatapos sa patinig at (B)

Tugmang Katinig – mga salitang nagtatapos

sa katinig.

2) Sukat – tumutukoy sa bilang ng pantig ng dalawa o higit pang

taludtod sa isang saknong ng tula. Ito ay maaring mabilang sa (A) Wawaluhin – 8

bilang ng panlabtig sa bawat taludtod, (B) Laindalawahin – 12 bilang ng pantig

sa bawat taludtod.

3) Saknong – Lupon ng mga salita na naglalaman ng 2 o higit

pang taludtod.

4) Talinghaga – tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang

salita na nagpapaganda ng anyo ng tula.

Samantala, mayroon ring 3 Anyo ang isang Tula, ito ay ang mga

sumusunod:

(1) Tradisyunal – ito ay tulang may sukat at tugma. Ang mga salitang

kadalasang ginagamit sa pagbuo nito ay mga salitang may malalalim na kahulugan.

(2) Berso Blangko – ito ay tulang may sakto ngunit walang tugma.

(3) Malayang Taludturan – ito ay anyo ng tula na walang sukat at wala rin tugma. Ito ang

siyang tinuturing na modernong anyo ng panunula.


James Navarro Grade 8-Cherry

Si Francisco Balagtas,
inspirasyon sa paglikha ng balagtasan.

Ang balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa. Hinango mula
sa pangalan ni Francisco Balagtas, inilalahad ang sining na ito ang isang uri ng panitikan na kung saan
ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma
sa huli.

Unang nagsimula ang balagtasan sa Pilipinas noong Abril 6, 1924 na nilikha ng mga pangkat na
manunulat para alalahanin ang kapanganakan ni Francisco Balagtas.[1] Ginawa nila ang unang
balagtasan na may tatlong hanay ng mga makata na ipinapahayag ng isang naka-iskrip na
pagtatanggol. Binatay nila ang anyo sa mas naunang mga uri ng pagtatalo na gumagamit din ng
elemento ng tula katulad ng karagatan, huwego de prenda at duplo.

Kadalasan itong binubuo ng tatlong magtatanghal na may dalawang magtatalo na magkasalungat ang
pananaw at isang tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa (lalaki) o lakambini (babae). Mayroon din
mga hurado na siyang maghuhusga kung sino ang mananalo. Inaasahan ang panitikang ito na
patalinuhan ng pagpapahayag ng mga patulang argumento ngunit maaari din itong magbigay libangan
sa pamamagitan ng katatawanan, anghang ng pang-aasar, pambihirang talas ng isip, at mala-
teatrikong at dramatikong pagpapahayag.[2]ng humarap ay umalis

You might also like