Bilang isang Pilipino pinagmamalaki ko ang aking wikang Filipino. Marami
akong napagtanto at natutunan sa pagtatalakay naming nito. Marami pala ang mga dinanas ng ating wika o sabihin nalang nating malawak ang kasaysayan nito. Ang wika pala ay umuunlad, nagbabago o may ebolusyong nagaganap.
Una nagsimula pala ito sa ating mga sinaunang katutubo na napadpad
sa pilipinas at sila ay ang mga malay at negrito. Noong panahong iyon tawag sakanila ay Malayo Polenesian. Pasalamat talaga tayo sa kanila at nagkaroon tayo ng sariling wika at ang unang sistema na ginamit nila sa pagsusulat ay alifbata na may labing pitong letra na binubuo ng labing apat na katinig na may tatlong patinig na sa haba ng panahon naging alibata ito.
Mayroon rin palang ginamit ang mga taga-Mindanao na tinawag nilang
Sanskrito. Naging Abakada, na masusing pinag-aralan ng ating Ama ng Balarilang tagalog na si Lope K. Santos at tumagal ginamit ng mga taga gitnang Luzon at tinawag na tagalog. At sinabi na binatayan ang wikang Filipino sa wikang tagalog. Pinagkasunduan ito ng maraming tao at nagkaisa namaging wikang Filipino at wika ng mga taga-Pilipinas. Sa kalaunan ang ating mahal na Presidente Manuel Luis Quezon na ipinatatag at ginawang batas na ang wikang Filipino ay ganap ng ating wikang Pambansa.
Sa kabuuan ang aking kongklusyon sa sanaysay na ito ay ang wika ay
isang arbitraryo na nagbabago-bago, umuunlad, nadaragdagan dahil sa tulong ng mga tao na nagkakasundo at nagkakaunawaan sa paggamit nito. Kaya kung tayo man ay lumabas sa ating bansa mpapansin natin na malalaman ng mga Pilipino o mga dayuhan ang tatak ng mga Pinoy sa pagsasalita ng wikang Filipino.