You are on page 1of 6

Critical Analysis

Paper

“Globalisasyon”
(Climate Change)

Submitted by: Submitted to: Ms. Jamito


Group 3
Jamby Pascua
Alyssa Torres
Loi Manangan
Katherine Garcia
Noella Matutina
Ronalie Gramor
Antonio Rodolfo
Ralph Lunas
Kristian Barruga
Mark Padilla
Panimula (Introduction)
Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas
ng mg greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito ng mga sakuna
kagaya ng heatwave, baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkakasakit o
pagkamatay. Kapag tumaas ang temperatura ng mundo, dadami ang mga sakit
kagaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa.

Sanhi ng CLIMATE CHANGE

Ayon sa pag-aaral, ang dalawang sanhi ng climate change ay ang:

1. Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal


na panahon. Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng
mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o
init sa hangin na bumabalot sa mundo.

2. Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at


iba pang greenhouse gases) GHGs). ANg GHGs ang nagkukulong ng init sa
mundo. Ang pagbuga ng carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng
gasolina, ang pagputol ng mga puno na siya sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa
hangin, at pagkabulok ng mga bagay na organic na nagbubunga ng methane (isa
pang uri ng GHGs) ay ilan sa mga dahilan ng climate change.

Epekto ng CLIMATE CHANGE

May malaking epekto ito sa mga buhay na nakatira sa isang lugar. Kapag bigla
maging mainit ang isang lugar sa panahon ng taglamig, maaaring mamatay ang
mga puno at hayop na nakatira sa lugar na iyon. Mawawalan sila ng pagkain at
tirahan na kailangan nila upang maging buhay. Pwede din ang mga tao dahil sa
biglang pag iiba ng panahon. Mawawalan din ng pagkain ang mga tao dahil
namamatay ang mga puno at hayop.

Epektong Pangkalusugan ng CLIMATE CHANGE

Mga epekto sa tao ng matinding init, tagtuyot at bagyo.

 Pagtaas ng bilang ng kaso ng mga sakit na:


- Dala ng tubig o pagkain tulad ng choler at iba pang sakit na may pagtatae.
- Dala ng insekto tulad ng lamok )malaria at dengue) at ng daga
(Leptospirosis).
Dulot ng polusyon (allergy)
 Malnutrisyon at epektong panglipunan dulot ng pagkasira ng mga
komunidad at pangkabuhayan nito.

Suliraning Pang ekonomiya

Ang dahilan ng climate change ay mahahati sa dalawang bagay:


1. Likas na mga sanhi - ito ang mga natural na aspeto na nagaganap sa mundo.
Halimbawa, mas mainit na ang nararanasan natin na temperatura kapag
malapit ang araw sa earth. Sa kabilang dako, ang mga pagputok ng bulkan sa
ilalamin ng dagat ay nagiging sanhi din ng climate change.

2. Kagagawan ng Tao - Ang climate change ay maaari ding maging sanhi ng


mga gawain ng tao, tulad ng pagsi-"siga" nag mga basura na nakakasira sa
ozone layer ng earth, mga conversion ng lupa para sa pagpapatayo ng gusali
at lalo na ang mga usok na nanggagaling sa mga sasakyan. Simula ng tayo ay
dumating sa Industrial Age, ang impluwensya ng tao sa pagbabago ng klima
ay mas lalong nadagdagan.

Paglalahad at pagsusuri ng datos (Analysis)

Ang katamtamang pandaigdigang temperatura sa rabaw nito mula 1856 hanggang


2005
Ipinakikita ng talâ ang anomalya sa temperatura noong taon 1995 hanggang 2004
kung ihahambing sa temperatura noong 1940 hanggang 1980

Ang carbon dioxide sa loob ng 400,000 taon at ang mabilis na pagtaas nito mula
noong Rebolusyong Industriyal; sinasabing ang pag-ikot ng mundo sa araw na
tinatawag na Milankovitch cycles ay pinaniniwalaang pintig ng Edad Yelo bawat
100,000 taon.
Mga tala ng carbon dioxide at pandaigdigang temperatura sa mundo sa loob ng
750,000 taon.

Singaw ng mga greenhouse gases na gawa ng tao ayon sa sektor noong taong 2000.
Konklusyon (Conclusion)
Ang isa sa pinakamalaking suliraning pangkapaligiran ngayon ay ang climate
change, Global warming napakalaking epekto nito sa ating kapaligiran, dahil sa
climate change ay nakakaranas tayo ng sobrang pag ulan at tagtuyot na
nakakaapekto ng malaki lalo na sa ating mga magsasaka dahil sa tagtuyot maraming
pananim ang nalalanta at tuluyan ng namamatay, dahilan para mawalan ng aanihin
ang ating mga kababayang magsasaka, at nakakaranas sila ng paghihirap gayon din
naapektuhan ang ating ekonomiya dahil sa kakapusan ng mga produktong
nakukuha sa kabukiran. At kung tag-init naman ay maaari ring malunod at mamatay
ang mga pananim sa kabukiran, nandiyan din ang mga landslide na kung minsan ay
marami ang nawawalan ng mga tirahan, nariyan din ang pag baha nagdudulot ng
iba't-ibang kapinsalaan . Kung tag ulan din ay laganap ang mga iba't-ibang uri ng
sakit na kung minsan ay ikinamamatay din ng ating mga kababayan. Ngunit sa mga
nararanasan nating ito ay wala namang ibang dapat sisihin kung hindi tayong mga
tao din. dahil inaabuso natin ang ating inang kalikasan. walang habas na pag putol
ng mga punong kahoy, ang pagtatapon ng basura kung saan saan, ang mga illegal
na pagmimina,ilan lamang iyan sa mga dahilan kung bakit tayo nakakaranas ng mga
suliranin sa ating kapaligiran, Ngunit hindi pa naman huli ang lahat, maari nating
matugunan ang mga suliraning ito kung tayo ay magtutulungan , at magkakaroon
ang bawat isa sa atin ng disiplina sa sarili sa lahat ng bagay. Kaya pa nating isalba
ang inang kalikasan para sa mga susunod pang henerasyon.

Solusyon (Solution)
Sa paglutas ng climate change ay dapat nagsisimula sa ating sarili. Dapat
mayroon tayong tamang disiplina para masolusyunan agad ito. Pagtatanim ng mga
puno, hindi pagsunog ng mga plastik at ang pagtapon ng basura sa tamang lalagyan
ay mga maliliit na gawain ngunit mayroong malaking ambag sa paglutas ng climate
change.

https://www.doh.gov.ph/climate-change

https://www.wattpad.com/332324902-epekto-ng-climate-change

https://tl.wikipedia.org/wiki/Pag-init_ng_daigdig

You might also like