You are on page 1of 43

ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop

sa pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa,


pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol.

Kabilang din dito ang iba’t ibang


organisasyon na dapat magtulungan
at magkaisa upang maiwasan, maging
handa, makatugon, at makabangon
ang isang komunidad mula sa epekto
ng sakuna, kalamidad at hazard.
1. Hazard
-ito ay tumutukoy sa mga banta na
maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.
Kung hindi maiiwasan, maaari itong
magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at
kalikasan
1.1 Anthropogenic
Hazard o
Human-Induced Hazard
– ito ay tumutukoy sa mga hazard
na bunga ng mga gawain ng tao.
Ang maitim na usok
na ibinubuga ng mga pabrika
at mga sasakyan

1.2. Natural Hazard – ito naman ay


tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan.
2. Disaster/Kalamidad
– ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na
nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao,
kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya.
Maaaring ang disaster ay natural gaya ng
bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan o gawa
ng tao tulad ng digmaan at polusyon
Ilang halimbawa sa mga ito ay…

 Lindol
ay isang biglaan at mabilis na pagyanig
o pag-uga ng lupa na dulot ng pagbibiyak at
pagbabago ng mga batong nasa ilalim ng lupa
kapag pinakakawalan nito ang puwersang
naipon sa mahabang panahon.
• Ito ay paggalaw ng
lupa dulot ng
pagkikiskisan ng
TECTONIC PLATE.
• Karaniwang nagiging
EPICENTER ng lindol
ang mga FAULT LINES,
kung saan
nagsasalubong ang
dalawang
magkasalunggat na
tectonic plates.
 Bagyo
ay ang namumuong sama ng panahon,
may isang pabilog o spiral na sistema ng
marahas at malakas na hangin at may dalang
mabigat na ulan, karaniwang daan-daang
kilometro o milya sa diyametro ang laki.
Kadalasang nabubuo ang BAGYO sa gitna ng
karagatan kung saan nagtatagpo ang mainit at
malamig na hangin. Ang mainit na hangin ay
pumapailanlang dahil sa init ng dagat at habang ito ay
umaakyat, nagkakaroon ng Low Pressure Area (LPA) sa
paligid. Dahil sa low pressure na nabuo sa paligid,
naaakit nito ang iba pang malamig sa hangin sa ibang
lugar hanggang sa ang malamig na hangin ay iinit din
at bubuo ng mga ulap.
• Ang TYPHOON o BAGYO ay isang ganap na
TROPICAL CYCLONE na nabubuo sa
Karagatang Pasipiko

• 20 hanggang 26 ng bagyo ang pumasok na


PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY taon –
taon.

• PHILIPPINE ATMOSPHERIC, GEOPHYSICAL and


ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION
(PAGASA) – naatasang magbantay at mag-
aral tungkol sa mga bagyo.
Storm Surge
o dalúyong-bagyo ay ang hindi
pangkaraniwang pagtaas ng
tubig sa dalampasigan habang
papalapit ang bagyo sa
baybayin. Nakaaapekto sa tindi
ng dalúyong-bagyo ang lalim at
oryentasyon ng katubigan na
dinaraanan ng bagyo at ang
tiyempo ng kati (mababa ang
tubig sa dagat).
 Tsunami
Isang uri ng sakuna
na nangyayari sa
katubigan.

Ang madalas na
sanhi nito ay mga
lindol, lalo na ang
lindol na nangyayari
sa ilalim ng tubig
 Pagsabog ng Bulkan
Ito ay likas na
pangyayari na
maaring maging
sakuna kung ito
magkakaroon ng
malawak at
negatibong epekto
sa mga tao.
• Nakakaranas ng mas malakas na lindol sa
mga epicenter kaya itinuturing geohazard
ang mga lugar na malapit sa fault lines.
• Ang pagsabog ng bulkan ay isa ring sanhi ng
paglindol.
• PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND
SEISMOLOGY o PHILVOLCS – ang
nagmomonitor sa mga lindol at pagsabog ng
bulkan sa bansa.
• Mayroong sampung (10) sukat ang lakas ng
lindol kung saan INTENSITY 1 ang
pinakamahina at INTENSITY 10 ang
pinakamalakas
3 pangunahing salik upang
sumabog ang bulkan
• BOUYANCY NG MAGMA o pagiging
magaan nito ayon sa kanyang volume kaya
ito umaakyat palabas sa bulkan.

• ANG TINDI NG PRESYON MULA SA MGA


VOLCANIC GASES.

• PAGKAKAIPON NG LAHAT NG ITO SA LOOB


NG MAGMA CHAMBER.
• Ang pinakamalubhang
pagsabog ng bulkan sa
kasaysayan ay ang
pagsabog ng Bulkang
Pinatubo sa Zambales
noong 1991 at naging
malawak ang
pinsalang idinulot nito.

• Umabot sa Brunei,
Cambodia, Malaysia,
Singapore at Vietnam
ang abong ibnuga nito.
• Ilang araw matapos ang
pagsabog ng Pinatubo ay
tumama naman ang isang
malakas na bagyo.
Maraming bayan sa
Pampanga ang natabunan
ng abo dahil sa pag agos
ng lahar.

• LAHAR ay pinaghalong
abo mulasa pagsabog ng
bulkan, bato at putik na
rumaragasa dala ng ulan o
bagyo.
 Pagbaha
ay ang umaapaw at
tumataas na lebel ng
tubig na dulot ng
malakas at walang tigil
na pag-ulan sa
komunidad.
 Sunog
• Isa sa pinakamadalas
na sakunang
nagaganap sa Pilipinas
dulot ng iba’t-ibang
salik.

• Ito ay nagiging sakuna


lamang kung ito ay
makakaapekto sa
maraming tao o
malawak na
kapaligiran.
5 madalas pagmulan ng
sunog
• Pangunahing
sanhi ng sunog
ay
OVERLOADING sa
saksakan ng
outlet, at short
circuit.
ELECTRICAL
• Nakaligtaang
sinaing o
lutuin.

• Pagtagas ng
gas mula sa
LPG
• Hindi dapat itatabi
ang kandila sa mga
bagay na madaling
magliyab at dapat
laging may bantay.

• Itinatapon ang
sigarilyong may sindi
3. Vulnerability
– tumutukoy ang vulnerability sa tao, lugar, at
imprastruktura na may mataas na posibilidad na
maapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging vulnerable
ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng kalagayang
heograpikal at antas ng kabuhayan. Halimbawa, mas
vulnerable ang mga bahay na gawa sa hindi matibay na
materyales.
4. Risk –ito ay tumutukoy sa inaasahang
pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng
pagtama ng isang kalamidad. Ang vulnerable na
bahagi ng pamayanan ang kadalasang may
mataas na risk dahil wala silang kapasidad na
harapin ang panganib na dulot ng hazard o
kalamidad.
5. Resilience–ang pagiging resilient
ng isang komunidad ay tumutukoy sa kakayahan ng
pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng
kalamidad. Ang pagiging resilient ay maaaring
istruktural, at pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa
hazard ay maaaring makatulong upang sila ay maging
ligtas sa panahon ng kalamidad.
5.1 MITIGATION
• ay ang mga kilos
o hakbang na
naglalayong
bawasan ang
mga elementong
nakapagpapalala
sa negatibong
epekto ng sakuna.
5.2 ADAPTATION
• ay mga kilos o
hakbang na
ginagawa upang
makaangkop ang
mga tao sa mga
negatibong epekto
ng sakuna.
Walang kakayahan ang tao na pigilan ang mga
sakuna, subalit maaring paghandaan ang mga
epekto.
Ang tawag sa paghahanda ng mga
pamahalaan para sa sakuna ay
“ DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT “
O
DRRM
Ang DRRM ay isinasagawa sa lokal,
pambansa, rehiyunal at pandaigdigang
saklaw.
(1) Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at
hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang
haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t
ibang kalamidad; at

(2) Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng


pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at
panganib na dulot ng iba’t ibang kalamidad at
hazard.
- Naatasang ang ahensyang ito na
mamahala sa mga hakbangin upang
tumugon sa mga sakuna lalong-lalo na sa
pagtatapos nito.
Gampanin
a. Magkaroon pagiging handa ng bansa at mga
komunidad sa panahon ng mga kalamidad at hazard. Sa
pamamagitan nito, ang pinsala sa buhay at ari-arian ay
maaaring mapababa o maiwasan
lahat ay may
b. Isinusulong ang kaisipan na ang
tungkulin paglutas sa mga suliranin at hamong
pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng ating
pamahalaan, pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang
sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, private sector,
business sector, NGOs, at higit sa lahat ng mga
mamamayang naninirahan sa isang partikular na
komunidad sa paggawa ng
Disaster Management Plan.

c. Isinusulong ang Community-Based Disaster


Management Approach sa pagbuo ng mga
plano at polisiya sa pagharap sa mga suliranin
at hamong pangkapaligiran.
 ay isang pamamaraan kung saan ang mga
pamayanang may banta ng hazard at kalamidad
ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri,
pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga
risk na maaari nilang maranasan.

Isinasagawa ito upang maging handa ang


komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala
sa buhay at ari-arian

-Abarquez at Zubair (2004)


 ay isang proseso ng paghahanda laban sa
hazard at kalamidad na nakasentro sa
kapakanan ng tao. Binibigyan nito ng
kapangyarihan ang tao na alamin at suriin ang
mga dahilan at epekto ng hazard at kalamidad
sa kanilang pamayanan.
-Shah at Kenji (2004)

 Magiging matagumpay ang CBDRM Approach


kung magtutulungan ang pamahalaan, iba’t ibang
sektor ng lipunan tulad ng mga mamamayan, NGO,
at business sectors
“napakahalaga
ng partisipasyon ng mga
mamamayan sa komunidad”
Ang pinakasentro ng CBDRM Approach
ay ang aktibong partipasyon ng mga mamamayan
upang magamit ang kanilang kaalaman sa
pagbuo ng DRRM plan.
 Makatutulong ang CBDRM Approach sa
paglutas ng mga suliranin at hamong
pangkapaligiran dahil hinihikayat nito ang
partisipasyon ng iba’t ibang sektor ng lipunan
tulad ng pamahalaan, mamamayan, business
sectors, at NGO.
Magkaugnay ang National Disaster
Risk Reduction and Management Framework
at ang Community-Based Disaster Risk
Management Approach dahil kabilang sa
framework nito ang paghihikayat sa aktibong
partisipasyon ng mga mamayan at paggamit
ng lokal na kaalaman sa pagbuo ng DRRM
Plan.

 Pinakamahalagang layunin ng ay ang


pagbuo ng disaster-resilient na mga
pamayanan.
-kung saan ay nagsisimula sa mga
mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang
mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at
paglutas sa mga suliranin at hamong
pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang
pamayanan.
-ang konsepto nito ay ginagamit sa CBDRM.
-binibigyang pansin dito ang maliliit na detalye na
may kaugnayan sa mga hazard, kalamidad, at
pangagangilangan ng pamayanan.
a. Ang mga mamamayan ay may kakayahang
simulan at panatilihin ang kaunlaran ng kanilang
komunidad
b. Bagama’t mahalaga ang tungkulin ng lokal na
pamahalaan, pribadong sektor at mga NGOs,
nanatiling pangunahing kailangan para sa
grassroots development ang pamumuno ng lokal
na pamayanan.
c. Ang malawak na partisipasyon ng mga
mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at
mga gawain sa pagbuo ng desisyon para
matagumpay na bottom-up strategy.
d. Ang responsableng paggamit ng mga tulong-
pinansyal ay kailangan
e. Mahalagang salik sa pagpapatuloy ng
matagumpay na bottom-up approach ay ang
pagkilala sa mga pamayanan na may maayos
na pagpapatupad nito
f. Ang responsiblidad sa pagbabago ay nasa
kamay ng mga mamamayang naninirahan sa
pamayanan.
g. Ang iba’t ibang grupo sa isang pamayanan ay
maaaring may magkakaibang pananaw sa mga
banta at vulnerabilities na nararanasan sa
kanilang lugar.
-ay tumutukoy sa situwasiyon kung saan
lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat
gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng
kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na
tanggapan o ahensya ng pamahalaan.
-maisaalang-alang ang pananaw ng mga
namumuno sa pamahalaan sa pagbuo ng plano
dahil sa kanilang kaalaman sa mga sistemang
ipatutupad ng disaster risk management.
National Disaster Risk Reduction
Management Council (NDDRMC)
-Layunin ng programang ito na
maturuan ang mga lokal na pinuno sa
pagbuo ng Community Based Disaster Risk
Management Plan. Mahalaga ang
proyektong ito sapagkat binibigyan nito ng
sapat nakaalaman at hinahasa ang
kakayahan ng mga lokal na pinuno kung
paano maisasama ang CBDRM Plan sa mga
plano at programa ng lokal na pamahalaan.

You might also like