You are on page 1of 34

Pamantayan sa Pagkatuto

 Naipaliliwanag ang konsepto


ng globalisasyon.
 Naipaliliwanag ang
pangkasaysayang
pinagmulan ng globalisasyon.
 Naiisa-isa ang tatlong anyo
ng globalisasyon
Batay sa mga larawan,
mas tinatangkilik ba
ng mga Pilipino ang
sariling kultura
kumapara sa kultura
ng ibang bansa?
Ano ang sanhi
ng ganitong
pagkiling ng
mga Pilipino?
Malaya at malawakang pakikipag-ugnayan ng mga
bansa sa daigdig sa mga gawaing pampolitika, pang-
ekonomiya, panlipunan, panteknolohiya at pangkultural.
Kasaysayan ng Globalisasyon
Kolonyalismo
 Ang mga pananakop at pagtatatag ng
mga bansang Europeo ng mga kolonya
sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ay isa
sa nagpalakas ng globalisasyon.
 Ang mga kanluraning bansa ay naging
masigasig sa pangangalakal bago nila
sinakop ang mga bansa sa Asya at sa
Africa.
 Nangalap at kumuha sila ng mga likas
na yaman rito.
Pagbubukas ng Suez Canal
 Nagbukas noong 1869
 Nagsilbing short cut
ng mga barko mula sa
Europa at Asya
 Transportation
Revolution (Steam
Engines, Steam Ships)
Rebolusyong Industriyal
 Nang maganap ang rebolusyong
industriyal, nagkaroon ng sari-sari
at makabagong imbensiyon, mga
industriya at makabaging
makinarya.
 Ang mga materyales na ginamit
sa pabrika ay nagmula sa iba’t-
ibang dako ng mundo
Rebolusyong Industriyal
 Ipinagbili rin ang mga
produktong nabuo sa
iba’t-ibang panig ng
mundo
 Dahil dito ay tumaas ang
produksyon na nagdulot
ng malawakang
paggalaw ng produkto sa
ibat-ibang lugar.
Anyo ng Globalisasyon
Globalisasyong Ekonomiko
Katangian ng Globalisasyong
Ekonomiko
Liberalisasyon
Pag-aalis o
pagtatanggal sa mga
limitasyon o hadlang sa
malayang palitan ng
mga produkto sa
pagitan ng mga bansa.
Pribatisasyon
Paglilipat ng
pagmamay-ari ng isang
ari-arian o negosyo
mula sa pamahalaan
patungo sa isang
pribadong entidad.
Deregulasyon
Pag-alis ng
kapangyarihan ng
estado sa isang
partikular na industriya
upang makalikha ng
mas maraming
kompetisyon.
Paano
naiimpluwensiyahan
ng mga ekonomiya
ng mga bansa ang
isa’t-isa?
Globalisasyong Ekonomiko
 Sa ilalim ng globalisasyong ekonomiko, ang mga
produkto ng mauunlad na bansa ay malayang
nakakapasok sa pamilihan ng bansang
nangangailangan nito
 Ang hilaw na sangkap ng papaunlad na bansa ay
ipinagbibili sa mga bansang nangangailangan nito
 Malayang palitan sa pagitan ng mga bansa batay
sa pangangailangan
Suliranin…
Hindi pantay na mga
patakaran ukol sa
kalakalan kung saan
higit na nakikinabang
ang mauunlad na
bansa.
Trade Deficit
Mas maraming
produkto ang
inaangkat kaysa
iniluluwas ng isang
bansa.
Globalisasyong Kultural
Globalisasyong Kultural
 Sa panahon ng kalakalan ay hindi lamang
mga produkto ang ipinagpapalit kundi
nagkakaroon rin ng pagpapalitan ng kultura.
 Lalo na sa mga pagkakataong nananatili
ang nang matagal sa isang bansa ang mga
tao habang hindi pa natatapos ang
transaksiyong pang-ekonomiko.
Globalisasyong Kultural
 Mabilis na lumalaganap ang globalisasyong
kultural dahil sa pagsisimula ng mabilis na
paghahatid ng mga mahahalagang
impormasyon sa iba’t-ibang panig ng
daigdig.
 Sa pamamagitan nito, naipapalaganap ang
kultura ng bawat bansa.
Globalisasyong Politikal
Globalisasyong Politikal
Ang iba’t-ibang internasyonal at global na
organisasyon ay naitatag sa layuning
magtulungan at magdamayan para sa
ikabubuti ng bawat kaanib na bansa. Sa ilalim
ng mga samahang ito, nananatili ang
soberanya ng mga kaanib na bansa subalit
ang bawat isa ay may tungkuling dapat na
sundin sa ikabubuti ng lahat sa buong daigdig.

You might also like