You are on page 1of 3

DELA CRUZ, ALELI A.

ASSESSMENT # 1

2021-09518-MN-0 INTRODUCTION TO THE CONTEMPORARY WORLD

BEED 1-1D

Effect Effect Effect

Diseases/Health Global Warming Contaminated land, soil,


Problems and water bodies

ROOT PROBLEM:

Pollution

Secondary Cause Secondary Cause Secondary Cause

Burning of fossil fuels Deforestation Overpopulation

Root Cause Root Cause

Human activities Improper waste disposal


EXPLANATION:

Sa pagdaan ng panahon, unti-unting nasisira ang ating kapaligiran. Tayo ang dahilan kung bakit
nangyayari iyon. Tayo rin ang makakaranas ng mga epekto nito. Sa aming komunidad,
polusyon ang isa sa mga problemang aming kinakaharap. Gaya ng polusyon sa lupa, hangin at
tubig. Ilan sa mga sanhi nito ay ang hindi tamang pagtatapon ng basura, mga aktibidad ng mga
tao, burning of fossil fuels, deforestation at pagdami ng populasyon.
Ang simpleng pagtapon ng balat ng kendi sa kalsada ay maaring magresulta ng pagbaha sa
isang lugar. Dito naaangkop ang kasabihang “kung ano ang itinapon mo, babalik din sa'yo at
baka marami pa.'' Ang hindi tamang pagtatapon ng basura ay matagal ng problema ng bawat
komunidad. Kung saan-saan na lamang inilalagay o itinatapon ang mga ito. Hindi lingid sa ating
kaalaman na may kapalit itong mga sakit at sakuna sa atin. Sa tuwing babahain ang isang
lugar, ang unang dahilan ay ang mga basurang nasa mga kanal na siyang nagbabara at kapag
tumaas na ang tubig ay kasama na ang mga itong lumalangoy sa harap ng mga kabahayan.
Ang mga bata’y masayang lumulusong ‘di alintana ang leptospirosis na makukuha dito.
Ang pagdami ng populasyon ay isa rin sa mga sanhi kung bakit nagkakaroon ng polusyon.
Maraming tao, ibig sabihin ay maraming basura. Ang iba’y nakatira sa mga tabing-ilog. Doon na
naninirahan at doon din kumukha ng mga pangangailangan. Dahil na rin nga sila ay nakatira
doon, ang kanilang mga basura’t dumi ay sa ilog din na iyon napupunta. Ang resulta ay
pagkontaminado ng mga yamang tubig at pagkakaroon ng mga sakit ng tao, gaya ng diarrhea.
Higit din na nakakaapekto ang pagtatapon ng mga kemikal dito. Gayon na rin ang paggamit ng
granada sa paghuli ng mga isda. Nasisira ang mga tirahan ng mga lamang-dagat at nalalason
ang mga isda. Bukod sa delikado ang paraan nang paghuhuli na iyon ay namamatay pati ang
mga maliliit na isda na siyang sumisira sa tinatawag na food chain.

Sunod ay ang pagsusunog ng mga fossil fuels, ito ay naglalabas ng carbon dioxide na
napupunta sa ating atmospera na nagdudulot ng pagkakaroon ng global warming at pagbabago
ng klima o climate change. Ang global warming at climate change ay mayroon ding mga epekto.
Katulad ng tagtuyot, patuloy na pagtaas ng temperatura, paghaba ng panahon ng tag-init,
pagdagsa ng maraming bagyo, at pagtaas sa antas ng tubig. Isa rin ang pagtotroso at
pagsusunog ng mga puno o deforestation sa mga sanhi nito. Nawawalan ng tirahan ang mga
hayop at maging pagkukunan ng kanilang pagkain, Ang resulta nito ay mahihirapan silang
mamuhay ng maayos. Ang mga usok rin na inilalabas nito ay nakakasama sa ating kalusugan.
Mga sakit o komplikasyon sa baga, sakit sa puso, stroke at marami pang iba. Sa pagpuputol ng
puno ay nababawasan ang sariwang hanging ating malalanghap, ang pagbaha at pagguho ng
lupa ay hindi na rin maiiwasan.

Isang magandang halimbawa ang Pasig River na sa tuwing mapapadpad ka rito ay


mapapatakip ka na lamang ng ilong dahil sa masangsang na amoy mayroon ang ilog. Ang mga
basura’t dumi na naroon ay mula sa mga taong naninirahan din doon. Dito makikita ang
nakasanayang pagtatapon nila sa ilog at maging ang mga pabrika. Halos itim na ang tubig nito
at puro mga lumalangoy na basura at plastik na ang iyong makikita. Maraming sakit ang
makukuha sa ganoong uri ng kapaligiran. May mga tao pa ring naninirahan doon at kumukuha
ng pagkakakitaan sa ilog, hindi lingid ang kapahamakan sa kanilang kalusugan.
Dito rin sumikat ang kantang, “Anak ng Pasig” ni Geneva Cruz. Sa mga bawat linya ng kanta ay
tagos ang mensahe sa bawat isa. Ang kinabukasan ng lahat ay masisira, kung ang Pasig ay
pababayaan o tatalikuran. Ang responsibilidad natin bilang isang mamamayan at tao sa
mundong ito ay dapat gawin at pairalin dahil hindi naman natin gugustuhin na ang mga susunod
na henerasyon ay wala ng tanawing masisilayan.
Sa kasalukuyan, malaking pagbabago ang nangyari at sa tulong ng San Miguel Corporations ay
paunti-unting umuusad ang rehabilitasyon sa nasabing ilog. Isang mensahe ang kinapalooban
nito sa akin, na ang pagbabago ay matatamasa kung may pagtutulungan at intensyong mabuti
para sa nakararami. Mahirap man sa umpisa, ang paghahangad naman ng malinis at
magandang kapaligiran ay dapat manguna dahil tayo rin naman ang sanhi kaya’t tayo rin ang
dapat maging solusyon dito.
Ang polusyon ay lubhang nakakasama sa tao at sa kapaligiran. Lubos itong naapektuhan sa
mga bagay na ating isinasagawa. Patuloy itong mararanasan kung ang bawat isa’y hindi
matututo sa mga pagkakamaling kanilang ginagawa. Iisa lamang ang ating pinagkukunan ng
pangangailangan kaya’t dapat nating alagaan at gamitin ito ng wasto. Sa maliliit at simpleng
bagay gaya nang paggamit ng ecobag sa halip na plastik, pagsisilid ng kalat sa ating mga bulsa
at kapag may nakitang basurahan ay tsaka lamang ito itatapon, ang pagbubukod-bukod ng mga
basura, pagreresiklo, pagtatanim ng puno at iba pa ay maaari nating gawin bilang simula.

You might also like