You are on page 1of 1

Kurt Matthew A.

Villarama 10 - Newton Oktubre 4, 2022

2 Mga Isyung Pangkapaligiran

Aking natutunan ang mga konsepto ng mga Isyung panglipunan, ang Deforestation, Solid Waste, at Climate Change.
Natutunan ko na ang Deforestation ay tumutungkol sa pangmatagalan o permanenteng pagkasira ng mga kagubatan, sa
pagkasira ng kagubatan, naaapektuhan nito ang mga tao, hayop, kalikasan, at ekonomiya ng isang Bansa. Ang Solid Waste
ay ang kahit anong bagay na itinapong basura na nanggagaling sa mga kabahayan at komersyal na establisimyento, ito ay
nauuri sa dalawa, ang Biodegradable at Non-Biodegradable Waste. Ang Climate Change ay tumutukoy sa pagbabago ng
Klima sa buong mundo ito din ay ang abnormal na pagbabago ng Klima na kung saan ay maraming sector ng Gobyerno ang
naaapektuhan nito.

Masasabi ko na isang Isyung panlipunan ang Climate Change dahil malaki ang epekto nito sa ating bansa at sa iba’t ibang sector. Tulad
na lamang ng pagkasira ng mga pananim dahil sa sobrang tagtuyot o sa sobrang lakas ng ulan. Dulot ng pagkatunaw ng mga yelo sa North
Pole at South Pole na kung saan ito ay nag dudulot ng pagtaas ng Sea Level na nagiging dahilan ng malalakas na bagyo. Kung magkakaroon
ng mga bagyo maaari din na magkaroon ng mga baha na nagiging dahilan ng pagkakaroon ng mga sakit kung hindi mag-iingat ang mga
tao, maaari silang magkaroon ng Trangkaso, Leptospirosis, Dengue, Diarrhea at marami pang iba, samantalang kung magkakaroon naman
ng matinding init, maaaring magdulot ito ng Heat stroke sa isang tao. Nagiging epekto din ng Climate Change ang Coral bleaching dahil
sa pagtaas ng temperatura ng tubig sa mga karagatan kadahilanan upang mamatay ang mga Korales at ang mga isda na nakatira sa mga
korales, ang pagkaubos ng mga isda ay nagiging dahilan upang mag import ang Gobyerno kung saan tataas ang presyo ng mga ito.

Ang Climate Change ay nakakaapekto sa akin bilang isang mamamayan dahil ako ay maaaring magkasakit dulot ng epekto
nito sa ating kapaligiran kung ako ay hindi magiging maingat, tulad ng Trangkaso, Leptospirosis, Dengue Diarrhea, Heat
Stroke at iba pang mga sakit. Kung magkakaroon ng mga malalakas na bagyo, maaapektuhan ako nito dahil maaari nitong
masira ang aming bahay at iba pang mga ari-arian. Kung masisira ang mga korales na tinitirhan ng mga isda sila ay
mamamatay na kung saan ay magmamahal ang mga bilihin dahil maaapektuhan ako nito sa pananalapi.

Naniniwala ako na magiging ambag ko bilang isang mamamayan ay ang pagiging disiplinado sa aking mga kilos dahil ang
aking mga kilos ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa kalikasan nang hindi ko nalalaman. Maaari din akong
makilahok sa mga programang nagsusulong ng Clean and Green sa aming pook. Bilang isang disiplinadong mamamayan,
hindi ako magsusunog ng mga basura, magiging organisado sa pagtatapon ng mga basura, pagtatanim ng mga puno,
pagsasagawa ng Reuse, Reduce at Recycle, at lilimitahan ko ang paggamit ng mga bagay na naglalabas ng Carbon Dioxide
tulad ng sasakyan na ginagamitan ng gasoline at iba pang mga makinarya.

You might also like