You are on page 1of 1

Daloy ng Paglalahad sa Isasagawang Impromptu Speech

1. Ipakilala ang Sarili


2. Ilahad ang Paksa
3. Talakayin ang Pangunahing Ideya
4. Maglatag ng mga pansuportang detalye
5. Concluding Statement (pangwakas na pahayag)

Magandang araw sa inyong lahat! Ako ay si Nathaniel Velasco, sa aking maikling talumpati
ngayon, nais kong talakayin ang isang napakahalagang isyu na hindi lamang sa ating bansa
kundi sa buong mundo – ang Climate Change.

Ang Climate Change ay isang matindi at malawakang isyu na nagdudulot ng masamang epekto
sa ating kalikasan. Isa itong pagbabago sa klima na nagreresulta sa pag-init ng mundo,
pagtaas ng lebel ng karagatan, pagbabago sa padrino ng ulan, at iba't ibang uri ng kalamidad.

Sa Pilipinas, nararamdaman natin ang epekto ng Climate Change sa pamamagitan ng mas


matindi at mas maraming natural na kalamidad tulad ng bagyo, baha, at tagtuyot. Ang mga
ganitong pangyayari ay nakakabahala at nagdudulot ng pinsalang hindi lamang sa ating
kalikasan kundi pati na rin sa ating ekonomiya at kalusugan.

Maraming paraan para labanan ang Climate Change. Una, ang pagkakaroon ng malasakit sa
ating kalikasan at pagbibigay halaga sa mga natural na yaman. Pangalawa, ang pagsuporta sa
mga proyektong naglalayong mapanatili ang kalikasan at mapabawas ang mga sanhi ng
Climate Change. At huli, ang pagsusulong ng mga sustainable na gawain at pagbabago sa
ating pamumuhay upang maging environmentally friendly.

Kailangan nating magtulungan upang mapanatili ang kahalagahan ng kalikasan para sa


kasalukuyan at hinaharap ng mga susunod na henerasyon. Sa pagkakaisa at sama-samang
pagkilos, malayo pa nating mararating ang layuning ito.

Sa huli, tandaan natin na ang Climate Change ay isang hamon na dapat nating harapin
ngayon. Gawin natin ang ating bahagi upang mapanatili ang ganda ng kalikasan at ang
kaligtasan ng ating mga kababayan.

You might also like