You are on page 1of 1

Magandang magandang magandang umaga mga minamahal kong tagapakinig!

Tayo
po ay naririto ngayon upang talakayin ang isang napapanahong isyu na patuloy na
lumalaganap sa ating bansa - ang climate change.

Ayon sa mga dalubhasa, ang pagbabago ng klima ay nagdudulot ng malalang epekto


tulad ng pagtaas ng antas ng karagatan, pag-init ng mundo, at pagkawasak ng ating
kalikasan. Batay sa mga datos, ayon sa Pangkat Intergovernmental Panel on Climate
Change, tayo bilang mamamayan ay may malaking bahagi sa pagpigil sa climate
change. Kaya't tayo ay dapat maging mapanuri at magsimulang gumawa ng mga
maliliit na hakbang upang makatulong sa pagsugpo sa problemang ito. Ayon sa aking
pananaw, mahalaga na magkaroon tayo ng malawakang kampanya sa pagsasabuhay
ng mga praktikal na solusyon. Maaari tayong magsimula sa simpleng mga bagay tulad
ng pagbabawas ng ating paggamit ng plastik, pag-iwas sa pag-abuso sa ating mga
likas na yaman, at pagpapalaganap ng kamalayan sa kahalagahan ng renewable
energy. Sa kabilang banda, hindi natin maaaring isantabi ang papel ng ating
pamahalaan at mga lokal na sangay ng pamahalaan sa laban kontra climate change.
Dapat silang maging aktibo sa pagpapatupad ng mga patakaran at programa na may
layuning mapangalagaan ang kalikasan at malutas ang suliranin ng climate change.

Sa aking pagtatapos, hinihiling ko ang ating sama-samang pagkilos at kooperasyon


upang maisakatuparan natin ang pagtugon sa climate change. Ang pagbabago ay
nagsisimula sa atin mismong mga indibidwal. Kaya't sa bawat hakbang na ating
gagawin, tayo'y nagkakaisa tungo sa isang mas malinis at ligtas na mundo para sa
susunod na henerasyon. Yun lamang ang mahalagang balita ko sa araw na ito,
maraming salamat sa pakikinig! Hanggang sa muli..

You might also like