You are on page 1of 1

Velez , Mikhail Ysabel R.

7 – M. Del Pilar

Bilang isang kabataan, kailangan din natin mahalin at alagaan ang ating kapaligiran. Ang solusyon
mabibigay ko upang malutas ang suliraning pangkapaligiran ay, tumulong na malampasan ang mga
problema at hamon sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatapon ng basura sa lugar nito, pag-iwas sa
paggamit ng plastik, pagpapanatili ng kalinisan, pakikisalamuha sa mga paggalaw ng kamalayan sa
kapaligiran, pagtatanim ng mga puno sa paligid ng bahay o pagtatanim ng iba pang mga halaman.
Kailangan natin magtulong-tulong upang makatulong para maiwasan ang mga suliraning pangkapaligiran.
Hindi lang ang sariling bakuran ang kailangan linisin, tumulong at sumali din tayo sa mga projekto ng
ating mga barangay tungkol sa paglilinis ng kapaligiran, nangsagayon makakatulong tayo sa ating
kapaligiran at mapapanatiling malinis ang ating kapaligiran. Tayo lang ang makakalutas nito, kaya
kailangan natin magtulong-tulong. Para sakin, masaya ang maglinis lalo na kung nakakatulong sa ating
kapaligiran. Hindi natin kailangan gumastos, o magbigay ng pera, upang makatulong sa kapaligiran
kailangan natin magsama-sama. Makakatulong ako upang maiwasan ang mga suliraning pangkapaligiran
sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon sa mga tao kung bakit kailangang pangalagaan ang
kalikasan at ano ang masamang dulot ng nagbabagong klima sa tao. Ang isa sa mga pinakaseryosong
problema na kinakaharap ngayon ng mundo ay ang nagbabagong klima o climate change. Kung tayo ay
magsasama-sama kaya natin baguhin ang mundo. Ang kapaligiran ay isang lugar kung saan nakatira ang
mga tao, at isa sa mga salik na maaaring makaapekto sa buhay ng tao. Maaaring baguhin ng kapaligiran
ang lahat ng aktibidad ng buhay ng tao, mula sa pamumuhay, pag-uugali, pag-iisip at maging ng pagkatao
ng isang tao. Ang isang malusog na kapaligiran ay magkakaroon ng positibong epekto sa mga residente
ng campus, kabilang ang mga mag-aaral. Bilang isang mag-aaral, kailangan mong maging mabuting
halimbawa. Tayo ay kabataan, pagasa ng bayan. “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan,”

You might also like