You are on page 1of 1

Hindi na normal ang daloy ng klima sa ating mundo.

Habang tumatagal mas lalong


lumulubha ang epekto ng climate change. Ayon sa National Aeronautics and Space
Organization (NASA), ang climate change ay ang pangmatagalang pagbabago ng
panahon at klima na may malinaw na epekto sa isang lugar, rehiyon at sa mundo.
Ang pinaka-pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng climate change ay
ang patuloy na pagnipis ng ozone layer ng ating mundo na siyang nagsasala ng mga
ultraviolet (UV) rays mula sa araw na lubhang mapanganib sa kalusugan ng mga tao.
At dahil sa patuloy na pagnipis nito, ay mas lalong lumalala ang global warming o ang
patuloy na pagtaas ng temperatura sa ating mundo.
Kaya naisipan namin na magsagawa ng adbokasiya kontra sa climate change. Ang
adbokasiyang ito ay lubos na makakatulong sa lahat ng tao na magkaroon ng kamalayan
tungkol sa usaping ito. Dahil sa patuloy na pagpapabaya at pagsasawalang bahala natin
dito ay mas lalo itong lumalala at mas mapaminsala. Sa loob ng adbokasiyang ito,
magkakaroon ng iba't ibang programa isa na dito ang mga sumusunod: environmental
sustainability, climate change education, advocating for climate change prevention at
marami pang iba.
Ang adbokasiyang ito kontra climate change ay mas lalong papaigtingin kung ang
bawat isa sa atin ay makikipagtulungan at makiki-isa dahil ang lahat ng ito ay
makakatulong upang mailigtas natin ang inang kalikasan at tayong mga tao. Ang climate
change ay hindi na dapat nating hayaang lumala, bagkus ngayon pa lamang ay tigilin na
ito at iwaksi.

You might also like