You are on page 1of 18

KATUTURAN AT KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS

Ang modyul na ito ay tumutukoy sa Climate Change na sa ngayon ay


laganap na at nararamdaman na ng lubusan. Dito sa ating bansa ay mas ramdam natin
ang epekto ng Climate Change. Sasagutin dito ang mga sumusunod na tanong: Ano
ang Climate Change at ang Global Warming? Ano ang mga salik na nakaka apekto sa
paglala ng Climate Change? Ano ang mga naidudulot nito sa ating bansa? Paano ito
mapipigilan? Ano ang mga aksyon ng pamahalaan at ng iba pang mga bansa ukol dito.

May tatlong araling inihanda para sa iyo sa modyul na ito:

Aralin 1: Ang Climate Change at Global Warming

Aralin 2: Mga Epekto at Implikasyon ng Global


Warming at Climate Change

Aralin 3: Ibat ibang Pagtugon sa Usapin ng Global


Warming at Climate Change
Pagkatapos mong mapag-aralan ang mga paksang nakatala sa itaas, inaasahang
magagawa mo ang mga sumusunod:
PANIMULANG PAGSUSULIT

Panuto:

Piliin ang pinaka-angkop na kasagutan sa bawat tanong. Isulat sa iyong

kuwaderno ang titik ng tamang sagot.


Introduksyon
Ang Climate Change ang isa sa pinakamalaking usapin ngayon na kinakaharap
ng mamamayan ng daigdig. Isang usaping nangangailangan ng pangmatagalang
solusyon sa pinakamaagang panahon.
Milyun-milyong mamamayan na sa daigdig ang matinding dumaranas ng epekto
ng climate change dulot ng global warming -- pagkawala ng buhay at kabuhayan;
pagkawala ng seguridad sa pagkain at mapagkukunan ng ligtas na tubig; pagkasira di
lang ng mga bahayan at istruktura kundi ng buo-buong nasyon, laluna sa mga rehiyon
ng Africa, Arctic, Asya at mga maliliit na islang-nasyon sa Pasipiko.
Patuloy pa rin sa pagtaas ang greenhouse gas emissions na siyang salarin sa
global warming at patuloy sa paglaki ang konsentrasyon ng greenhouse gases na ito sa
kalawakan. Nagpapatuloy ang banta ng panganib na maaari pang idulot ng pagkasira
ng ozone; pag-init ng mundo; pagkatunaw ng glaciers, ice sheets at sea ice; pagtaas ng
tubig-dagat at iba pang kaganapan sa kalikasan na di pa nasaksihan sa kasalukuyang
panahon.
Mahalaga na maintindihan natin kung ano itong global warming at ang resulta
nitong climate change para maipaliwanag ang mga kaganapang may kinalaman sa
kapaligiran at kalikasan; ang dalas at tindi ng mga sakuna dulot ng kalamidad at ang
laki at lawak ng epekto nito. Higit dito, dapat nating tuntunin kung paano umabot sa
kasalukuyang proporsyon ang greenhouse gases sa kalawakan ng mundo (earths
atmosphere) na nagresulta sa kasalukuyang global warming at climate change; kailan
ito nagsimula at patuloy na lumala sa kasaysayan; ano ang mga pangunahing dahilan
o salik nito; at, sino ang may malaking pananagutan. At sa dulo, makita ang mga tunay
na solusyon at wastong pagharap o pakikitungo sa usapin.

ARALIN 1

Ano sa palagay mo ang tinutukoy ng


larawang ito?

Ang Climate Change


Ito ay tumutukoy sa pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga
greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya
ng heatwave, baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay.
Kapag tumaas ang temperatura ng mundo, dadami ang mga sakit kagaya ng dengue,
diarrhea, malnutrisyon at iba pa.
Climate Change
Ang klima o climate ay pumapatungkol sa panahon o weather na karaniwang kondisyon
(average weather) sa isang lugar sa mas mahaba-habang saklaw na panahon. Sa
karaniwan ay tatlumpung (30) taon o mas matagal pa.
Pinatutungkulan din ng klima ang istatistika ng temperatura, humidity, atmospheric
pressure, hangin, bolyum ng tubig-ulan, atmospheric particle count, at iba pang
meteorological elements sa isang tiyak na rehiyon sa mahaba-habang panahon.
Ang klima sa isang lokasyon ay naaapektuhan din ng tereyn, taas ng lugar, ice o snow
cover, at gayundin, ng karatig na mga katubigan at ang kanilang pagdaloy (currents).
Ang panahon (weather) ay ang kasalukuyang kondisyon ng mga kaparehong elemento
sa loob ng maikli-ikling panahon isang araw hanggang dalawang linggo.

Sa madaling pag-intindi, kapag sinabing climate change, ito ay pumapatungkol sa


pagbabago sa klima ng mundo at ng mga lugar sa mundo. Dahil ang pinag-uusapan ay
klima at hindi simpleng panahon o weather lang, ito ay kapwa malawakan (large-scale)
at matagalan (long-term). Kinatatangian ito ng pangkalahatan at matagalang
pagbabago o pag-iiba sa weather patterns sa lokal, rehiyunal at pandaigdigang antas.
Ayon naman sa depinisyon ng United Nations Framework Convention on Climate
Change (UNFCCC), ito ay ang pagbabago sa klima na iniresulta ng mga aktibidad ng
tao (direkta o di direkta) na nakapagdudulot ng pagbabago sa komposisyon ng
kalawakan (global atmosphere), na kasama ng mga natural na dahilan (natural climate
variability), ay naobserbahan sa paglipas ng maraming taon.
Ang Global Warming
Mas higit na masaklaw ang usapin ng global warming kaysa pagkatunaw ng Antarctic
ice sheets at pagtaas ng lebel ng tubig-dagat (sea-level rise). Ang global warming ay
kinatatangian ng pagtaas ng karaniwang temperatura ng mundo kayat nagdudulot ng
pangkalahatang pag-init ng kalawakan, ng kalupaan at karagatan (global heating of the
atmosphere, land and oceans). Pinatutungkulan din nito ang mga usapin ng:

malakihan o ganap na pagbabago sa klima o panahon sa mga lugar sa daigdig


(global climate change)

di makalkula o paiba-ibang klima o panahon (global climate variation)

matitinding mga kaganapang may kinalaman sa weather patterns sa ibat ibang


panig ng daigdig (tsunami, hurricane, atbp)

global ocean acidification

pagkasira ng ozone layer ng mundo

Iniulat naman ng United Nations Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC)


ang mga panganib na kaakibat ng climate change:

pagkasira ng kalupaan

kasalatan sa tubig at pagbaba ng kalidad ng tubig

suliranin sa suplay ng pagkain at malaganap na kagutuman

pagkalat ng mga sakit at pangkalahatang pagbagsak ng antas ng kalusugan ng


tao

Nuong 2001, naiulat na ng IPCC na tumaas ng 0.6 degrees Celsius ang temperatura
ng mundo (global average surface temperature) sa buong panahon ng ikadalawampung siglo (twentieth century). Ang 1990s ang naitalang pinakamainit na
dekada na dinanas ng mundo sa loob ng sampung libong taon. Sa pagpasok ng
panibagong siglo, ang mga senyales ng global warming ay damang-dama at
malawakan na. Ang sampung (10) pinakamaiinit na taon ay naitala lahat sa panahon
mula 1990 1998 bilang pinakamainit, sumunod ang 2002, 2003, 2001 at 1997.
Tinataya ng IPCC na maaari pang tumaas ng nasa pagitan ng 1.4 hanggang 5.8
degrees Celsius ang temperatura ng mundo pagdating ng 2100.
Ang Greenhouse Effect at Global Warming
Sa syentipikong pag-unawa, ang global warming ay resulta ng malakihang
konsentrasyon o bolyum ng greenhouse gases (GHG) sa kalawakan. Ang greenhouse
gases ang bumubuo sa 1% ng kalawakan ng daigdig (earths atmosphere). Sinasalo at
Ikinukulong nito ang infrared radiation mula sa init ng araw habang tinitiyak na may
sapat at katamtamang init na pumapasok at namamantini sa daigdig para magpatuloy
ang buhay dito. Ang penomenong ito ang tinatawag na greenhouse effect.
Kahit may malaking papel ang greenhouse gases sa greenhouse effect, na mahalagang
rekisitos sa pagkakaroon at pagpapatuloy ng buhay sa daigdig, ang konsentrasyon nito
sa kalawakan ay mapanganib. Kapag nagkaroon ng malakihang bolyum ng GHG sa
kalawakan ng daigdig, mangangahulugan ito na mas maraming infrared radiation ang
makukulong at mananatili sa daigdig, na syang nagiging sanhi ng pagtaas ng
temperatura dito at resulta nitong pag-init.
Mayroong tatlumput anim (36) na elementong nabibilang sa greenhouse gases ilan
dito ay water vapor, carbon dioxide (CO2), methane (CH4), nitrous oxide (N2O),

hexaflourocarbons (HFCs), perflourocarbon (PFC), sulfur hexaflouride (SF6). Sa


malakihang bolyum nito, ang maituturing na pinakamapanganib ay ang CO2.
Sa kasalukuyan, ang CO2 ang may kinalaman sa 60% ng paglala ng greenhouse
effect na dinaranas natin dulot ng pagdami ng GHG sa kalawakan. Ang konsentrasyon
ng CO2 sa kalawakan ay tumaas ng 30% mula pagsisimula ng industrial age, mula sa
bolyum na 280 parts per million (ppm) tungo sa 367 ppm pagdating ng taong 1998.
Sa pinakahuling pagsukat (Setyembre 2009), nasa 384.78 ppm na ito o 2 ppm pagtaas
kada taon. Ang maituturing na nasa safe level pa ng CO2 sa kalawakan ay 350 ppm
o mas mababa dito.
Kontribusyon ng GHG sa Greenhouse Effect (2004)
Ang kalakhan ng GHG emissions na nagpalala sa greenhouse effect, laluna mula sa
pagsisimula ng rebolusyong industriyal, ay dulot ng mga aktibidad na gawa ng tao. Ang
pangunahing dahilan dito ay ang emisyon ng CO2 mula sa fossil fuel combustion o
proseso ng pagsunog ng fossil fuels gaya ng uling (coal), langis (oil) at natural gas.
Laluna sa pagpasok ng daigdig sa yugto ng imperyalismo, ang kapasidad ng tao
(malalaking industriyalisadong mga bansa) na magsunog at gumamit ng fossil fuels ay
lumaki sa gahiganteng proporsyon. Ito ang sisira sa natural na balanse ng carbon
cycle.
Ang labis-labis na emisyon ng CO2 ang sinasabing pangunahing salarin sa global
warming. Ang global warming ay tumungo na sa pagbabago sa klima ng mundo o
climate change.
Mga Umaapekto sa Pagbabago ng Klima Mga Natural na Salik at Gawa ng Tao
Sa tulong ng paglalapat ng syensya sa pagsusuri sa mga ice cores sa northern
hemisphere, natunton ng mga syentista ang temperatura ng mundo at komposisyong
kemikal ng kalawakan sa nakalipas na 650,000 taon. Nasuri nila na ang mga
sinaunang pagbabago sa klima (climate change) na naganap sa kasaysayan ng mundo
ay dulot pangunahin ng mga natural na salik, gaya ng:

plate tectonics (paggalaw ng tinatawag na tectonic plates na nagpapabago sa


pusisyon ng kalupaan at mga erya ng katubigan na syang nagreresulta sa
topograpiya ng daigdig)

orbital at solar variations (pagbabago sa pag-ikot ng mundo na nakaaapekto sa


layo at lapit nito sa araw)

volcanism (natural na proseso kung saan ang mga elemento mula sa crust o
mantle ng mundo ay ibinubuga palabas gaya ng pagputok ng mga bulkan,
paglitaw ng geysers, hot springs, atbp)

ocean variability

Sa loob ng nakalipas na 1,300 taon (humigit-kumulang), naganap sa kasaysayan ng


mundo ang mga pagbabago sa klima o climate changes gaya ng Medieval Warm Period
at ang Little Ice Age (100 taon ang nakaraan) kung saan hindi naranasan ng buong
Europa ang tag-init o summertime. Gayundin, sinabi ng mga syentista na kalakhan sa
mga ito ay dulot ng mga natural na salik.
Ngunit sa pagpasok ng industrial age hanggang sa abutin nito ang yugto ng
imperyalismo, 150 taon mula sa kasalukuyan, naobserbahan ang mabilis na pagtaas
sa temperatura ng mundo na hindi pa nangyari sa nakalipas. Mula 1850, tumaas na ng
1 degree Celsius ang temperatura ng daigdig. Ito ay nagresulta sa pag-init ng mundo
maging ng kalawakan nito. May mga scientific evidences na nagpapakita na kaakibat
ng pagtaas ng temperatura sa kalawakan, nagkakaroon din ng pag-init ng karagatan,
nagsisipagtunaw ang glaciers, ice sheets at sea ice, at resulta nitoy tumataas ang
lebel ng tubig-dagat. Nagpapatuloy ang ganitong kondisyon sa kasalukuyan, na siya
natin ngayong tinatawag na global warming.
Nagsisipagtunaw ang malalaking tipak ng yelo sa Greenland at Antarctica ice sheets.
Nasa mahigit sa 2 trilyong tonelada na ng yelo ang natunaw sa mga lugar na ito,
kasama ang Alaska, mula 2003. Nuong 1980, nasa 7 milyon sq. kms. (kilometro
kwadrado) ang sukat ng Summer Arctic sea ice. Nuong 2006, nasa kulang 5 milyon
sq. kms. na lamang ito. Ang pagkatunaw ng yelo ang maituturing na pangunahing

dahilan ng pagtaas ng lebel ng tubig-dagat (sea-level rise). Mula 1880, ang sukat ng
sea-level rise ay umabot na sa 20 cms.
Sinasabi ng mga syentista na, kaiba sa mga climate changes na naganap sa sinaunang
panahon (gaya ng pagkakaroon ng ice ages) na mga natural na salik ang pangunahing
dahilan, ang kasalukuyang global warming at climate change ay dulot pangunahin ng
tinatawag na mga anthropogenic factors o mga aktibidad na gawa tao. Ilan sa mga
halimbawa at pinagmumulan nito ay:
Industriya - polusyon sa hangin at katubigan mula sa ibinubugang usok nito; hindi
tamang pagtatapon ng mga basura nito (waste disposal practices);
Agrikultura kumbersyon ng mga kakahuyan para maging kaparangan at pastulan at
ang paggamit ng slash and burn technique o pagkakaingin;
polusyon sa kalupaan at katubigan dahil sa malawakang paggamit ng kemikal sa
abonot pestisidyo; polusyon sa tubig dulot ng mine tailings;
Konstruksyon pagkasira ng natural o likas na panirahan dahil sa konstruksyon ng mga
gusali at iba pang imprastruktura; reklamasyon
Panirahan konsentrasyon ng basura sa mga lugar ng panirahan; pagkasaid ng
groundwater
Sa mga nabanggit na anthropogenic factors, ang pinakagrabeng umaambag sa pagtaas
ng lebel ng CO2 sa kalawakan ay ang mga emisyon mula sa fossil fuel combustion o
pagsusunog ng uling at langis. Sa kasalukuyang (2008) kontribusyon ng CO2 sa GHG
na 76.7%, ang 56.6% nito ay mula sa paggamit ng fossil fuel. Ang iba pa ay:
deforestation (17.3%) at biomass decay (2.8%),
Tumindi ang konsentrasyon ng CO2 sa kalawakan nang ang tao ay magsimulang
magsunog ng fossil fuel para sa pangangailangan nito sa enerhiya at pagpapatakbo ng
mga industriya. Ngayon ay dinaranas natin ang tindi ng epekto nito sa pagkasira ng
mundo at pagkawala ng buhay at kabuhayan ng tao.

lot ito ng mga sakuna kagaya ng heatwave, baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamata
sea-level rise). Ang global warming ay kinatatangian ng pagtaas ng karaniwang temperatura ng mundo kayat na

ARALIN 2

Mga Epekto at Implikasyon ng Global Warming at Climate Change

Mga dulot hatid ng Climate


Change sa ating bansa.

Nakaaalarma na ang mga epekto na dinaranas ngayon dahil sa global warming at


climate change. Isa sa malaking manipestasyon nito ang dalas at tindi (frequency at
intensity) ng mga kalamidad gaya ng supertyphoons at hurricanes, matindi at
malawakang pagbaha, tsunami, malalakas na lindol, heatwaves, matinding tagtuyot
(drought) at iba pa. Habang nagpapatuloy at bumibilis ang climate change, patuloy din
ang pagtaas ng risgo ng pagkasira di lang ng kapaligiran sa mga partikular na lugar
kundi ng buong mundo. Ilan sa malalaking epekto/implikasyon nito ay ang sumusunod:
a. Kalamidad o Natural Disasters
Magiging matindi (intensed) at malawakan ang mararanasang mga kalamidad.
Ang mga bansang nabibilang sa Global South o developing countries ang magiging
pinakabulnerable sa epekto ng climate change dahil sa geographic (lokasyon), social at
economic factors.
Ang mga maliliit na islang-nasyon at maraming komunidad sa Asya at Pasipiko ang
dumadanas ngayon ng matinding epekto ng pagtaas ng tubig-dagat. Tataas pa ito lalot

sa pagtaya ng mga syentista ay magiging ice-free na o ganap na matutunaw na ang


yelo ng Summer Artic sea sa pagitan ng mga taong 2015 at 2030. Ang katumbas nito ay
sea-level rise ng hanggang 0.9 metro pagdating ng taong 2100 (datos ng IPCC).
Tinatayang nasa pagitan ng 70-200 milyon katao ang maapektuhan ng matindi at
malawakang pagbaha kapag inabot ang ganitong lebel ng pagtaas ng tubig-dagat.
Ang kahirapan at kawalan o kakapusan ng serbisyo-sosyal laluna sa pabahay
ay nagtutulak din sa marami na manirahan sa itinuturing na mga risk prone areas
(tabing-ilog o dagat, gilid ng bundok). Ang bulnerabilidad ng paninirahan sa mga lugar
na nabanggit ang isa sa mayor na dahilan sa pagdami ng biktima at laki ng pinsala
dulot ng mga kalamidad.
Ayon sa datos ng United Nations Development Programme (UNDP), ang
bilang ng mga mayor na kalamidad ay tumaas ng apat na beses sa nakalipas na apat
na dekada. Sa Asya naganap ang apatnapung porsyento (40%) ng mga kalamidad na
ito at pitumpung porsyento (70%) ng kabuuang bilang ng mga nabiktima, sa huling
dekada ng ika-20 siglo (1990s).
2. Implikasyon sa Seguridad sa Pagkain
Ang mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran ay matinding
umaapekto sa mamamayang pangunahing umaaasa dito para sa ikabubuhay. Sa Asya,
nabibilang dito ang 60-80% ng populasyon nito, na ang ikinabubuhay ay maliitang
agrikultura pagtatanim, pagsasaka, pangingisda, pangangahoy, atbp.
Sa datos ng United Nations Food and Agriculture Organization,
tinatayang nasa 90% ng labinlimang milyon (15M) kataong ang ikinabubuhay ay sa
coastal waters ay mga maliliit na mangingisda (small-scale fishers). Ayon naman sa
ulat ng World Bank (WB), tinatayang nasa 90% ng 1.1 bilyong nabibilang sa mahihirap
na mamamayan ng daigdig ay umaasa sa kagubatan at kabundukan para sa kanilang
ikabubuhay.
Sa pagkain, ang bigas ang mayor na kinokonsumo ng mamamayan
ng daigdig. Ito ang pangunahing kinakain ng higit sa kalahati ng populasyon ng daigdig
laluna sa Asya kung saan dalawang bilyong (2B) mamamayan ang dito umaasa para sa

kinakailangang arawang sustansya sa katawan. Nasa Asya din ang 90% ng


pandaigdigang produksyon nito pangunahin sa China (40%) at India (21%). Ang Asya
ang tinatayang isa sa pinakabulnerable sa mga epekto ng climate change at mga
kalamidad na resulta nito. Sa mga taong 2000 hanggang 2003, naobserbahan na
patuloy sa pagbaba ang produksyon ng bigas at pagliit ng pandaigdigang imbak dito.
Nangahulugan ito ng 93 milyong toneladang kakapusan sa produksyon kumpara sa
konsumo ng mamamayan (2003).
Sa tinatayang pag-init pa ng temperatura at pagtaas ng tubigdagat, inaasahan ang pagkawala ng malaking tipak ng mga lupaing agrikultural na
malaking aapekto sa produksyon at sa ultimo, seguridad sa pagkain. Ang pagtaas sa
lebel ng tubig-dagat ng hanggang 1 metro ay tiyak na magpapalubog sa mga lupaing
agrikultural laluna sa mababang mga lugar ng China, India, Vietnam, Bangladesh at
Cambodia na siyang pinakamalalaking taga-suplay ng bigas sa daigdig.
Gayundin, ang El Nio Southern Oscillation (ENSO) na nagdudulot naman
ng maagang tagtuyot, ay pangunahin ding tatama sa mga rehiyong sakop ng equatorial
belt. Dito din nabibilang ang maraming mga lugar sa Asya. Tinatayang nasa 50% ang
maaaring ibagsak sa produksyon sa maraming lugar na ang agrikultura ay umaasa sa
tubig-ulan (rain-fed) pagdating ng 2020.
Matindi ring maaapektuhan ang mga lugar-pangisdaan at iba pang
coastal communities. Ang pangingisda ay malaki ring umaambag sa seguridad sa
pagkain. Tatlong bilyong (3B) mamamayan ang dumedepende sa nutrisyon mula sa
isda. Ang mga komunidad sa kahabaan ng Mekong river na may produksyon ng higit
dalawang milyong (2M) tonelada ng isda kada taon ay dadanas ng matataas na lebel
ng pagbaha at gayundin, ng pagpasok ng tubig-alat (saltwater intrusion).
3. Epekto sa Suplay at Kalidad ng Tubig
Malaganap na ang nararanasang kakapusan o kasalatan sa tubig (water
scarcity. Maraming mga lugar sa China, U.S., India, at Africa ang dumaranas na ngayon
ng krisis sa tubig. Ang mga manipestasyon nito ay:

Kakulangan sa ligtas at

malinis na tubig na maiinom ng may 884 milyong mamamayan;

Kakapusan sa tubig para sa sanitasyon ng may 2.5 milyon katao;

Pagkasaid ng groundwater dahil sa overpumping;

Sobra at walang pakundangang paggamit ng tubig (overuse) at polusyon sa

katubigan na nakaaapekto sa biodiversity;

Mga lokal hanggang panrehiyong sigalot dulot ng agawan sa papaliit na

mapagkukunan ng tubig
Ang kawalan ng akses sa ligtas at malinis na tubig ay isa sa mga
pangunahing dahilan ng kamatayan sa maraming lugar sa daigdig. Ayon sa World
Bank, 88% ng maraming sakit ay dulot ng hindi ligtas at maruming tubig at kawalan o
mababang antas ng sanitasyon.
4. Panlipunang Dislokasyon (Social Dislocation)
Sinasabi ng mga islang-nasyon, na kapag tumaas pa ang temperatura ng
mundo sa 1.5 degrees Celsius, na may katumbas na 0.9 metrong pagtaas sa lebel ng
tubig-dagat, ay lulubog ang maraming nasyong tulad nila at iba pang mabababang lugar
laluna sa Asya at Pasipiko. Nanganganib na maging climate refugees ang buo-buong
populasyon ng mga islang-nasyon gaya ng Maldives, Vanuatu at Tuvalu. Magaganap
ang malakihang migrasyon dahil sa pagbaha, matinding tagtuyot at mga kalamidad.
Papatong pa dito ang dislokasyong dulot naman ng mga so-called
development projects na lumilikha naman ng mga development refugees, gayundin
sa mga internal na dislokasyon dulot ng armed conflict.
6. Paglaganap ng mga Sakit
Ang climate change at malawakan at malakihang migrasyon dahil sa
epekto nito ay malaki ang kontribusyon sa paglaganap ng mga sakit laluna ang may
kinalaman sa pagdami ng peste, insekto at mga sakit na air at water-borne.
Patuloy sa pagtaas ang porsyento ng nagkakasakit ng malaria,
dengue at yellow fever sa buong daigdig, laluna sa Africa. Hindi lang ang pagdami ng

lamok na nagdadala nito kundi ang paggalaw ng mga populasyon o migrasyon ang
itinuturong dahilan ng paglaganap.
Testigo tayo sa paglaganap ng sakit dulot ng mga sakunat
kalamidad nang, matapos ang hagupit ni Ondoy, ay lumaganap at marami ang
nangamatay sa sakit na leptospirosis (rat-borne disease) sa kamaynilaan.
II.

Sino ang May Pananagutan at Dapat Singilin sa Nagaganap na Global

Warming at Climate Change?


Ang kasalukuyang global warming, climate change at inabot na antas ng pagkasira ng
kapaligiran ay nag-uugat sa isang pandaigdigang sistema ng produksyon na ang
layunin ay pagkamal ng tubo (profit-driven). Walang katulad sa kasaysayan ang bilis at
tindi ng pagkasira ng kapaligiran nang pumasok ang daigdig sa yugto ng modernong
kapitalismo. Sisirain nito ang natural na balanse ng kapaligiran. Titindi ang
antagonistikong relasyon sa pagitan ng tao at kalikasan, gayundin, ng tao sa tao dahil
sa pagkontrol ng iilan sa kalikasan at mga pakinabang dito. Ang pagkakamal ng tubo
ang siya nang magiging dahilan ng paggamit sa kalikasan. Ang sistemang kapitalismo
ay kinakailangang patuloy na samantalahin ang kalikasan, likas-yaman at tao, para sa
pagpapatuloy ng malakihang produksyon ng mga bagay at serbisyo.
Naipakita na ng maraming pag-aaral na naging mabilis ang pagtaas ng emisyon ng
CO2 at konsentrasyon ng GHG nang magsimula ang rebolusyong industriyal, at patuloy
itong lumala sa panahon ng pagpasok ng kapitalismo sa yugto ng imperyalismo sa
huling bahagi ng 1800s. Gayundin, lalo pa itong tumingkad sa huling apat (4) na
dekada sa panahon ng pagpapatupad ng globalisasyon, kung saan ang konsentrasyon
ng GHG ay tumaas ng 70% (1970-2004).
Ang mga pinaka-industriyalisadong bansa ang mayor na may sala sa bulto ng mga
emisyon at konsentrasyon ng GHG, laluna ng CO2 sa kalawakan. Sila ang may
pangunahing pananagutan (historikal at sa kasalukuyan) sa global warming at climate
change. Sa mga bansang ito na tinatawag din na Northern Countries, ang U.S. ang
may pangunahing historical na pananagutan bilang numero unong tagabuga (emitter)
ng CO2 sa kasaysayan (ang China ang nangunguna sa kasalukuyan, pumapangalawa
ang US). Ang U.S., na bumubuo sa 14% populasyon ng daigdig, ang salarin sa kulang

kalahati (40%) ng emisyon ng CO2.Ang mga bansa sa industriyalisadong North ay


nasa 20% lamang ng kabuuang populasyon ng daigdig, ngunit, sila ang may kontrol sa
paggamit ng 80% ng rekurso ng daigdig.
Ang mga mahihirap na bansa o Global South, ay pinagmumulan din ng mga emisyon
ngunit itoy nasa maliit na porsyento lamang kumpara sa ibinubuga ng mayayamang
mga bansa. Gayunpaman, ang mamamayan ng Global South ang pinakamalaking
tinatamaan at sumasalo sa mga epekto ng climate change.
Ang bulnerabilidad ng mahihirap na bansa sa climate change ay pinalalala pa ng mga
bangkaroteng sistemang pang-ekonomiya na hindi nagreresolba sa kahirapan, bagkus
ay pinatitindi pa ito. Kinatatangian ito ng bansot at atrasadong ekonomiya, malaganap
na pagsasamantala sa mamamayan, pagkasira ng kapaligiran at pagkaubos ng likasyaman na iniresulta ng mahabang panahong kolonisasyon at pandarambong ng mga
bansang mayayaman sa mga bansang mahihirap.
Sa patuloy na pagtutulak ng North sa mga mapanira at maling programang pangekonomiya (para sa pansariling interes) gaya ng globalisasyon at iba pang neo-liberal
na patakaran at patuloy na pagtupad dito ng mga nadodominahang mga bansa sa
South, magpapatuloy ang maraming inhustisya sa kapaligiran at sa mamamayan;
magiging malayo ang pagbawi mula sa krisis at kalamidad; sisidhi at lalaganap ang
kahirapan; at sa di malayong hinaharap, maniningil ang kalikasan.

ARALIN 3

Ibat ibang Pagtugon sa Usapin ng Global Warming at Climate Change

Ano ang ibig


ipahiwatig ng
larawang ito?

Ang UNFCCC at Kyoto Protocol


Ang mga nagdaang ilang dekada ay naging panahon ng pagbibigay ng malaking
pansin sa mga usaping pangkapaligiran sa gitna ng patuloy na pagkasira nito. Habang
tumataas ang pangamba sa mga panganib na maaaring idulot ng global warming at
climate change, tumaas din ang pagpapahalaga para sa paghahanap ng mga solusyon
dito.
Iniluwal ng 1992 Rio Earth Summit (Rio de Janeiro, Brazil) ang United Nations
Framework Convention on Climate Change (UNFCCC), isang tratado sa pagitan ng
mga bansa ng daigdig para harapin ang usapin ng climate change. Dalawang taon ang
iginugol para sa negosasyon para dito matapos ang Rio Summit, hanggang sa ganap
itong maratipikahan ng 175 mga bansa nuong Marso 21, 1994. Ang UNFCCC naman
ang nagluwal sa Kyoto Protocol, Marrakesh Accord, Bali Action Plan, atbp. Ang lahat
ng ito ay naglalayon ng pagsasagawa ng mas malalimang pananaliksik at pag-aaral sa
global warming at climate change at pagtutukoy ng mga paraan ng pagkontrol sa
kontribusyon ng tao sa global warming at pag-iistabilisa ng konsentrasyon ng GHG sa
lebel na hindi tutungo sa pagkasira ng mundo at buhay (mitigation) at gayundin,
maghanap ng solusyon para sa pag-angkop ng mga bansa sa patuloy na nagaganap
na mga pagbabago (adaptation).

Dahil sa pagkilala na ang mga industriyalisadong bansa ang mayor na


umaambag sa konsentrasyon ng GHG, at laluna, dahil sa lumalaking presyur ng publiko
sa kanilang mga gubyerno, nagkaisa ang mga nasyon na magkaroon ng isang legally
binding measure na tinawag na Kyoto Protocol.
Ang Kyoto Protocol, na inaprubahan ng mga bansa nuong Pebrero 16, 2005, ay
partikular na nagtatakda ng target para sa pagbabawas ng GHG emissions ng may 37
industriyalisadong mga bansa (main contributors to GHG emissions), na magsisimula
sa taong 2008 hanggang 2012. Ang ispesipikong nilalayon nito ay pagbabawas ng
limang porsyento (5%) sa kanilang emisyon mula sa naitalang GHG emissions nuong
taong 1990.
Dahil apektado sa pagpapatupad ng mga nilalaman ng Kyoto Protocol ang lahat ng
sektor ng ekonomiya, ito ay kinokonsidera bilang pinakamasaklaw at maunlad na
kasunduang inabot at inaprubahan patungkol sa kapaligiran at sustenableng pag-unlad.
Gayunpaman, hindi pa rin masasabing isang tagumpay ito dahil marami sa mga bansa
ay hindi naabot ang mga pinagkaisahang target. Higit dito, ang may pinakamalaking
pananagutan sa lahat ng mga industriyalisadong bansa, ang pinakamalaking U.S., ay
hindi nagratipika sa nasabing kasunduan.
Kahit pa nga masasabing maunlad na ang nilalaman ng Kyoto Protocol, mayroon
pa rin itong mga kahinaan na sa totooy paborable sa mga industriyalisadong bansa
gaya ng:

Emissions Trading o pagpapahintulot ng pagbebenta sa sobrang

pinahihintulutang emisyon (excess allowable emission) ng carbon dioxide ng isang


bansa sa isa pang bansa na nahuhuli sa target nito ng pagbabawas ng GHG emission;

Binibigyang-daan nito ang Clean Development Mechanism (CDM) na

pinapayagan ang mga industriyalisadong bansa (Annex I countries) na maabot ang


kanilang target sa pamamagitan ng pagpapatupad/pagsasagawa ng mga emissionreduction projects sa mga umuunlad na bansa (Non-Annex I countries). Ang mga
proyektong ito ay magbibigay sa mga bansa sa Annex I ng credit points (credit emission
reduction o CER) na maaari nilang maipon kung saan ang isang credit ay may
katumbas na 1 toneladang CO2 na maaaring isama sa pagsukat ng target sa Kyoto

Protocol. Sa pamamagitan daw ng CDM, ang mga bansa sa Annex I ay kakayaning


abutin ang kanilang target sa pagbabawas ng emisyon habang nakakatulong pa sa mga
bansa sa Non-Annex I. Ang pagpapatupad ng mga proyekto ay maaaring sa paraan ng
pagpopondo, inisyatiba sa pagpapagawa o joint implementation.
Ang mga probisyong ito ay nasasamantala ng mga bansang industriyalisado para
makasikot at sa ultimoy makalibre sa pagbabawas ng emisyon. Sa esensya,
nakapagbibigay ang mga probisyong ito sa kanila ng right to pollute dahil kahit na di
sila magbawas o tumaas pa nga ang kanilang emisyon, maaari naman itong mabawi
(offsetting emissions) sa pamamagitan ng mga mekanismong nabanggit sa itaas.

You might also like