You are on page 1of 1

Marhay na hapon sa aton tanan!

Ngayon ay ating paguusapan ang isa sa mga problema na may


kinalaman sa ating kapaligiran , kalikasan at sa ating mundo ito ay ang climate change simula pa noong
mga nag daang panahon, hindi parin mawala wala ang isyung may malaking ambag sa pagkasira ng
kalikasan, ang climate change, ang climate change ay walang katapusang pagbabago sa sistema ng klima
ng mundo, kabilang ang pagtaas ng average ng temperatura, pagbabago sa pattern ng klima, at iba’t
ibang epekto sa natural na proseso ng kalikasan. Bukod dito ang climate change ay nakakapagdala rin ng
malubhang epekto sa mga naniniraharan sa mundo, kabilang dito ang mga tao, hayop, kalikasan ,
ekonomiya, at iba pa na nadirito sa mundo pero bago ang lahat amin tatalakayin ang isyung ito at ang
mga maaaring maging epekto niyo sa atin at sa ating kapaligiran

Climate Change, una sa lahat, ano nga ba ang climate change? Ito ay ang pagbabago sa klima ng ating
mundo na nagdudulot ng iba’t ibang epekto sa ating kalikasan at sa ating mga buhay. Ang mga epekto ng
climate change ay maaaring magdulot ng malawakang pagbabago sa ating panahon, tulad ng pag-init ng
mundo,bagyo , pagbaha, tagtuyot, at iba pa.Ngunit ano nga ba ang dahilan ng climate change? Ayon sa
mga siyentipiko, ang climate change ay dulot ng pagtaas ng greenhouse gases sa ating atmospera. Ang
greenhouse gases ay nagpapainit sa mundo sa pamamagitan ng pagpapabilis ng proseso ng pagpapainit
ng mundo.Sa ating pamayanan, mamamayan, at sa mga halaman at hayop na nabubuhay, maaaring
magdulot ng iba’t ibang epekto ang climate change. Sa pamayanan, maaaring magdulot ito ng pagbaha
at pagkasira ng mga imprastraktura. Sa mamamayan, maaaring magdulot ito ng pagtaas ng temperatura
at pagkakasakit. Sa mga halaman at hayop na nabubuhay, maaaring magdulot ito ng pagkawala ng
kanilang tirahan at pagkain.Hindi tayo dapat maging bulag sa mga isyung nakapaligid sa atin.

Mahalaga na maging handa tayo na magtulungan upang labanan ang climate change. Ang bawat
hakbang na ating gagawin ay maglilikha ng malaking kaibhan para sa ating mundo.Sa ating
pagtutulungan at pagkakaisa, may pag-asa tayong maibabalik ang kaligtasan at kalusugan ng ating
mundo para sa mga susunod na henerasyon. Huwag nating kalimutan na tayo ang mga tagapangalaga ng
ating kapaligiran.Sa kabuuan, ang climate change ay isang malaking hamon na kinakaharap ng ating
mundo. Ngunit hindi natin ito dapat ikatakot. Sa halip, dapat nating gawin ang ating bahagi upang
mapabuti ang kalagayan ng ating mundo. Maaari nating gawin ito sa pamamagitan ng pagbabago ng
ating mga gawi at pagpapalaganap ng kamalayan tungkol sa climate change. Lagi nating tandaan na,
HINDI LAHAT NG PAGBABAGO AY MAKAKABUTI SAYO, SA HALIP ALAGAAN AT HAYAAN NATING MANATILI
ANG MGA BAGAY NA MAKAPAGBIBIGAY SA ATIN NG LIGTAS AT MAAYOS NA PAMUMUHAY.Maraming
salamat sa inyong pakikinig at pagtutok sa isyung ito. Sama-sama nating pangalagaan ang ating planeta
upang magkaroon ng mas magandang kinabukasan para sa lahat.

You might also like