You are on page 1of 3

Paghilom ng Mundo

Masakit man sabihin ngunit tiyak na ang ating mundo ay unti-unti nang nasisira
at nagbabago. Mahirap man tanggapin pero tayong mga tao ang dahilan ng
malubhang lagay na kinakaharap ng mundong ito. Sa pag lipas ng panahon,
makabagong teknolohiya at gawi ang patuloy na nag-uusbong na tiyak na may
mabuting epekto sa ating mga tao ngunit meron ding nakakalumong epekto sa
ating mundo.

Sa paglipas ng maraming sakuna at trahedyang dulot ng pagkasira ng ating


mundo, natural na lamang na tayo ay mamulat at maging responsable para sa
pagbangon at paghilom ng ating tinatayuang tahanan. Sa kabila ng
napakaraming salik sa pagkasira ng ating mundo, mayroon pang mga hakbang
panimula upang tayo ay makabawi sa ating kalikasan at muling ibalik ang
masagana at masigla ito. Una na r'yan ay ang pagtukoy kung saan tayo patuloy
na nagkakamali o nakaka-purwisyo sa ating mundo, sa pamamagitan lamang
ito ng pagiging mapag-unawa at pag alam sa sarili nating mga gawain at
responsibilad.
Isa pang dahilan para tayo ay makabawi sa ating mundo ay ang pag-gawa o ang
pagpa-plano sa patuloy na paghilom ng mundo natin. Maari itong maisagawa
sa pamamagitan ng napakaraming kinagawian katulad ng tinatawag na "RRR" o
"Reduce, Reuse, Recycle". Pwede rin ang gawi na "Stop Fossil Fuel", huli ay ang
pag ingat at pag preserba ng ating likas na yaman at kalikasan, kailangan natin
maging maingat sa pag gamit ng ating likas na yaman dahil ito ay halimba ng
mga bagay dito sa mundo na pag nawala na ay hindi na muling maibabalik pa.

Bakit kailangan natin suportahan ang paghilom ng mundo? Mahalaga lamang


na protektahan natin ang ating mundo hindi lang dahil ito ay ang tahanan natin
ngunit sa dahilang ito rin ay ang ang magiging tahanan ng susunod pang mga
mga henerasyon. Maliban sa mga rason na nabanggit, kailangan din natin na
suportahan ang paghilom ng mundo dahil tayo lamang ang responsable sa
lahat ng masamang pagbabago nito. Tayo marahil ang dahilan kung bakit
patuloy na nasisira ang ating kalikasan dahil sa mga iresponsible nating mga
gawi, sa salik na iyon, dapat lang talaga na maging pakay nating lahat ang
paghilom ng mundo. Hindi lamang para saating mga sarili ngunit para rin sa
ikabubuti ng lahat.

Amihan Alexandra Gantinao


XII- Felicity

You might also like