You are on page 1of 3

Debate

1st Affirmative

•Ang kalikasan ay isa sa mga ating kayamanan. Kung ito ay tatratuhin ng tama, ito ay hindi mawawala.
Dahil sa ganda nitong taglay, mga tao ay hindi maiwasan na puntahan ito o makita. Sino ba naman ang
ayaw ng sariwang hangin at magandang tanawin? Ang paglakbay sa mga gubat o kalikasan ay
tinatawag na ekoturismo. Pero ito nga ba ay maituturing na isang sustainable practice?
 
-Oo, Dahil ang ekoturismo ay naglalayon na magbigay ng kaalaman o magturo sa atin sa ating
kapiligiran upang tayo ay magkaroon ng kalinawagan kung ano ang mga nangyayari sa ating kalikasan.
Sa pamamagitan ng ating nalaman na kaalaman ay ma-aalagaan natin at maproprotektahan ang ating
kalikasan.

1st Negative

•Hindi ako sang ayon sa sinabe nya dahil ang turismo ay isang malaki at kumplikadong industriya. Ang
bilang ng mga pagkakaiba-iba sa loob nito ay nagpapahirap na tukuyin ang mga tunay na antas ng
pagkonsumo at basura at ang antas ng hindi pagpapanatili. Kaya't mahirap sukatin ang tunay na
epekto sa kapaligiran ng turismo. Ito ay 'di maituturing na sustainable practice dahil ang turismo ay
kadalasang naglalagay ng presyon sa mga likas na yaman sa pamamagitan ng labis na pagkonsumo,
kadalasan sa mga lugar kung saan kakaunti na ang mga mapagkukunan. Ang turismo ay naglalagay
ng napakalaking diin sa lokal na paggamit ng lupa, at maaaring humantong sa pagguho ng lupa,
pagtaas ng polusyon, pagkawala ng natural na tirahan, at higit na presyon sa mga endangered
species.

2nd Affirmative

•Paano nyo nasabing hindi ito sustainable sa atin o sa ating kapaligiran? Ano-ano ang inyong mga
nakikitang dahilan o rason para masabing di maganda ang dulot nito?

-Dahil kung ako ang tatanungin ay sustainable ito sa atin lalo na't tumutulong ito sa pagpapaunlad o
pagpapalago sa komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng alternatibong mapagkukunan ng
kabuhayan sa lokal na komunidad na mas nagpapanatili nito. Kung saan din ay tinitingnan ng marami
ang ekoturismo bilang isang mabuhay na paraan upang maprotektahan ang natural na kapaligiran at
lumikha ng mga benepisyong panlipunan at pang-ekonomiya para sa mga lokal na komunidad. Hindi
lang tayo matututo dito, makikita rin natin ang magagandang dulot nito lalo na sa mga lokal.

2nd Negative

•Hindi ito sustainable practice dahil maaaring maging mabuti para sa panandaliang pag-unlad ng
ekonomiya, lalo na sa mga bansang lubos na umaasa sa turismo, ngunit maaari rin itong makasama sa
kapaligiran dahil sa paglabas ng mga greenhouse gas at kakulangan sa tubig o enerhiya. At ito ang isa
sa mga dahilan kung bakit hindi ito maganda para sa lokal at kapaligiran. Ang iilang rason na nakikita
ko na may hindi magandang dulot ito ay ang mga sumusunod:

-Una ay mas maraming species ang hindi nakakulong sa protektadong natural na kapaligiran at ang
sobrang pag-unlad nito ay maaring makapinsala sa pattern ng paglipat at pag-aanak, dagdagan ang
polusyon sa tubig at hangin, at dagdagan ang pagguho.
-Pangalawa ay ang mga kumpanyang pang-internasyonal na tour na nagho-host ng mga kultural na
palabas kung saan ang mga tradisyon na kanta, sayaw, o pananamit ay binago upang makaakit ng
mga dayuhan.
-Pangatlo ay ang mga lugar na nagbibigay sa mga turista ng higit na karapatan kaysa sa mga lokal o
katutubo.

3rd Affirmative

•Isang sustainable practice ang ecotourism dahil makikita natin kung ano ang ating kapaligiran at dahil
dito, masosolusyunan agad natin ang mga pangunahing problema at maaari pang ma-improve ang
ating kapaligiran. Makikita mo rito ang mga bagay na hindi mo pa nakikita, isa rin itong dahilan kung
bakit nabuo ang ecotourism. Sa pamamagitan nito, malalaman natin ang mga problema o nagiging
problema sa ating kapaligiran. Marami tayong mga hindi pa natutuklasan sa ating kalikasan. Kung hindi
natin ito i-eexplore ay paano natin ito mapoprotektahan. Hindi ba mas maganda na malaman ng ibang
tao na kung gaano kaganda ang kalikasan na meron tayo?

3rd Negative

•Maraming dahilan o di magandang dulot ang ecoturism sa atin at kahit pa na isa isahin natin ito ay
hindi ito mareresolbahan nang ganon lamang at dahil lang sa gusto nating makita at matutunan ang
mga bagay-bagay sa ating kagubatan ang kapalit naman nito ay ang taglay na ganda ng ating
kalikasan. Mas maganda na lang na pabayaan ang ating kalikasan at huwag na itong gambalain upang
ito ay tumagal at umabot pa sa mga susunod na henerasyon. Sabihin na din natin na magkakaroon
tayo ng kaalaman dito pero makakaapekto ito sa likas na yaman sa pamamagitan ng labis na
pagkonsumo. Ito rin ay maglalagay ng napakalaking diin sa lokal na pag gamit ng lupa, at maaring
humantong sa pag guho ng lupa, pagtaas ng polusyon, pagkawala ng natural na tirahan. Dahil dito,
maaari pang mapahamak ang mga turistang gusto lang makita ang kagandahan ng kalikasan. Mas
maganda pa na hayaan na lang na untouched ang ating kalikasan at huwag nang  puntahan ang mga
ito upang maiwasan ang mga ganitong pangyayari.

4th Affirmative

•Isang sustainable practice ang ecotourism dahil malaki ang ambag nito sa ating ekonomiya, lokal na
komunidad at ang kalikasan. Hindi lang naman kalikasan ang pinoprotektahan ng ecotourism, pati na
rin ang mga nakatira dito na mga hayop at mga indigenous people. Mapepreserve natin ang kanilang
mga kultura at mga species ng hayop. Sa pamamagitan nito, ang mga ating iniingat-ingatan ay aabot
pa sa mga susunod na mga henerasyon at matuto rin ang mga ito. Walang perpektong modelo ng
tunay na napapanatiling ecotourism. Kahit na ang pinakanapapanatiling modelo ng ecotourism ay
magkakaroon ng ilang negatibong implikasyon, ngunit ang pinakalayunin ay lumikha ng isang
pangmatagalang napapanatiling plano na nagpapalaki ng mga benepisyo at nagpapaliit ng mga
negatibong epekto. Ang susi ay ang pag-unawa kung paano maaaring magkaroon ng positibo o
negatibong epekto ang iyong presensya, at sikaping suriin ang pinakamaraming positibo hangga't
maaari.

4th Negative

•Sa pangkalahatan, ang mga turista ay hindi karaniwang nakikibahagi sa napapanatiling turismo dahil
sa palagay nila ay hindi sila makakagawa ng pagbabago bilang mga indibidwal. Maraming mga
destinasyon at negosyo ang hindi nagbabanggit ng mga epekto sa turismo sa mga potensyal na
customer dahil natatakot sila na maaaring makahadlang ito sa kanilang paglalakbay. Hindi naman natin
matitiyak na lahat ng mga tao ay kayang matuto na pangalagaan ito. Karamihan kasi ay pumupunta
lang sa mga magagandang lugar tulad ng kagubatan para lang sa pansariling interes. Tulad ng mga
taong gusto lang makita ang kagandahan ng ating kapaligiran at walang intensiyon na matuto. Ang iba
pa ay walang paki-alam sa kanyang kapaligiran. Tapon dito, kuha ng halaman doon at gusto lang
makapag-saya.

You might also like