You are on page 1of 2

AFFIRMATIVE

Ako si (full name) at ito ang aking mga kagrupo, isa ako sa mga sang-ayon na ang ecotourism ay isang
sustainable practices.
*Ang kalikasan ay isa sa mga ating kayamanan. Kung ito ay tatratuhin ng tama, ito ay hindi mawawala.
Dahil sa ganda nitong taglay, mga tao ay hindi maiwasan na puntahan ito o makita. Sino ba naman ang
ayaw ng sariwang hangin at magandang tanawin? Ang paglakbay sa mga gubat o kalikasan ay tinatawag
na ecotourism. Pero ito nga ba ay maituturing isang sustainable practice? 
-Yes, Dahil ang ecotourism ay naglalayon na magbigay ng kaalaman o magturo sa atin sa ating
kapiligiran upang tayo ay magkaroon ng kalinawagan kung ano ang mga nangyayari sa ating kalikasan.
Sa pamamagitan ng ating nalaman na kaalaman ay ma-aalagaan natin ang ating kalikasan.

Isang sustainable practice ang ecotourism dahil makikita natin kung ano ang mga problema sa ating
kapaligiran at dahil dito, masosolusyunan agad natin ito at maaari pang ma-improve ang ating
kapaligiran.

-Hindi lang naman kalikasan ang pinoprotektahan ng ecotourism, pati na rin ang mga nakatira dito na
mga hayop at mga indigenous people. Mapepreserve natin ang kanilang mga kultura at mga species ng
hayop. Sa pamamagitan nito, ang mga ating iniingat-ingatan ay aabot pa sa mga susunod na mga
henerasyon at matuto rin ang mga ito.

Makikita mo ang mga bagay na hindi mo pa nakikita, isa rin itong dahilan kung bakit nabuo ang
ecotourism. Sa pamamagitan nito, malalaman natin ang mga problema o nagiging problema sa ating
kapaligiran at sabi nga niya kanina ay masosolusyunan natin agad ito gamit ang ating mga natutunan o
nakita.

-Marami tayong mga hindi pa natutuklasan sa ating kalikasan. Kung hindi natin ito i-eexplore ay paano
natin ito mapoprotektahan. Hindi ba mas maganda na malaman ng ibang tao na kung gaano kaganda ang
kalikasan na meron tayo?

-Ang ekoturismo ay isang sustainable practice dahil ang ekoturismo ang tumutulong sa pagpapaunlad ng
komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng alternatibong mapagkukunan ng kabuhayan sa lokal na
komunidad na mas napapanatili nito. Tinitingnan ng marami ang ecotourism bilang isang mabubuhay na
paraan upang maprotektahan ang natural na kapaligiran at lumikha ng mga benepisyong panlipunan at
pang-ekonomiya para sa mga lokal na komunidad. Hindi lang tayo matututo dito, makikita rin natin kung
gaano kagaling ang Poong Lumikha.

You might also like