You are on page 1of 4

Lumanlan, Arcadio Francisco A. Grade 7, St.

Tarcisius
Araling Panlipunan:Scaffold 3 August 5, 2019

Panuto : Pumili ng isang environmental campaign sa website na ito

https://brightside.me/article/30-of-the-most-striking-enviromental-campaign-ads-weve-

ever-seen-71205/ , iprint ang napiling larawan at ipaliwanag kung bakit mo napili ang

larawan, Paano pinakita sa larawan ang pangangalaga sa kalikasan ?

Ang aking napiling larawan ay ang ika-23 na larawan sa website.

“Extinction cannot be fixed”


Bakit ito ang napili mo?
Pinili ko ito dahil alam ko ang pagkalipol ng mga hayop ay hindi na maibabalik o
maiaayos dahil ito ay isang permanenteng pangyayari. Napili ko ito dahil marami akong
napagtanto na ito rin ay dahil lang sa atin dahil hindi lang tao ang nadadamay kundi pati
na rin ang mga hayop. Sa mga ginagawa nating walang disiplina, mga paninira sa mga
bahay nila, pagnanakaw sa kanilang mga pagkain, at sa pagpatay sa kanila upang kainin
o gawing disenyo sa bahay at katawan. Dahil lang sa atin kaya sila ay nawawala at nauubos,
at kapag hindi natin dinisiplina ang ating mga sarili, baka pati na rin tayong mga tao ay
permanenteng mawala. Kaya kapag pinagpatuloy natin ang pagsira at pagpatay sa ang
mga insekto, hayop, at halaman, baka ang buong mundo ay mamatay nang dahil din sa
atin. Hindi natin masisisi ang mga hayop at halaman dahil sila lang ang pinakatumutulong
sa pagbibigay-buhay sa ating kalikasan o mundo. Kaya tayo lang ang masisisi kapag nasira
dahil tayo ang may kapakanan kung bakit silang mga hayop ay unti-unting nawawala at
kung bakit nasisira ang ating kapaligiran.

Paano pinakita sa larawan ang pangangalaga sa kalikasan?


Sa aking palagay, hindi naipakita sa larawan ang pangangalaga sa kalikasan dahil
inaayos nito ang isang hayop na nalipol na, kung saan ang ibig sabihin ay hindi
nagtagumpay ang tao sa pangangalaga sa kalikasan na nagdulot nang pagkalipol sa
hayop o pagkasira ng kalikasan. Sa katunayan, pinapahiwatig ng larawan na walang hayop
na nalipol ang babalik sa buhay at maaayos, kung kaya’t dapat ayusin at disiplinahin natin
ang ating mga sarili upang mapatawad tayo ng mga nalipol nating mga hayop dahil ang
tanging magagawa natin ay tulungan ang mga hayop na nanganganib sa pagkalipol.
Matutulungan natin sila sa pagkalipol sa pamamagitan ng pangangalaga sa kalikasan na
siyang tahanan nila at pinagkukuhaan ng makakain sa araw-araw. Ang mga hayop ay
importante sa kalikasan natin dahil sila ang natitirang tumutulong, nagbibigay-buhay, at
nag-aalaga sa ating kalikasan na siyang. Sa karagdagan, tinutulungan nila ang kalikasan
para rin sa kanilang kapakanan dahil imbis na tayong mga tao ang tumutulong sa hayop
at sa kalikasan, tayo ang isa sa dahilan kung bakit unti-unti itong nawawalan ng buhay.
Kung kaya dapat tayo, na mas may isip sa kanila, ang magsilbing buhay nang kalikasan sa
pamamagitan ng pagtatanim ng panibagong puno sa tuwing may puputulin at hindi
pagiging abusado sa kayamanang inihahandog sa atin dahil kapag sinira at binaliwala
natin ang kalikasan, tayo rin ang mawawalan kaya tulungan natin ang mga hayop at ating
kalikasan.

You might also like