You are on page 1of 1

Ang ating kalikasan ay maraming nadudulot sa pang araw-araw nating

pamumuhay.Hindi man natin napapansin ito pero pasalamat tayo at may kinakain
tayong prutas at gulay na galing sa puno at nahahain sa ating hapag kainan isa
din sila sa pumipigil sa paggiba ng mga lupa na nagdudulot ng
landslide,pagbibigay ng malinis na hangin na ating nalalanghap,nagbibigay sa
atin ng papel upang meron tayong masulatan,pagbibigay ng matibay na
pundasyon sa ating tahanan.

Ngunit bakit meron paring mga tao na nagpuputol ng puno kahit na alam nila na
bawal at makakadulot ng disgrasya sa kapwa nila at minsan pati sila ay
nadidisgrasya.Siguro ay sa sobrang pagkagahaman nila sa pera o sa kayamanan
ng ating kalikasan.Isipin ninyo dahil sa mga taong ito na walang takot sa
pagputol ng mga puno nakakaapekto din ito sa ating mga hayop na dapat ay
naninirahan ng maayos at may magandang tirahan pati tuloy sila ay
naaapektuhan at humahantong sa pagkamatay nila.Kung nauubos na ang ating
kalikasan pati ang hayop ay nawawala nadin.

Kaya may mga organisasyon na pumipigil sa mga nangaabuso sa ating inang


kalikasan tulad ng Philippine Federation for Environmental Concern (PFEC) para
masugpo ang mga illegal logers. Mas maganda parin na dapat mismo tayong
mga indibidwal na tao ay magkaroon ng pagmamalasakit sa ating kalikasan
hihintayin paba natin na mawala sila at saka tayo kikilos diba.

Pwede tayong tumulong sa pamamagitan ng pagtatanim at pagbabaon ng mga


dumi ng manok na nagbibigay sa ating kalikasan ng pangpataba at pati ang
ating mga basura na imbis sa kung saan-saan mo ito itapon ay ibaon mo nalang
ito makaktulong pa sa ating kalikasan.Ang sarap pagmasdan ng isang lugar na
sagana sa kalikasan kaya dapat nating ingatan at payabungin.ikaw paano mo
pinahahalagahan ang ating inang kalikasan?Paano ka nakakatulong sa ating
inang kalikasan bilang isang indibidwal na tao?

You might also like