You are on page 1of 1

Photo Essay:

Wala na yatang may mas nakamamangha at katangi-tanging produkto ang nagawa kaysa sa
mga bagay na nabuo ng ating kalikasan. Mula sa iba't-ibang matatayog na punong
nakakapamunga ng mga masasarap na prutas at mahahalimuyak na bulaklak, hanggang sa mga
karagatang punong-puno ng misteryo, at sa mga nabubuhay na mga nilalang dito. Ngunit sa
napakaraming mga nilalang na mga ito, may isa sa kanila ang nakakuha ng pansin dahil sa taglay
nitong nakakatakot na sining.

"Takot" at "ganda" ay dalawang salita na aakalain mong hindi maaring pagsamahin, subalit sa
nilalang na ito maiuugnay mo ang mga salita na ito.

Gagamba, sa oras na maririnig ang salitang ito, madalas may mga taong masisindak lalo na
kapag ito ay maaaninag ng kanilang mga mata. Takbuhan at tilian ang karaniwang susunod na
kaganapan. Iyan ang kalimitang reaksyon ng ibang tao sa takot nila dito. Takot dahil sa mukha
nitong kagimbal-gimbal. Sa anim nitong mga matang tila nakamanman sa lahat na direksyon at
walo nitong mga binti na tila ay manghuhuli at handang pumulupot sa magiging biktima nito.
Takot ng mga tao sa karaniwang paniniwala na ito ay mangangagat at may taglay na lason.

You might also like