You are on page 1of 1

Macatigbac, Kristine Joy M.

BSED III-FILIPINO

PANUNURING PAMPANITIKAN:

PAGPAPALAWAK NG KAALAMAN

1. Bakit mahalaga ang panitikan sa bawat bansa sa daigdig?

Ang panitikan ay mahalaga sa ating mga buhay dahil ito ang naglalarawan sa mga karanasan, kultura, at
tradisyon ng mga sinaunang Pilipino. Dahil dito, maaari nating pag-aralan ang mga pangyayari sa ating
kasaysayan at magamit ang mga aral sa kasalukuyang buhay natin.

2. Bakit dapat pag-aralam ang panitikang Pilipino?


Nararapat na pag-aralan ang panitikan upang mapa-unlad ang kakayahan at kaalaman sa sariling wika.
Kadalasan ng nasasalamin ang ating kultura sa ating mga panitikan. Mga kultura at paniniwala at
pagkakakilanlan bilang isang mamamayan. Ang mga panitikan ay kapupulutan rin ng aral. Mga aral sa
moral at pagiging mabuting tao na maaaring magamit sa tunay na buhay.

3. Bakit may malaking impluwensyang pandaigdig ang panitikan?


May malaking impluwensya ang panitikan, sapagkat natatalakay ng mga akdang pampanitikan ang
kabihasnan, kaugalian, paniniwala, at pamumuhay ng lahing pinanggalingan nito at dahil ang mga tao sa
daigdig ay nagkakaunawaan, nagkakatulungan, at nagkakalapit ang kanilang damdamin.

You might also like