You are on page 1of 12

53

SCIENCE
Kwarter II – Linggo 7
Pangangalaga at Pag-iingat
sa Kapaligiran

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Science - Baitang 3
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter II – Linggo 7: Pangangalaga at Pag-iingat sa Kapaligiran
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda
ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Christine Anne C. Rey


Pangnilalamang Patnugot: Ali Jr. G. Pinzon DComm
Editor: Ali Jr. G. Pinzon DComm
Tagawasto: Ali Jr. G. Pinzon DComm
Mga Tagasuri: Rolando A. Taha EdD, Felisima G. Murcia PhD, Jasmin P. Jasmin PhD,
Ali Jr. G. Pinzon DComm, Meliza O. Regalo, Christine Anne C. Rey,
Rixon E. Medeci, Rona Liza B. Pajimola at Liezl O. Arosio

Tagaguhit: Christine Anne C. Rey


Tagalapat: Christine Anne C. Rey
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Rolando A. Taha EdD, EPS Science
Felisima G. Murcia PhD, District Supervisor
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Panlabas na Tagasuri:
Division Quality Assurance Team: Ronald S. Brillantes, Mary Jane Parcon, Liezl O. Arosio,
Carissa M. Calalin, at Carmencita B. Daculap
Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)
Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Pangalan: Baitang at Seksyon:

Aralin 1
Pangangalaga at Pag-iingat
sa Kapaligiran
MELC:
Recognize that there is a need to protect and conserve the environment (S3LT-II-j16)
Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga paraan ng pangangalaga at pag-iingat sa kapaligiran
2. Nakikilala ang pangangailangan ng pangangalaga at pag-iingat sa kapaligiran
3. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pangagalaga sa kapaligiran

Ating Alamin at Tuklasin

Ano sa palagay mo ang


mangyayari kung puputulin
ng mga tao ang mga
puno?

Ang pagkawala ng mga puno ay magiging sanhi ng pagbaha,


pagguho ng mga lupa, at pagkawala ng mga tirahan ng mga ibon at
iba pang hayop.

Ngayon, tingnan natin ang larawan ng isang batang lalaki na


nagtatapon ng mga basura sa ilog. Ang mga basurang ito ay dadalhin
ng agos sa dagat. Ano kaya ang mangyayari sa mga isdang nakatira
sa ilog? Ano naman ang mangyayari sa dagat?

Maaaring mamatay ang mga isda at


iba pang hayop na nakatira dito dahil
sa polusyon na magiging sanhi ng
pagkaubos ng yamang tubig. Ibig
sabihin nito, mawawalan din tayo ng
pagkain na nagmumula rito.
1
Nakikilala mo ba ang ibong
nasa larawan? Kilala ito sa
tawag na Mynah o Kiao sa
Palawan. Alam mo ba na may
kakayahang matutong
magsalita ang ibon na ito?

Sa kasamaang palad nanganganib nang maubos ang mga ibon na


kagaya ng Mynah o Kiao sapagkat ito ay hinuhuli upang pagkakitaan
sa pamamagitan ng iligal na pagbebenta nito.

Ano-ano kaya ang maaari nating gawin upang mapangalagaan ang


ating kalikasan? Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga maraming
hakbang na puwede nating gawin upang mapangalagaan ang ating
kalikasan:

1. Simulan natin ang pagtatanim ng mga puno


at iba pang halaman upang magkaroon tayo
ng malinis na hangin, mabigyan ng tirahan
ang mga hayop, magkaroon ng sapat na
pagkain ang mga tao, at maiwasan ang
pagbaha.

2. Ugaliin din ang pagtatapon ng basura sa


tamang tapunan. Sundin ang 3R’s- Reduce,
Re-use, at Recycle upang maiwasan at
mabawasan ang pagdami at pagkalat ng
basura na nagdudulot ng polusyon,
Re-use Reduce Recycle pagbaha, at iba’t ibang sakit.

3. Karamihan sa mga hayop na nakatira sa


kagubatan ay unti-unting nauubos at
nanganganib nang mawala. Ang
pangangalaga at hindi paghuli sa mga ito ay
makatutulong upang maiwasan at mapigilan
ang pagkaubos nito.

(Pinagkunan: Arthur DC. Sacatropes et al., Science 3 Teacher’s Guide, Pasig City: Department of
Education-Instructional Materials Council Secretariat, 2015, 115-117.)

2
Tayo’y Magsanay

GAWAIN 1

Panuto: Bilugan ang mga larawan na nagpapakita ng


pagpapahalaga sa mga halaman.

GAWAIN 2

Panuto: Tukuyin ang mga paraan ng pangangalaga at pag-iingat


sa kapaligiran na iyong gagawin. Lagyan ng tsek (3) ang kolum ng
mga bagay na iyong Gagawin at Hindi Gagawin.

Gagawin Hindi ko Gagawin


magkalat ng basura

pagputol ng mga puno


magtanim ng maraming puno

diligan ang mga halaman

alagaan ang mga hayop

tapakan ang mga halaman


pakainin ang mga hayop

pitasin ang mga bulaklak


3
Ating Pagyamanin

GAWAIN 1

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang larawan na nagpapakita ng


pagpapahalaga at pag-iingat sa kapaligiran at ekis ( ) naman sa
nakapipinsala.

4
GAWAIN 2

Panuto: Tulungan ang bata sa larawan sa kanyang gagawin sa


mga basura sa kanyang harapan. Tukuyin sa sumusunod na
sitwasyon ang iyong gagawin? Gumuhit ng ☺ sa patlang bago
ang bilang kung ito ay iyong gagawin at  kung hindi gagawin.

____________1. Tutulungan ko siya na itapon ang mga basura sa


tamang basurahan.

____________2. Ihihiwalay ko ang mga basurang nabubulok at di


nabubulok.

____________3. Aalamin ko ang mga basurang maaring gamitin muli at


sasabihan ang bata na ito ay maaari pang gamitin at
hindi kailangang itapon.

____________4. Wawalisin ko ang mga basura at itatapon sa ilog.

____________5. Tatawag ako ng basurero upang damputin ang mga


basura.

5
Ang Aking Natutuhan
Panuto: Ang sumusunod ay mga paraan upang mapangalagaan
at maingatan ang kapaligiran. Pagtambalin ang mga
pangungusap sa mga larawan na nasa kanan. Pagdugtungin ito
sa pamamagitan ng guhit.

1. Itatapon ang basura sa basurahan.

2. Magtatanim ako ng maraming gulay.

3. Aalagaan ko ang mga hayop.

4. Didiligan ko ang mga halaman.

5. Lilinisin ko ang paligid.

6
Ating Tayahin

Panuto: Basahin ang mga katanungan at isulat sa patlang bago ang


bilang ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod na larawan ang nagpapakita ng pag-iingat sa


kapaligiran?
A. B. C. D.

2. Alin sa sumusunod na larawan ang iyong gagawin upang


mapigilan ang pagkaubos ng mga hayop?
A. B. C. D.

3. Nakita mong maraming nakakalat na basura sa inyong bakuran.


Ano ang iyong gagawin?
A. Hahayaan ko na ibang bata ang maglinis.
B. Kukuha ako ng walis at lilinisan ang aming bakuran.
C. Lilinisan ko saglit para hindi mapagalitan ni Nanay.
D. Hindi ko papansinin ang basura sa aming bakuran.

4. Alin sa sumusunod na gawain ang nagdudulot ng pinsala sa mga


hayop at halaman?
A. pagtatanim ng maraming puno
B. pag-aalaga sa mga hayop
C. pagtatapon ng basura sa ilog at dagat
D. paglilinis ng kapaligiran

5. Bakit mahalagang pangalagaan at ingatan ang ating


kapaligiran?
A. dahil dito tayo kumukuha ng pagkain at ikinabubuhay
B. sapagkat magiging marumi ang paligid
C. upang matayuan ng maraming bahay at pook pasyalan
D. upang malawak ang lugar na maaaring paglaruan

7
Susi sa Pagwawasto

Tayo’y Magsanay Ating Pagyamanin


Gawain 1
Gawain 1

Gawain 2
Gawain 2
Gagawin Hindi Ko Gagawin
magtanim ng magkalat ng basura
maraming puno 1.
alagaan ang mga pitasin ang mga 2.
hayop bulaklak 3.
diligan ang mga tapakan ang mga 4.
halaman halaman 5.
pakainin ang mga pagputol ng mga
hayop puno

Ating Tayahin
Ang Aking Natutuhan
1. A
2. C
3. B
1. Pagtapon ng basura sa basurahan.
4. C
2. Magtatanim ako ng maraming gulay. 5. A

3. Mag-aalaga ako ng mga hayop.


4. Didiligan ko ang mga halaman.
5. Lilinisan ko ang paligid.

8
Sanggunian

Aklat

Sacatropes, Arthur DC, Luz E. Osmeṅa, Michelle H. Guadamor, Aiisa C.


Corpuz, Jennifer M. Rojo, Jennifer A. Tinaja, Job S. Zape Jr., Leni Solutan, John
Fitzgerald Secondes, Neolita S. Sarabia. Science 3 Teacher’s Guide. Pasig
City: Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat,
2015.

9
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at


pamamaraang nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa
iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo


at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap:

Petsa ng Pagbalik:

10

You might also like