You are on page 1of 12

3

SCIENCE
Kwarter II - Linggo 6
Mga Pangunahing Pangangailangan
ng Tao, Halaman, at Hayop

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Science – Grade 3
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter II – Linggo 6: Mga Pangunahing Pangangailangan ng Tao, Halaman, at Hayop
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda
ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Cirlyn Brigitte P. Dela Cruz


Pangnilalamang Patnugot: Ali Jr. G. Pinzon DComm
Editor: Ali Jr. G. Pinzon DComm
Tagawasto: Ali Jr. G. Pinzon DComm
Mga Tagasuri: Felisima G. Murcia PhD, Rolando A. Taha EdD, Jasmin P. Jasmin PhD,
Ali Jr. G. Pinzon DComm, Meliza O. Regalo, Christine Anne C. Rey,
Rixon E. Medeci at Rona Liza B. Pajimula
Tagaguhit: Cirlyn Brigitte P. Dela Cruz
Tagalapat: Cirlyn Brigitte P. Dela Cruz
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Rolando A. Taha EdD, EPS Science
Felisima G. Murcia PhD, PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Mary Jane Parcon,


Liezl O. Arosio, Carissa Calalin, at Carmencita Daculap
Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)
Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Name: Grade & Section:

Aralin 1
Mga Pangunahing Pangangailangan
ng Tao, Halaman, at Hayop
MELC:
• Identify the basic needs of humans, plants, and animals such as air, food, water,
and shelter ( S3LT-IIi-j-14)
• Explain how living things depend on the environment to meet their basic needs
(S3LT-IIi-j-15)

Mga Layunin:
1. Nakikilala ang mga pangunahing pangangailangan ng tao, hayop, at
halaman tulad ng hangin, pagkain, tubig, at tirahan
2. Nailalarawan ang iba’t ibang pangangailangan ng mga bagay na may
buhay
3. Naipaliliwanag kung paano ang mga bagay na may buhay na umaasa ng
kanilang pangunahing pangangailangan sa kapaligiran

Ating Alamin at Tuklasin

Nakakita ka na ba ng bukirin? Ano-ano ang nakikita mo sa isang bukid?


Mayroon ba itong mga
hayop tulad ng nasa
larawan?
Ang mga tao, halaman,
at hayop ay may mga
pangunahing
pangangailangan upang
mabuhay tulad ng
hangin,pagkain, tubig, at
tirahan.
Pag-aralan natin ang
sumusunod na tsart ng
mga pangunahing
pangangailngan ng mga
bagay na may buhay.

1
Sa tsart na ito malalaman mo kung ano-ano ang pangangailangan ng
mga bagay na may buhay sa pamamagitan ng tsek ( ).

Mga nilikhang Hangin Pagkain Tubig Tirahan


may buhay
Tao
Halaman
Hayop

Magaling ang iyong pagsusuri! Alamin natin ang


pangangailangan ng mga nilikhang may buhay.

Kailangan ng tao at hayop ang hangin para


makahinga, gayundin ang halaman para sa
produksyon ng pagkain.

Kailangan din natin ng pagkain na maaaring


manggaling sa halaman o hayop upang tayo’y
manatiling malakas at malusog. Gayundin, ang
hayop ay nangangailangan ng pagkain na
maaaring manggaling sa kapwa hayop o mga
halaman. Nakadepende naman sa tubig at lupa
ang pagkain ng halaman.

Mahalaga din ang malinis na tubig ng ating


iniinom at pinanglilinis ng katawan at kapaligiran.

Ang tirahan ay mahalaga rin. Ito ang


nagsisilbing silungan at proteksyon ng mga
nilikhang may buhay.

(Pinagkunan: Arthur DC. Sacatropes et al., Science 3: Teacher’s Guide, Pasig City: Department of
Education-Instructional Materials Council Secretariat 2015, 112-114.)

2
Tayo’y Magsanay
GAWAIN 1

Panuto: Isulat sa patlang ang mga pangangailangan ng bawat


larawan.

Ang pusa ay Ang halaman Ang bata ay


nauulanan, ay nalalanta, nagugutom,
kailangan nito kailangan nito kailangan niya
ng ___________. ng ____________. ng ___________.

pagkain tubig tirahan

GAWAIN 2

Panuto: Ang Hanay A ay mga pangunahing pangangailangan ng


may buhay. Itambal ito sa Hanay B kung paano ito nakatutulong sa
mga bagay na may buhay.

Hanay A Hanay B

____1. pagkain A. tumutulong upang maging maayos


ang ating kalusugan
____2. tubig B. tumutulong sa produksyon ng pagkain

____3. hangin C. tumutulong upang maging malakas at


hindi magutom
____4. tirahan D. tumutulong upang may masilungan at
magkaroon ng proteksyon

3
Ating Pagyamanin

GAWAIN 1
Panuto: Bilugan ang titik na nagpapakita ng pangunahing
pangangailangan ng sumusunod na larawan.

A. B. C. D.

1. isda
papel tubig araw asin
A. B. C. D.
2. ibon

2. ibon itlog bulak mesa puno


3. bata A. B. C. D.

4.3.aso
bata prutas puno paru-paro papel
A. B. C. D.

5.halaman
4. aso mesa paru-paro asin tubig
A. B. C. D.

3.halaman itlog mesa tubig paru-paro

4
GAWAIN 2

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang pangungusap kung ito ay


nakapagbibigay ng pangangailangan sa mga tao, hayop,
at halaman at ekis (X)kung hindi. Gawing batayan ang larawan.

Ang malalagong halaman at puno ay


nakapagbibigay ng lilim sa mga hayop
at tao.

Makapagbibigay ng pagkain.

Magkakaroon ng tirahan ang mga


insekto at iba pang hayop.

Walang sariwang hangin na


malalanghap.

5
Ang Aking Natutuhan

Panuto: Kompletuhin ang graphic organizer, isulat ang


mga pangangailangan ng mga bagay na may buhay,
gamiting gabay ang mga larawan.

Mga Pangangailangan
ng mga Bagay na may Buhay

tao, halaman, at hayop

6
Ating Tayahin

Panuto: Basahin ang mga katanungan at bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1. Ano ang pangunahing pangangailangan ng tao, halaman, at


hayop?
A. hangin, lupa, at tubig C. hangin, pagkain, at tirahan
B. hangin, pagkain, at mineral D. hangin, pagkain, at prutas

2. Alin sa sumusunod ang isa sa pangunahing pangangailangan ng tao


at hayop na makukuha sa halaman?
A. pagkain C. tubig
B. papel D. tsokolate

3. Magkakapareho ba ang pangunahing pangangailangan ng tao,


halaman, at hayop?
A. “Opo, dahil parehas silang may mga buhay.”
B. “Opo, dahil nakatira sila sa iisang lugar.”
C. “Hindi po, dahil magkaiba ang tao, halaman at hayop sa mga
pangangailangan.”
D. “Hindi po, dahil ang tao, halaman, at hayop ay hindi rin
magkakapareho ng gusto.”

4. Bakit kailangan ng tao at hayop ng tirahan?


A. upang makahinga sila
B. upang may masilungan at proteksyon
C. upang hindi sila mauhaw
D. upang may malaruan sila

5. Bakit kailangan nating protektahan at pangalagaan ang ating


kapaligiran?
A. para sa kapayapaan at katahimikan ng mundo
B. para maging maayos at maganda ang paligid
C. para pahingahan ng mga tao at hayop
D. para matugunan ang pangunahing pangangailangan ng tao,
hayop, at halaman

7
Susi sa Pagwawasto

Tayo’y Magsanay Ating Pagyamanin


Gawain 1 Gawain 1
Ang halaman ay kailangan ng 1.B
1. tirahan 2.D
2. tubig 3.A
3. pagkain 4.D
5.C

Gawain 2 Gawain 2
1.C Ang malalagong halaman at puno
2. A ay nakapagbibigay ng lilim sa mga
3. B hayop at tao.
4. D Makapagbibigay ng pagkain.
Magkakaroon ng tirahan ang mga
insekto at iba pang hayop.
X Walang sariwang hangin na
malalanghap.

Ang Aking Natutuhan Ating Tayahin

1.C
Mga Pangangailangan 2. A
ng mga Bagay na May 3. C
Buhay 4. B
TAO, HALAMAN AT HAYOP 5. D

hangin tirahan

pagkain tubig

8
Sanggunian

Aklat

Sacatropes, Arthur DC, Luz E. Osmeṅa, Michelle H. Guadamor, Aiisa C.


Corpuz, Jennifer M. Rojo, Jennifer A. Tinaja, Job S. Zape Jr., Leni Solutan, John
Fitzgerald Secondes, Neolita S. Sarabia. Science 3: Teacher’s Guide. Pasig
City: Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat,
2015.

Sacatropes, Arthur DC, Luz E. Osmeṅa, Michelle H. Guadamor, Aiisa C.


Corpuz, Jennifer M. Rojo, Jennifer A. Tinaja, Job S. Zape Jr., Leni Solutan, John
Fitzgerald Secondes, Neolita S. Sarabia. Science 3: Kagamitan ng Mag-aaral.
Pasig City: Department of Education-Instructional Materials Council
Secretariat, 2015.

9
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito ang


iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at


pamamaraang nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa
iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo at


pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap :

Petsa ng Pagbalik :

You might also like