You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF NUEVA ECIJA
PULONG BAHAY ELEMENTARY SCHOOL

School PULONG BAHAY ELEMENTARY Grade Level Ikatlong Baitang


Teacher MARIA CORAZON S. TALAO Learning Area Science
Date & Time JANUARY 08, 2024 Quarter 2 - Week 8

I. Layunin
A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay inaasahan na makilala ang mga
Pangnilalaman pangunahing pangangailangan mg tao, halaman at hayop tulad ng
hangin, tubig at tirahan.

B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay inaasahan na masabi ang mga pangunahing


Pagganap pangangailangan mg tao, halaman at hayop tulad ng hangin, tubig
at tirahan.

C. Mga Kasanayan Mga Layunin:


sa Pagkatuto
Nakikilala ang mga basic na pangangailangan ng tao, halaman,
(Isulat ang code at hayop tulad ng hangin, tubig at tirahan.Melc no 12
sa bawat
kasanayan ● Kaalaman: Maipaliwanag kung paanong ang mga bagay na
may búhay ay nangangailangan ng kaniyang kapaligiran
upang makuha ang basic na mga pangangailangan

● Kasanayan: Makilala ang kahalagahan ng pangangailangan


na maprotektahan at mapanatili ang kaayusan ng
kapaligiran.

● Pandamdamin: Napapahalagahan ang mga bagay na may


buhay ay nangangailangan ng kaniyang kapaligiran upang
makuha ang basic na mga pangangailangan

II. NILALAMAN Pagkilala sa mga Basic na Pangangailangan ng Tao, Halaman at


Hayop
(Subject Matter)
III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian
B. Iba pang Powerpoint presentation, mga larawan, tsart, drill board,
Kagamitang https://www.youtube.com/watch?v=ZPE3Ldk3g3k
Panturo
https://www.youtube.com/watch?v=bH5ZLApREWo
IntegrasyonF: Filipino, ICT, Math
Pamamaraan: INTEGRATIVE APPROACH/ Scaffold-Knowledge
lntegratjon

IV. PAMAMARAAN GAWAIN


A. Balik –Aral sa
nakaraang Aralin o
A. Kumustahan- Kumustahan song
pasimula sa bagong
https://www.youtube.com/watch?v=ZPE3Ldk3g3k
aralin
(Drill/Review/ B. Balik-aral: Gamit ang mga na plaskard, ipakita ang
Unlocking of kung tama o mali ang paglalarawan ng pisikal na katangian
difficulties) ng mga ay búhay na naipapasa sa kanilang mga supling.

1. Ang mga halamang nagmula sa binhi o buto ay may


katulad na hugis ng dahon at bunga sa kanilang mga
halamang magulang.

2. Ang mga hayop na nangingitlog katulad ng paruparo at


palaka ay iba ang anyo nang isinilang hanggang ito ay
lumaki.

3. May pagkakatulad sa pisikal na anyo ang mga anak sa


tatay o nanay.

4. Ang mga hayop gaya ng aso, pusa, at ibon ay


nakapagpapasa ng mga pisikal na katangian tulad ng
kulay ng mga mata, balahibo, at hugis ng katawan sa
kanilang mga supling.

5. Hindi naipapasa ng mga tao at hayop ang katangiang


pisikal sa kanilang supling.
.
B.Paghahabi sa
layunin ng aralin
Pagbuo ng mga larawan.
(Motivation)

Ano ano ang inyong nabuong larawan ?

Hayaang maipakita na bawat pangkat ang nabuong larawan at


masabi ang pangalan nito?

Mahalaga ba ito sa atin ?

Ipanood ang video ng mga pangangailangan ng tao, halaman at


C. Pag- uugnay ng
mga halimbawa sa hayop upang mabuhay.
bagong aralin
(Presentation)
Ano ano ang mga kailangan ng tao upang mabuhay?

Ano ano naman ang kailangan ng mga hayop upang mabuhay ?

Ano ano naman ang mga kailangan ng halaman par mabuhay ?

Mahalaga ba ang ating kapaligiran para matugunan ang ating


pangunahing pangangailangan ?

D. Pagtatalakay ng Ang lahat ng may búhay gaya ng tao, hayop, halaman, at ilang
bagong konsepto organismo na kayang makagawa ng sariling pagkain ay nanatiling
at paglalahad ng
bagong kasanayan búhay hanggat ang kaniyang mga pangangailangan sa kapaligiran
No I (Modeling) ay maayos at balanseng natutugunan, at ligtas sa sakit o
karamdaman at anumang sakuna na maaaring makasira o
makamatay rito.

Ang kapaligiran ay tumutukoy sa likás na mundo o mga bagay na


nakaaapekto sa mga gawain ng mga halaman, mga hayop, at mga
tao. Nagbibigay ito ng mga pangangailangan ng mga bagay na may
búhay.

Ang halaman ay halimbawa ng bagay na may búhay na gumagawa


ng sariling pagkain. Hindi kumakain ang mga ito tulad ng mga
hayop at mga tao ngunit kailangan nila ng mga mapagkukunan
mula sa kapaligiran upang gumawa ng sariling pagkain. Kailangan
ng mga halaman ng sikat ng araw, hangin, tubig, at lupa.
Ang mga luntiang dahon ng mga halaman ay nakakagawa ng
pagkain gamit ang enerhiya mula sa sikat ng araw, carbon dioxide,
at tubig.

Ang mga ugat ng halaman ay kailangang sumipsip ng tubig at


mineral mula sa lupa na dadalhin sa mga tangkay at mga dahon
upang patuloy na mabuhay at dumami.

Ang mga hayop ay nangangailangan din ng mga nakukuha mula sa


kapaligiran upang mabuhay. Nakadepende sila sa mga halaman
para sa pagkain. May ibang hayop na halaman lámang ang
kinakain, samantalang ang iba, lalo na ang malalaki at mababangis
sa kagubatan ay kumakain ng maliliit na hayop. Nagsisilbing
tirahan ng mga hayop ang mga punò at matataas na damo.

Ang yamang-tubig gaya ng mga isda ay nabubuhay sa angkop na


anyong tubig bílang tirahan na kanilang ginagalawan at
pinagkukunan ng pagkain.

Ang mga hayop, halaman at tao ay nakadepende sa kanilang


kapaligiran para sa kanilang mga pangangailangan.

E. Pagtatalakay ng Pangkatang Gawain :


bagong konsepto at
Pangkat I – Iguhit ang mga basic na pangangailangan ng tao,
paglalahad ng
halaman at hayop sa manila paper at ipaskil sa pader.
bagong kasanayan
No. 2.

( Guided Practice) Pangkat II- Hanap Salita- Hanapin sa word puzzle ang mga basic na
pangangailangan ng tao, halaman at hayop.
Pangkat III – Diorama- Gamit ang mga luwad o clay gumawa o
bumuo ng basic na panganagilangan ng tao. Halaman at hayop.

Pangkat IV- Gamit ang concept map, isa -isahin ang mga kailangan
ng tao, halaman at hayop para mabuhay.

F. Paglilinang sa
Kabihasan
Hanapin ang mga basic na pangangailangan ng tao, halaman at
(Tungo sa
Formative hayop sa snake at ladder.
Assessment
( Independent
Practice )

G. Paglalapat ng
aralin sa pang araw
Maraming tanim na halaman ang inyong nanay, isang araw Nakita
araw na buhay
(Application/ mo na nalalanta na sila dahil tuyong tuyo na ang lupa at hindi na

Valuing) rin ito nasisinagan ng araw. Ano ang gagawin mo ?

H. Paglalahat ng Ano ano ang mga basic na pangangailangan ng tao, halaman at


Aralin hayop para mabuhay ?
(Generalization)

V. Pagtataya ng Isulat ang salitang Tama kung ang konsepto na may salungguhit ay
Aralin wasto at Mali kung hindi wasto.

_______1. Ang síkat ng araw ang pangunahing pinanggagalingan ng


enerhiya ng mga hayop, halaman, at tao.

______ 2. Ang mga hayop at halaman ay gumagamit ng síkat ng


araw sa paggawa ng pagkain.

_______ 3. Nakakagawa ng pagkain ang halaman sa tulong ng síkat


ng araw at mga sangkap gaya ng carbon dioxide at tubig.

_______ 4. Kailangan ng mga mababangis na hayop ang kagubatan


bílang kanilang tirahan.

________5. Ang lahat ng mga bagay na may búhay ay


nangangailangan ng tubig.

IV. Karagdagang Gumuhit ng isang larawan na nagpapakita ng pagsasabi ng totoo.


gawain para sa Isulat kung ano ang ginagawa ng nasa larawan.
takdang aralin

Prepared by:
MARIA CORAZON S. TALAO
TEACHER I

Checked by:
NEOME G. TADIQUE
MASTER TEACHER II
Noted by:
GEMAYEL R. TADIQUE
HEAD TEACHER III

You might also like