You are on page 1of 9

CODE SCIENCE3Q4W2

GRADES 1 to School Grade Level 3 Quarter FOURTH


12 DAILY Teacher Learning Area SCIENCE
LESSON PLAN Teaching Date and Time

The learners demonstrate understanding of people, animals, plants,


A. Pamantayang Pangnilalaman lakes, rivers, streams, hills, mountains, and other landforms, and their
importance
I. OBJECTIVES

The learners should be able to express their concerns about their


B. Pamantayan sa Pagganap
surroundings through teacher-guided and self –directed activities
The learners should be able to:
 Relate the importance of surroundings to people and other living
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto things (S3ES-IVc-D-2).
-Naiuugnay ang kahalagahan ng kapaligiran sa tao, hayop, at sa lahat
ng may buhay. (S3ES-IVc-D-2)
LAYUNIN Nailalarawan ang mga bagay tungkol sa kapaligiran at ang
kahalagahang nagagawa nito sa tao at s aiba pang may buhay.
NILALAMAN Mga Kahalagahan Ng Kapaligiran Sa Tao At Sa Iba Pang May Buhay
1. Mga pahina ng Gabay ng
Guro Science 3 Gawaing Pagkatuto Quarter 4
2. Mga pahina ng
III. LEARNING RESOURCES

A. SANGGUNIAN

Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga Pahina sa teksbuk
Science 3 Kagamitan ng Mag-aaral pp. 150

4. Karagdagang Kagamitan
mula sa portal ng https://www.youtube.com/watch?v=rC4UCkZMZIQ
Learning Resources (LR)
B. Iba pang kagamitang panturo pictures, cartolina strips
(Magpapakita ang guro ng larawan ng kapaligiran.)

A.Balik-Aral sa nakaraang aralin


at/o pagsisimula ng bagong aralin Itanong:
1.Ano nga muli ang tawag sa larawang ito?
2. Ano-ano ang makikita sa larawang ito ng kapaligiran?

PANIMULANG GAWAIN
Pangkatin ang mga bagay sa larawan ayon sa kanilang
kinabibilangan. Isulat ang kanilang pangalan sa tamang hanay.
IV. PROCEDURES

Mga Bagay na May Buhay Mga Bagay na Walang Buhay

(Magpapaskil ang guro ng larawan ng mga bagay na may buhay.)

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Itanong :
1. Ano-ano ang nakikita ninyo sa larawan?
2. Saan nabibilang ang mga ito? Sa mga May Buhay o sa
Walang Buhay?

Sabihin: Paano kaya sila nabubuhay? Ano-ano kaya ang mga


pangangailangan na kailangan nila sa pang-araw araw?
C.Pag-uugnay ng mga halimbawa (Magpapakita ang guro ng larawan ng paaralan.)
sa bagong aralin
Itanong :
1. Ano-ano ang makikita sa larawan?
2. Ano nga muli ang pangalan ng inyong paaralan?
3. Anong ginagawa ng batang mag-aaral na katulad mo sa
paaralan?
4. Anong ginagawa ng batang mag-aaral na katulad mo sa
paaralan?
5. Ano-ano ang mga kailangan mo sa pag-aaral?
6. Sino ang nagbibigay ng mga kailangan ninyo sa pag-aaral?
Sabihin: Paano kaya natutugunan ng mga magulang ninyo ang
pangangailangan ninyo sa pag-aaral? Saan kaya sila kumukuha?
Halina’t alamin natin!

D.Pagtalakay ng bagong Itanong:


konsepto at paglalahad ng Ano nga uli ang ibig sabihin ng Kapaligiran? (Ang kapaligiran ay
bagong kasanayan #1
binubuo ng mga may bagay na may buhay at walang buhay).

Sabihin: Ngayong araw na ito ay pag-aaralan natin ang mga


kahalagahan ng kapaligiran sa tao at sa iba pang may buhay.

MGA KAHALAGAHAN NG KAPALIGIRAN SA TAO AT SA


IBA PANG MAY BUHAY

1.Nagsisilbing Pangunahing Tirahan


Ang mga tao ay nakatira sa bundok, kapatagan o tabing-dagat.
May mga hayop na nakatira sa kagubatan, disyerto,
kabundukan, karagatan, at iba pang bahagi ng katubigan.
2. Napagkukunan ng Pagkain
Ang isda, gatas , itlog at keso ay mula sa hayop na mayaman sa
protina.
Ang mga prutas at gulay din na galing sa mga halaman ay
mayaman sa bitamina, mineral , carbohydrate, fiber, at taba.

(Ipakanta sa bata ang “ Bahay Kubo” at ipatukoy ang mga gulay na nabanggit
sa kanta.)
3. Napagkukunan ng mga Kasuotan at Kagamitan
Mula sa balat ng hayop kagaya ng ahas, buwaya at tupa ay
maaaring makabuo ng sinturon, bag, sapatos at damit.
Ang fiber ng pinya, abaca, saging, at water lily ay maaaring
gawing kasuotan, tsinelas, sombrero , at food tray.
Ang troso ay ginagawang kasangkapan sa ating tahanan tulad ng
mesa, kama at cabinet na gawa sa kahoy.

E. Pagtalakay ng bagong
(Magpapaskil ang guro ng tsart at ididikit ng mga bata ang mga
konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2 larawan ng kahalagan ng kapaligiran sa tao at sa iba pang may
buhay sa hanay na kinabibilangan ng mga ito.

Tirahan Pagkain Kasuotan at


Kagamitan

E. Paglinang ng Kabihasaan GAWAING PAGKATUTO 1


( tungo sa Formative
Assessment )
Idikit si sa patlang kung ang pangungusap ay nagpapakita

ng kahalagahan ng kapaligiran at si

naman kung hindi.

_____________1. Ang kapaligiran ay nagsisilbing tirahan ng mga tao,


hayop at halaman.
_____________2. Napagkukunan ng troso ang kapaligiran na
ginagawang kasangkapan sa ating tahanan tulad ng mesa, upuan, kama
at cabinet na gawa sa kahoy.
_____________3. Walang maidudulot na mabuti ang kapaligiran sa
mga tao.
_____________4. Napagkukunan ng pagkain ang mga hayop katulad
ng isda, keso at gatas.
_____________5. Hindi sa kapaligiran nakakakuha ng kasuotan ang
mga tao.

PANGKATANG GAWAIN
(Bibigyan ng guro ang mga bata ng mga larawan. Bawat pangkat
ay may nakatalagang gagawin.)

Pangkat 1
Ikahon ang mga tirahan na ibinibigay ng kapaligiran sa mga tao at
sa iba pang may buhay.

Pangkat 2
Bilugan ang mga pagkain na ibinibigay ng kapaligiran sa mga tao
at sa iba pang may buhay.

Pangkat 3
Pusuan ang mga kasuotan at kagamitan na ibinibigay ng
kapaligiran sa mga tao at sa iba pang may buhay.

Itanong:
Ano nga ulit ang kapaligiran?
Ano nga ulit ang tatlong pangunahing halimbawa ng bagay na
may buhay?
Ano nga ulit ang mga kahalagang naibibigay ng kapaligiran?
G. Paglalahat ng Aralin
Sabihin:Tandaan, ang mga bagay na may buhay gaya ng tao, hayop at
halaman ay umaasa sa mga bagay sa kapaligiran para sa kanilang
pangangailangan. Ang pangunahing pangangailangan ng tao, hayop at
halaman ay tirahan, pagkain at kasuotan.

H. Paglalapat ng aralin sa pang- Basahin at unawain ang sumusunod na kuwento.


araw-araw na buhay Ang magkapatid na Ben at Jane ay maswerte sapagkat sila
ay nakakakain araw-araw ng masusustansiyang pagkain tulad ng
karne, isda, gulay at prutas. Nakatira sila sa maayos at malaking
bahay. Mayroon rin silang mga magagandang damit, sapatos at
gamit sa paaralan. Dahil dito, sila ay laging nagpapasalamat sa
Diyos sa mga biyayang kanilang natatanggap. Naging aktibo rin
sila sa paglahok sa mga Clean Up Drive at Tree Planting sa
kanilang pamayanan kung kaya’t malinis ang kanilang paligid.
Gusto nilang pangalagaan ang kapaligiran dahil alam nilang ito
ang nagbibigay sa kanila ng mga pangangailangan nila sa araw-
araw.

Itanong:
1. Ayon sa kuwento, bakit maswerte ang magkapatid na Ben at
Jane?
2. Katulad rin ba kayo nina Ben at Jane na may nakakakain araw-
araw, may tinitirhan na bahay at may mga magagandang damit,
sapatos at gamit sa paaralan?
3. Kayo rin ba ay nagpapasalamat sa Diyos araw-araw dahil sa
mga biyayang inyong natatangggap?

(Magpapakita ang guro ng dalawang larawan ng kapaligiran.)


Itanong:
1. Sina Ben at Jane ay nakatira sa unang larawan. Nanaisin mo rin
bang tumira sa tirahan nila? Bakit?
2. Tutularan mo rin ba sila? Lalahok ka rin ba sa Clean Up Drive
at Tree Planting? Bakit?
3. Dapat nga ba talaga nating pangalagaan ang kapaligiran? Bakit?

PAGTATAYA
Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng kapaligiran sa tao at
sa ibang may buhay.Isulat sa patlang ang T kung ang pahayag ay
tumutukoy Tirahan, P kung sa Pagkain, at K kung sa Kasuotan at
Kagamitan.
_______1. hipon at pusit
_______2. upuan
_______3. ilog
I. Pagtataya ng Aralin _______4. mga katubigan
_______5. basket
_______6. kapatagan
_______7. papaya at pinya
_______8. okra at kalabasa
_______9. tabing-ilog
_______10. pitaka

J. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin:


takdang aralin at remediation
Pangkatin ang mga bagay na nasa kahon ayon sa kanilang
kinabibilangan. Isulat ang kanilang pangalan sa tamang hanay sa
graphic organizer.
V. REMARKS

A. No. of learners who earned 80%


in the evaluation

B. No. of learners who require


additional activities for
remediation
C.Did the lesson work? No. of
learners who have caught up w/
the lesson
VI. REFLECTION

D.No. of learners who continue to


require remediation

E. Which of my teaching strategies


worked well? Why did these
work?
F. What difficulties did I encounter
which my principal or supervisor
can help me solve?
G.What innovation or localized
materials did I use/discover
which I wish to share with other
teachers?
PROCEDURES NOTES / SUGGESTIONS / RECOMMENDATIONS
A. Reviewing previous lesson
or presenting the new
lesson

B. Establishing a purpose for


the lesson

C. Presenting
examples/instances of the
new lesson

D. Discussing new concepts


and practicing new skills #1

E. Discussing new concepts


and practicing skills #2

F. Developing mastery

G. Making generalizations and


abstractions about the
lesson

H. Finding practical
applications of concepts
and skills in daily living

I. Evaluating learning

J. Additional activities for


application or remediation

You might also like