You are on page 1of 5

Grade Level: Three

Quarter: Second
Subject: Science

ENRICHMENT ACTIVITIES

Competency: Explain how living things depend on the environment


to meet their basic needs-S3LT-IIi-j-15

Introduction:

Ang ating kapaligiran ay binubuo ng mga bagay na may buhay at bagay na walang
buhay. Ang sikat ng araw, tubig , lupa, hangin ay mga bagay na walang buhay at bahagi ng
kapaligiran ay nakatutulong sa mga halaman upang mabuhay. Ang mga halaman naman ang
pinagkukunan ng ilang mga hayop ng pagkain. Kung wala ang mga halaman at wala ang mga
hayop magiging imposible para sa mga hayop at mga tao ang mabuhay. Lahat ng mga bagay
na may buhay ay umaasa sa kaniyang kapaligiran para sa kanilang mga pangangailangan
gaya ng pagkain, tubig at tirahan. Ang lahat ng mga pangyayari sa kapaligiran, natural man o
gawa ng tao ay nakaaapekto sa mga bagay na may buhay at walang buhay.

Springboard:

Si Mang Ambo ay nabiyayaan ng malawak at matabang lupa na kanyang ginagamit


bilang sakahan. Nagtatanim siya ng mga palay at minsan naman ay mais. Maganda ang
kaniyang mga nagiging aning mais lalo pa kung umuulan at may tamang sikat ng araw.
Noong nagsimula ang tag-ulan, nakapagtanim siya ng mais at ilang linggo na lamang ay
pwede na itong anihin. Nagpapasalamat siya sa magandang panahon na siya lamang
inaasahan ng lahat mga mga mag-sasaka na gaya niya.

Activities:

EASY: (10 items)

Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Paano nagkaroon si Mang Ambo ng masaganang ani ng mais?


a. dahil sa matabang lupa
b. dahil sa maagang umulan
c. dahil sa magandang butil ng mais
d. dahil sa matabang lupa, tamang sikat ng araw at ulan
2. Ano kaya ang mangyayari kung ang inaasahang ulan ni Mang Ambo ay hindi dumating?

a. hindi siya makakapgtanim ng palay


b. hindi mabubuhay ang kaniyang mga mais
c. Magigng masagana ang kaniyang aning mais
d. Magiging maganda pa rin ang aning mais ni Mang Ambo
3. Ang mga damo sa paligid na kinakain ng mga hayop ay nangangailanagn din ng tubig, hangin
(carbon dioxide) at sikat ng araw. Ano ang kinakain ng karaniwang bukid sa hayop gaya ng
baka at kambing?
a. tirang pagkain
b. feeds na nabibili
c. damo sa paligid
d. mga prutas at gulay

4. Naging mahaba ang tag-init sa barangay. Si Mang Larry na may alagang hayop ay
nahihirapan sa pagpapakain ng kaniyang mga alagang baka. Bakit kaya?
a. sapagkat magiging masukal sa paligid
b. sapagkat dadami ang mga insekto sa paligid
c. sapagkat lalago ang mga halaman sa buong kapaligiran
d. sapagkat matutuyo ang mga damo sa paligid na kailangan ng hayop

5. Ang mga damo na kinakain ng mga hayop ay madaling mabuhay at magparami ngunit bakit
kaya walang tumutubong damo sa silong ng mga bahay?
a. sapagkat madilim
b. sapagkat laging basa
c. sapagkat walang tubig
d. sapagkat hindi nasiskatan ng araw

6. May malaking puno ng mahogany si Mang Larry, nangangailanagn siya ng kahoy upang
ipagpagawa ng nasirang haligi ng kanilang bahay. Wala siyang pera, ano ang kaniyang
pwedeng gawin?
a. wala siyang gagawin
b. putulin ang puno at gamitin ang kahoy nito
c. hayaang masira nang tutuyan ang haligi ng bahay
d. mangutang muna sa kapitbahay para makabili ng kahoy

7. Ang mga ibon ay mabubuhay sa kagubatan, linisin ang mga kagubatan at patayuan ng mga
bahay, unti-unti na rin Nawala ang mga ibon. Bakit kaya?
a. Sapagkat nawla na rin ang kanilang tirahan
b. Sapagkat Nawala ang kanilang mga bahay
c. Sapagkat wala na sila makain
d. Lahat nang nabanggit

8. Nakakita ng damo sa itaas ng bubong si Tasya. Bakit kaya nabuhay ang damo doon?
a. sapagkat inalaagan iyon ng kanyang inay.
b. sapagkat nagtanim sadya doon ang kaniyang nanay

c. sapagkat ang araw at ulan ay sapat na upang tumubo ang damo sa bubong
d. sapagkat ang kaunting gabok, ang hangin, sikat ng araw at ulan ay nakatulong upang
makabuhay ng halaman o damo
9. Si Mang Ambo kagaya ng karamihan ay nagtatanim ng mga halaman. Ano ang
pinakamahalagang maibibigay ng halaman sa tao?
a. libangan
b. pagkakakitaan
c. magandang kapaligiran
d. pagkain at malinis na hangin
10. Ano ang maaaring mangyari sa mga tao kung sakaling wala nang tumubong mga halaman at
puno?
a. walang makakakain ang mga tao
b. mabubuhay ng malusog ang mga tao
c. Aasa na lamang ang mga tao sa pagkaing maggagaling sa hayop
d. Ang mga toa at maging mga hayop ay unti unting manghihina at mamamatay.

AVERAGE: (10 items)

A.Isulat kung Tama ang isinasaad ng mga pangungusap at Mali kung hindi.

________1. Mahalaga ang mga halaman sa mga tao at hayop.


________2. Tubig, hangin, sikat ng araw ay mahalaga upang mabuhay ang mga
halaman.
________3. Sapat na ang mga hayop upang mabuhay ang mga tao.
________4. Kung walang halaman, mabubuhay pa rin naman ang mga tao at mga
hayop.
________5. Bukod sa pagkain, ang mga puno ay nagbibigay ng materyales na magagamit sa paggawa
ng kanilang bahay.
________6. Ang halaman ay nagbibigay ng oxygen (hanigng ating nilalanghap) upang tayo ay
mabuhay.
B. Ang mga halaman ay isang mahalagang pinagkukunan ng pagkain, tirahan ng mga tao at mga
hayop. Lagyan ng check (√) ang mga bagay sa kapaligiran na makatutulong sa halaman upang ito ay
mabuhay. ( 3 points)

DIFFICULT: (5 items)

Ang mga hayop ay namumuhay sa sa iba’t ibang klaseng kapaligiran, sa dagat, sa bukid o sa
kagubatan. Ang mga hayop na ito ay hindi umaasa sa mga tao upang mabuhay. Malaki ang nagagawa
ng kapaligiran sa kanilang patuloy na paglaki, pagdami at pananatiling buhay kaya nararapat lamang
na alagaan at huwag sisirain ang ating kapaligiran sapagkat marami ang maapektuhan kung sakaling
masira ito.
Tingnan ang larawan sa ibaba. Ano sa palagay mo ang mga pangangailangan ng isang
bayawak at patuloy silang nabubuhay sa kagubatan?
_________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

CLINCHER; (5 items)

Basahing mabuti ang mga sumusunod na pangungusap at subukang sagutin ang mga sumusunod.

1. Maraming mga tao ang umaasa sa mga halamang gamot na makikita sa kapaligiran kagaya ng
bayabas, lagundi at oregano. Magbigay ng halamang gamot na makatutulong upang maibsan
ang lagnat.
2. Ang tao ay nangangailangan ng protina na maaaring ibigay ng mga halaman at hayop. Anong
pagkain na galing sa hayop ang magandnag pagkunan ng gatas at keso?
3. Ang mga puno ay pinagkukunan natin ng mga kahoy na ginagamit na kasangkapan sa ating
bahay. Magbigay ng klase ng nag puno na may matibay na kahoy at kalimitang ginagamit sa
paggawa ng mga kasangkapan sa bahay.

4. Ang kasuotan ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng tao. Ang halaman na ito ay
nagbibigay ng masarp na prutas at mga dahon na mapagkukunan ng hibla sa paggawa ng
Barong Tagalog.
5. Anong insekto ang nagbibigay ng sa atin ng silk mula sa kanilang cocoons ginagamit sa
paggaw ng damit.

Prepared by:

MARYGRACE S. MATIBAG
Teacher III/Paaralang Elementarya ng Banaybanay
Checked by:

Name of Checker
Designation/School

Noted:

District Subject Coordinator


Designation

Approved:

LUISITO P. DE CASTRO, Ed.D


Public Schools District Supervisor

You might also like