You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region lll – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
CALAWITAN ELEMENTARY SCHOOL

Ikaapat na Markahang Pagsusulit


Science 3
Pangalan: _________________________________________________ Iskor: __________________
Baitang at Seksyon: _________________________________ Petsa: _________________

I. Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang klase nila Mark kay Gng. Santos, ay pinagdadala ng mga bagay na liquid na matatagpuan sa kanilang tahanan, alin sa mga
sumusunod ang dapat niyang dalhin?
A. patis, suka, luya, toyo
B. lotion, cologne, alcohol, baby oil
C. alcohol, shampoo, suklay, bimpo
D. fruit juice, chocolait, fresh milk, prutas
2. Inayos ni Carlo ang mga bagay sa mesa ng guro, pinagsama-sama niya ang mga bagay na may kulay dilaw, Anong katangian ng
solid ang kanyang ginamit?
A. ayon sa hugis B. ayon sa kulay C. ayon sa laki D. ayon sa tekstura
3. Alin sa mga sumusunod ang tamang katangian ng gas.
A. ang gas ay may hugis C. and gas ay may kulay
B. ang gas ay matigas D. ang gas ay may kakayahang gumaya ng hugis
4. Ang iyong _____ ay ginagamit upang malasahan kung ang mga paborito mong pagkain ay matamis, maalat, mainit, malamig,
masarap, o hindi masarap. Anong organong pandama ang tinutukoy?
A. dila B. mata C. ilong D. balat
Pagmasdan ang larawan, sagutin ang mga tanong.

5. Ang palaka ay makikita ______ ng tambak ng lupa.


A. sa ilalim B. sa ibabaw C. sa likod D. sa gilid
6. Ang mga ulap ay makikita _____________ ng bundok.
A. sa ibabaw B. sa harap C. sa likod D. sa ilalim
7. Ang kabayo ay makikita ____________ ng kamalig.
A. sa loob B. sa gilid C. sa itaas D. sa ilalim
8. Ang aso ay makikita __________ ng lalaki.
A. sa loob B. sa gilid C. sa itaas D. sa ilalim
9. Ang araw ay nakaposisyon __________ ng dalawang bundok.
A. sa gitna B. sa likod C. sa itaas D. sa gilid
10. Ano ang tawag sa kondisyon ng atmospera sa isang natatanging pook sa
loob ng nakatakdang oras?
A. klima B. panahon C. ulap D. ulan
11. Ang ice o yelo ay isang halimbawa ng matter na sumasailalim sa proseso ng ____________.
A. freezing B. melting C. sublimation D. condensation
12. Ito ay halimbawa ng pagbabagong nagaganap sa matter mula sa solid nagiging liquid?
A. yelo - ice tubig B. kumukulong tubig – usok C. kandila - floor wax D. bato – buhangin
13. Anong halimbawa ang nagpapakita ng proseso ng evaporation?
A. kumukulong tubig C. tubig na inilagay sa freezer
B. mantikilyang natutunaw sa init ng apoy D. pagbuhos ng ulan
14. Ang mga tao, hayop at halaman ay living things samantalang ang mga bato at kagamitan ay non-living things. Ano ang
pagkakaiba ng living things at non-living things?
A. Ang living things ay may buhay samantalang ang non-living things ay walang buhay.
B. Ang living things ay lumalaki ang non-living things ay lumalaki din.
C. Ang living things ay hindi dumarami ang non-living things ay dumarami.
D. Ang non-living things ay kailangan ng pagkain, tubig at hangin ang living things ay hindi.
15. Ang mga sumusunod ay mga bagay na may buhay o living things maliban sa _______________.
A. bahay B. pusa C. puno ng manga D. paru-paro
16. Alin sa mga sumusunod ang bagay na walang buhay o non-living thing?
A. kabayo B. damo C. gunting D. tao
17. Natural na bagay na tumutulong upang makita natin ang mga bagay bagay sa paligid.
A. bombilya B. compass C. flashlight D. liwanag
18. Alin sa mga sumusunod na bagay ang nagbibigay ng natural na liwanag?
A. araw B. flashlight C. kandila D. bombilya
19. Ang dahon ang gumagawa ng pagkain ng halaman o tinatawag na proseso ng photosynthesis sa pamamagitan ng liwanag galing
sa ________.
A. araw B. bituin C. bulalakaw D. buwan
20. Ito ay isang naglalakbay na alon o pagaspas, na isang osilasyon o pagpapabalik-balik ng pwersang pinadaraan o dumaraan sa isang
solido, likido, o gas.
A. init B. koryente C. liwanag D. tunog
21. Namasyal kayo sa bukid ng iyong kaibigan. Nakita ninyo ang mga nagliliparang saranggola. Sumali kayo sa mga nagpapalipad ng
saranggola dahil sa ___________ ang panahon.
A. mahangin B. maulap C. maulan D. maaraw
22. Ang mga sumusunod ay pakinabang na nakukuha natin sa ating kapaligiran, alin ang HINDI?
A. nagbibigay ng materyales
B. napagkukuhanan ng pagkain
C. nagbibigay ng matabang lupa
D. nagbibigay ng mabaho at maruming hangin
23. Ano ang mahalagang ginagampanan ng mga anyong lupa sa pamumuhay ng bawat mamamayan?
A. Nagsisilbing panirahan at taniman
B. Nililinang ng mga tao ang mga kagubatan para tirahan.
C. Ang mga bulubundukin ay nagsisilbing likas na taguan ng mga tao.
D. Nakapagbibigay ito ng malaking suliranin sa pamumuhay ng mga tao
24. Kapag inalis sa refrigerator ang butter ito ay matutunaw, kapag muli itong
ibinalik sa refrigerator ito ay titigas. Bakit kaya nangyari ang mga
pagbabagong nagaganap sa butter ?
A. Dahil sa inilagay sa kutsara.
B. Dahil ito ay madaling tumigas.
C. Dahil ito ay madaling matunaw.
D. Dahil nagbago ang temperatura.
25. Si Marian ay naglagay ng mothballs sa kanilang kabinet upang hindi pasukin ito ng insekto. Makaraan ang isang linggo napansin
niyang nagging maliliit ang mga mothballs. Anong proseso ng pagbabago ang nangyari sa mothballs?
A. evaporation B. freezing C. sublimation D. condensation
26. Naglagay ng dalawang litro ng tubig si Marlon sa palanggana, iniwan niya ito sa ilalim ng sikat ng araw. Binalikan niya ito
makaraan ang tatlong oras. Napansin niyang nabawasan ang tubig sa palanggana, anong pagbabago ang nangyari?
A. liquid to solid B. liquid to gas C. solid to liquid D. solid to gas
27. Si Mang Berto ay isang magsasaka. Malaki ang pasalamat niya sa hayop na kanyang nakakatuwang sa pagbubungkal ng lupa sa
bukid. Anong hayop ito?
A. kambing B. kabayo C. kalabaw D. baka
28. Ang mga hayop ay mahalaga. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang MALI tungkol sa kahalagahan ng mga hayop sa
pamumuhay ng tao?
A. Ang mga itlog mula sa manok , pugo at pato ay pinagmumulan ng pagkain.
B. Ang karne ng manok, baboy at baka ay karaniwang ipinagbibili upang makain.
C. Ang mata at tainga ng tupa ay pinagkukunan ng material na ginagawang kasuotang panlamig.
D. Ang baka ay lubhang kapaki-pakinabang dahil nakapagbibigay ito ng karne, gatas at balat ay pinagmumulan ng iba’t
ibang produkto
29. Ang bayabas ay masarap at masustansiya. Maliban sa kanyang prutas, ano pa ang maaari nitong pakinabang sa tao?
A. masarap akyatin
B. pinagsisilungan ng mga ibon
C. puede itong tumasa ng tumaas
D. ang mga dahon nito ay maaaring ipanggamot sa sugat at sakit sa tiyan
30. Ang inyong pamayanan ay nagtanim ng mga puno bilang isang proyekto. Napansin mo na bihira na lang ang landslide sa inyong
lugar. Bakit kaya panatag na ang mga tao sa inyong lugar?
A. Ang malalaking ugat ng mga punongkahoy ay kumakapit sa lupa dahilan para ito ay manatili.
B. Naaaliw ang mga tao sa mga nagtatatasang punongkahoy.
C. Bihira na ang mga pagdiriwang sa inyong lugar.
D. Maayos ang pamumuno ng kapitan.
31. Bakit mahalaga ang kapaligiran sa lahat ng may buhay?
A. dahil dito tayo kumukuha ng ating mga pangunahing pangangailangan
B. dahil maganda sa paningin ang kapaligiran
C. dahil bigay sa atin ng Maykapal
D. walang tamang sagot
32. Saan nakukuha ang pangunahing pangangailangan ng mga bagay na may buhay?
A. kapaligiran B. kusina C. tahanan D. walang sagot
33. Bakit mahalaga ang lupa sa mga halaman?
A. Ito ay nagsisilbing tirahan ng mga halaman at mga hayop na nabubuhay sa lupa.
B. Ito ay pinagkukunan ng nutrients at minerals ng mga halaman
C. Dito nagtatayo ng tirahan ang mga tao.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
34. Ito ay isa sa pangunahing pangangailangan ng tao at hayop sa paghinga. Nagmumula ito sa mga halaman. Ano ito?
A. carbon dioxide B. hydrogen C. nitrogen D. oxygen

35. Si Mang Amang ay mahilig magtanim ng mga halaman sa kanyang hardin. Nagtatanim siya ng petsay, malunggay, sitaw, at
talong. Ano kaya ang dahilan kung bakit nagtatanim si Mang Andoy?
A. upang mainggit ang kanyang mga kapitbahay sa ganda ng kanyang hardin
B. upang maitaboy niya ang mga insekto sa kanyang bakuran
C. upang sa ganoon ay may aanihin siya na maaaring kainin o ibenta
D. upang hindi na siya maghanap ng trabaho
36. Nakatira kayo sa gilid ng bundok at malakas ang ulan. Napansin mong malakas na ang agos ng tubig mula sa bundok at may
kasama na itong putik. Ano ang nararapat mong gawin?
A. maglaro sa ulan
B. lumikas na kaagad
C. manatili na lamang sa bahay
D. paglaruan ang putik mula sa bundok
37. Ang panahon sa ating bansa ay pabago bago sa bawat oras. Narito ang mga sumusunod na gawain na nagpapakita ng wastong
pag-iingat sa iba’t ibang uri ng panahon maliban sa isa. Alin ito?
A. Paggamit ng payong sa paglalakad at matindi ang sikat ng araw.
B. Pag inom ng walong basong tubig o mahigit pa sa isang araw.
C . Pakikipaglaro kahit na may ubo at sipon.
D. Pag-iwas sa paglalaro sa baha.
38. Ang mga mamamayan sa Kabakanlan, Negros Occidental ay nakaranas ng malakas na bagyo at pagbaha noong Disyembre 16,
2021. Marami ang nasirang kabahayan, nawalan ng kabuhayan at may mga nagbuwis ng buhay. Isang mabisang paraan ng
paghahanda para maging ligtas sa ganitong sakuna ay pagkuha ng impormasyon sa ____________________.
A. dyaryo B. radyo at telebisyon C. social media D. lahat ng nabanggit
39. Ang mga sumusunod na bagay ay makikita sa araw maliban sa _______________.
A. bituin B. araw C. ulap D. bahag-hari
40. Ang kulog at kidlat na nararanasan tuwing umuulan ay isang halimbawa ng anong uri ng tunog?
A. mahinang tunog C. malakas na tunog
B. katamtamang lakas na tunog D. katamtamang mahinang tunog

You might also like