You are on page 1of 2

Department of Education

Division of San Pablo City


Fule Almeda District
FULE ALMEDA ELEMENTARY SCHOOL
San Pablo City

IKA-APAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA AGHAM 3

I. Basahin mabuti ang bawat tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang kapaligiran ay binubuong mga sumusunod MALIBAN sa…….
A. lupa B. tubig C. hangin D. planeta
2. Ano ang napapansin mo sa sikat ng araw tuwing katanghalian?
A. May bahagyang sikat ang araw at napakabuti nito sa balat.
B. Mababa ang posisyon ng araw at bahagya ang sikat nito.
C. Tirik na tirik ang sikat ng araw at masakit ito sa balat.
D. Malamlam ang sikat ng araw at may kasamang ambon.
3. Ito ay binubuo ng lahat ng ating nakikita kasama na ang hangin, araw, mga anyong tubig at
anyong lupa at ang mundong ating ginagalawan. Ano ito?
A. planeta B. tirahan C. komunidad D. kapaligiran
4.Napakakulimlim ng kapaligiran . Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan nito?
A. Malakas ang ihip ng hangin
B. Matindi ang sikat ng araw
C. Makakapal ang ul
D. Malakas ang ulan
5.Namasyal si Bojie sa halamanan ng paaralan. Aling may buhay na bagay ang nakita niya?
A. bato B. puno C. aklat D. bakod
6. Sa paglalakbay sa paligid, nakita mong _________
A. Iba’t-iba ang mga bagay na may buhay at walang buhay ang
makikita sa ating kapaligiran.
B. Pare-pareho ang mga bagay na makikita sa ating kapaligiran.
C. Tanging mga bagay na may buhay lamang ang makikita sa
ating kapaligiran.
D. Tanging mga bagay na walang buhay lamang ang makikita sa
ating kapaligiran.
7. Ang bayan ng San Pablo ay kilala bilang “Lunsod ng Pitong Lawa” dahil sa mga lawang nakapaligid
dito. Alin sa mga sumusunod ang mabuting dulot nito sa tao?
I. Maraming turista ang dumadayo dito
II. Marami ang nagkaroon ng hanapbuhay dahil dito
III. Nag-aagawan sa panghuhuli ng isda ang mga tao dito
IV. Nagkaroon ng pasyalan ang mga tao
A. I, II, III C. I, II, IV
B. I, III, IV D. II, III, IV
8. Ano ang kahalagahang naibibigay ng ilog sa atin?
A.Ginagamit na paliguan ng mga tao
B. Daanan ng troso galing sa bundok
C. Ginagamit ng magsasaka sa pagdidilig ng halaman
D. Lahat ng nabanggit ay tama
9. Ano ang kahalagahan ng malinis na tubig sa ating mamamayan?
A. Hindi mahihirapan maglinis ang mga kaminero.
B. Malayo sa sakit ang mga mamamayan.
C. Diretsong inumin ang tubig sa poso.
D. Magiging masaya ang mga bata.
10. Paano mo mailalarawan ang isang karagatan?
A. pinakamalaking anyong tubig
B. pinakamataas na anyong tubig
C. pinakamakulay na anyong tubig
D. pinakamagandang anyong tubig
11. Paano mo ilalarawan ang isang talon?
A. pinakamalaking anyong tubig sa mundo
B. anyong tubig na naggagaling sa tuktok
C. tubig na nagmumula sa ilalim ng lupa
D. anyong tubig na malinis at malamig

You might also like