You are on page 1of 5

Ap 4 2nd Prelim

Bilugan ang titik ng tamang sagot


1. Nalaman mo na may paparating na bagyo. May butas ang inyong bubong. Alam mong
tutulo ang tubig ulan dito pagdating ng malakas na ulan. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin kay tatay para ayusin niya ang bubong.
B. Wala akong gagawin.
C. Maglalaro na lamang ako.

2. Ayon sa balita ay may mararanasan daw na lindol ang inyong lugar. Anong paghahanda
ang iyong gagawin?
A. Ihahanda ko ang aking mga laruan at maglalaro kami sa labas ng aking mga kalaro.
B. Sasabihin ko kay nanay maghanda ng emergency kit na naglalaman ng mga bagay na
kailangan sa paglikas sa ligtas na lugar.
C. Wala akong gagawing paghahanda.

3. Alin sa mga kagamitang ito ang kailangan ihanda upang maiwasan ang sunog?
A. Lampshade B. lagadera C. fire extinguisher

4. Alin sa mga bagay na ito ang kailangan ihanda upang maging handa sa pagkawala ng
kuryente kung may maranasang bagyo sa inyong lugar?
A. Manika B. kandila o flash light C. mineral bottle

5. Dahil sa kumakalat na pandemya na nagdudulot ng sakit sa mga tao. Anong paghahanda


ang iyong gagawin upang makaiwas sa sakit na ito?
A. Manatili sa mataong lugar.
B. Bumili ng facemask at faceshield at gamitin ito sa tuwing lalabas ng bahay.
C. Maglilibot sa gusto mong puntahan na walang proteksyon sa sarili.

6. Ang Pilipinas ay isang ________. Binubuo ito ng maraming pulo.


A. Karagatang pasipiko
B. Kapuluan
C. Bashi channel
D. Celebes sea

7. Makikita sa timog ng bansa ang anyong tubig na __________.


A. Karagatang pasipiko
B. Kapuluan
C. Bashi channel
D. Celebes sea

8. Makikita sa hilaga ng bansa ang anyong tubig na __________.


A. Karagatang pasipiko
B. Kapuluan
C. Bashi channel
D. Celebes sea

9. Makikita sa silangan ng bansa ang anyong tubig na __________.


A. Karagatang pasipiko
B. Kapuluan
C. Bashi channel
D. Celebes sea

10.Ang ___________ ay tumutukoy sa pisikal na anyo ng isang lugar, gawang tao man o
likas.
A. Topograpiya
B. Coral triangle
C. Bundok Apo
D. Celebes sea

11.Ito ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas


A. Bundo Apo
B. Bundok
C. Bulkan
D. Bulkang Mayon

12.Pinakatanyag hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo ang bulkang ito
dahil sa perpektong konong hugis nito.
A. Bundo Apo
B. Bundok
C. Bulkan
D. Bulkang Mayon

13.Ang pinakamataas na anyong lupa.


A. Bundo Apo
B. Bundok
C. Bulkan
D. Bulkang Mayon
14.Ito ay ang mataas na anyong lupa na may butas o bunganga na tinatawag na crater kung
saan dumaraan ang magma.
A. Bundo Apo
B. Bundok
C. Bulkan
D. Bulkang Mayon

15. Ang itinuturing na pinakamaliit na aktibong bulkan sa buong daigdig.


A. Bulkan
B. Bulkang Mayon
C. Bulkang Taal
D. Burol

16.Isang anyong lupa na mas mababa kaysa bundok.


A. Burol
B. Bundok
C. Bundok Apo
D. Chocolate hills

17.ang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas


A. Burol
B. Sierra Madre
C. Bundok
D. Bundok Apo

18.Ang tawag sa magkakarugtong o hilera ng mga bundok.


A. Burol
B. Bundok
C. Bundok Apo
D. Bulubundukin

19.Ang pinakatanyag na mga burol sa Pilipinas.


A. Chocolate hills
B. Bundok Apo
C. Sierra Madre
D. Burol
20.Isa itong patag at malawak na anyong lupa.
A. Lambak
B. Kapatagan
C. Talampas
D. Tangway

21.Isa itong patag na anyong lupa na mataas ang elebasyon at matarik ang hangganan.
A. Lambak
B. Kapatagan
C. Talampas
D. Tangway

22.Tumutukoy sa patag na lupa na nasa pagitan ng higit na mataas na anyong lupa tulad ng
burol, bundok, at bulubundukin.
A. Lambak
B. Kapatagan
C. Talampas
D. Tangway

23.Ito ang pinakamalaki at pinakamalalim na uri ng anyong tubig.


A. Karagatan
B. Dagat
C. Golpo
D. Look

24.Ang anyong tubig na malapit sa bukana ng dagat at halos napalilibutan ng lupa.


A. Karagatan
B. Dagat
C. Golpo
D. Look

25.anyong tubig na mas maliit na bahagi ng karagatan


A. Karagatan
B. Dagat
C. Golpo
D. Look

26.Anyong tubig na kahalintulad ng golpo ngunit higit na makitid at mas maliit. Mainam
itong gawing daungan ng mga sasakyang-dagat.
A. Karagatan
B. Dagat
C. Golpo
D. Look
27.Tumutukoy sa anyong tubig na makitid at mahaba at dumadaloy patungo sa mas
malaking anyong tubig tulad ng dagat.
A. Ilog
B. Lawa
C. Kipot
D. Bukal

28.Anyong tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig at nasa pagitan ng


dalawang pulo.
A. Ilog
B. Lawa
C. Kipot
D. Bukal
29.Anyong tubig na napalilibutan ng lupa. Ang tubig nito ay karaniwang tubig-tabang.
A. Ilog
B. Lawa
C. Kipot
D. Bukal

30.Tumutukoy sa tubig na nagmumula sa ilalim ng lupa.


A. Ilog
B. Lawa
C. Kipot
D. Bukal

You might also like