You are on page 1of 9

Spoliarium

ng
Henerasyon
Group Four
#12
Amo
Mercado, Gian Matthew

s
#14 Quito, Sean Aguilar
#16 Sarmiento, Aaron
#18 Tan, Sebastian Tyler
#31 Jose, Anika Brooke
#37 Mañalac, Marianne Angelique
#38 Paguio, Beyouna Nuisse C.
Good Health
and
Well-being

Ang kalusugan o health ay isang kalagayan ng


isang tao kung saan siya ay hindi lamang
nagtataglay ng malusog na katawan, kundi
pati na rin ang matatag na isipan. Ito ay
sentro ng kaligayahan ng tao, at ito ay may
malaking naitutulong sa kung paano nabubuhay
ang isang tao at nakikipag-ugnayan sa iba.
Naniniwala kami na dapat tayong bumuo ng
higit pang mga paraan upang ang mga taong
may kapansanan, partikular sa mga may
kapansanan sa pandinig at paningin, ay
makakamit ang matatag na kalusugan at
kagalingan.
Ano nga ba ang mga solusyon o mga organisasyon na makakatulong sa
problemang ito?

❁❀✾

Ang disability wellness center, ay nakatuon sa


pangangalaga sa kapakanan ng mga may
kapansanan sa paningin at pandinig. Bagaman
mayroong mga ospital, hindi laging nabibigay
ng mga ito ang mga pangangailangan ng mga
may kapansanan, lalo na sa mga kahirapan sa
komunikasyon.

Mga organisasyong makakatulong sa


pagpopondo sa proyekto:
Disabled People’s International (DPI)
Philippine Foundarion for the Rehabilitation of
the Disabled, Inc. (PFRD)
Affordable
and
Clean Energy

Ang mundo ay kasalukuyang nasa isang


kalagayan kung saan kinakailangan natin ng
pagbabago, para sa ating kapaligiran, at
para sa ating sarili. Sa paglipas ng
panahon, ang pagbabago ng klima ay
makakaapekto sa ating mga lungsod at
tahanan. Kung walang matatag na suplay ng
enerhiya, hindi masusuportahan ng mga bansa
ang kanilang mga ekonomiya, at mahihirapan
ang mga pamilya na mamuhay ng
komportable. Upang makamit ang abot-kaya at
malinis na enerhiya, dapat tayong mamuhunan
sa malinis at pangkalikasang enerhiya tulad
ng solar, wind, at thermal energy. Iyon ang
dahilan kung bakit ang isang solusyon na
naisip namin para dito ay ang algae biofuel.
Ano nga ba ang mga solusyon o mga organisasyon na makakatulong
sa problemang ito?

❁❀✾
Ang algae ay madalas na nakikita sa mga anyong tubig
at tumutubo sa pamamagitan ng photosynthesis. Ito’y
ginagawang biofuel sa pamamagitan ng pagkuha ng
lipids mula sa biomolecules, na ginagamit sa mga
sasakyan at generator.
Ang algae biofuel ay isang nababago o renewable na
mapagkukunan, at maaaring lumaki sa anumang klima
o anyong tubig basta’t may sapat na sikat ng araw.
Hindi rin ito tumataglay ng anumang pinsala sa
kapaligiran kung ito man ay matapon. Ang algae ay
gumagamit din ng carbon dioxide sa pamamagitan ng
photosynthesis, kaya ang algae biofuel ay tinatawag na
‘carbon neutral’. Ito’y maaaring maging nababagong
mapagkukunan ng fuel na walang negatibong epekto
sa kapaligiran.
Sustainable Cities
and
Communities

Alam na ng karamihan na ang mga lungsod at


komunidad ay apektado ng maraming pagbabago
na kasalukuyang nangyayari sa kapaligiran
dahil sa pagbabago ng klima. Ang tagtuyo,
halimbawa, ay maaaring makaapekto sa
produksyon ng pagkain at sa pangkalahatang
kalusugan ng mga tao. Ito ang mga dahilan
kung bakit dapat tayong magsikap sa pagbuo
at pagpapabuti ng napapanatiling mga lungsod
at imprastraktura. Masasabi nating
sustainable ang isang lungsod o komunidad
kung ito ay environmentally friendly,
inkusibo, ligtas, at matatag sa social,
natural, at economic changes. Kaya naman ang
naisip nating solusyon ay ang Urban Farming.
Ano nga ba ang mga solusyon o mga organisasyon na makakatulong sa
problemang ito?

❁❀✾

Ang urban farming ay ginagawa tuwing


ang isang komunidad ay may libreng
lugar o lote na ginagamit bilang taniman
ng iba’t ibang gulay o halaman. Ito’y
ibinabahagi ng komunidad, at may
maraming benepisyo. Ito’y nagbibigay ng
mga masusyansyang pagkain para sa
populasyon ng lungsod kaya’t magiging
mas malusog ang mga mamamayan. Ito
rin ay makakatulong sa ekonomiya ng
mga magsasaka at negosyante. Ito ay
maaring ponduhan ng mga mamamayan.
Salamat
sa
Pakikinig!

You might also like