You are on page 1of 3

Mga Tauhan: Crisostomo Ibarra, Elias, Lucas, Utusan ni Ibarra, Maria clara (Mentioned), Pumanaw na kapatid

ni Lucas (Mentioned)

Tagpuan: Tahanan ni Ibarra

Tanong: Bakit karapat-dapat magbayad si Ibarra sa pagkamatay ng kapatid ni Lucas?

Aral: Hindi natin dapat palaging inuuna ang ating mga pangangailangan kaysa sa iba, o, sa halip, hindi natin
dapat balewalain ang mga kasawian ng iba kahit na tayo’y may pinagdadaanan rin. Ang pag-uugali ni Ibarra
kay Lucas ay nagpapakita na bahagya siyang nagmamalasakit sa pagkamatay ng taong ito, at hindi
makapagbigay ng kahit kaunting oras o pakikiramay sa mga naapektuhan ng kamatayang ito, at
nagmamalasakit lamang kay Maria Clara. Kahit na may pagkakataon na tumulong sa iba, isinasantabi niya ito.
Oo, mabuting magmalasakit sa mga mahal natin, ngunit masama ang hindi pansinin ang paghihirap ng iba
dahil doon.

Isyung Lipunan: Sa kabanatang ito’y makikita natin ang pagpapabaya ng mga taong may mataas na katayuan
at kayamanan sa mga mahihirap na kanilang maaaring matulungan. Ang mga taong may mataas na katayuan
at kayamanan ay may marami at malalaking mga pagkakataon upang matulungan ang mga nangangailangan,
ngunit marami sa mga taong ito ngayon ay halos pinapabayaan ang mga mahihirap at mas gugustuhin pang
gastusin ang kanilang pera sa mga materyal na walang silbi na sila lamang ang makikinabang dito. Ngunit na-
alam ng marami na ang pera nilang iyon, ay may karapatan ding gastusin ito sa gusto nila, ngunit ito ay
pahahalagahan at makikinabang sa marami kung ang mga taong ito ay magbabahagi ng kanilang kayamanan
at gamitin ang kanilang mataas na katayuan para sa kawanggawa sa halip na gamitin ito para lamang sa
kanilang sariling gamit, o kaya naman ay hindi balewalain ang mga kasawian ng iba kung kakayanin naman
nilang makatulong sila.

Green: Important / Red: Dialogues

Dahil sa nangyari sa nakalipas na gabi ay hindi makatulog si Ibarra, kaya naisipan nito na mag-trabaho na
lamang sa kanyang laboratory. Ngunit maya-maya naman ay pumasok ang kanyang utusan at sabing mayroon
siyang bisitang taga-bukid

“Papasukin mo!” sabi ni Ibarra nang hindi man lamang lumingon

Pumasok si Elias nang matindig at hindi umiimik

Tatlo lamang ang rason sa pagpunta ni Elias kay Ibarra. Una ay ipaalam kay Ibarra na may sakit (lagnat) si
Maria Clara. Ikalawa’y magpaalam kay Ibarra dahil sya’y tutungo na sa Batangas, at Ikatlo ay itanong lamang
kung may ipinagbibilin ang binata sa kanya

“Ah! Kayo po ba?” ang biglang sinabi ni Ibarra sa wikang tagalog, ng̃ siya'y canyang makita; “ipagpaumanhin
po ninyo ang aking pagka pahintay sa inyo, hindi ko napansin ang inyong pagdating: may ginagawa akong
isang mahalagang pagtikim.”

“Ayaw ko pong kayo'y abalahin” ang isinagot ng binatang piloto; “ang unang ipinarito ko'y upang sa inyo'y
itanong kung kayo'y may ipagbibiling ano man sa lalawigang Batangang aking patutunguhan ngayon din, at
ang ikalawa'y upang sabihin ko po sa inyo ang isang masamang balita....”

Napatingin si Ibarra nang nagtataka at natatakot


“May sakit po ang anak na babae ni Kapitang Tiago” ang idinugtong ni Elias ng̃ sabing mahinahon, “atapuwa't
hindi malubha.”

“Iyang na nga ang aking ipinanganganib!” ang sinabi ng marahan, “nalalaman po ba ninyo kung ano ang
sakit?”

“Lagnat po! Ng̃ayon, kung wala kayong ipag-uutos....”

“Salamat, kaibigan ko; hinahangad kong kayo'y magkaroon ng maluwalhating paglalakbay. datapuwa't bago
kayo umalis, itulot po ninyo sa aking sa inyo'y makapagtanong ng isa; kung sakali't lihis sa tapat na pag-iingat
ng lihim ay huwag kayong sumagot.”

Hindi nakatiis si Ibarra sa pagtanong kay Elias kung paano nito napatigil ang kaguluhang nangyari sa liwasan.

“Ano ang inyong ginawa't inyong nasansala ang panukalang gulo kagabi?” ang tanong ni Ibarra na tinititigan si
Elias.

“Magaang na magaan!” ang isinagot ni Elias ng boong kahinhinan; “ang namamatnugot ng gayong kilusa'y
magkapatid na nangulila sa ama na pinatay ng guardia civil sa kapapalo; nagkapalad ako isang araw na
mailigtas co sila sa mga kamay rin ng mga iyong kumuha sa buhay ng kanilang magulang, at dahil dito'y
kumikilala sila sa akin ng utang na loob. Sa kanila, ako nakiusap kagabi, at sila naman ang sumaway na sa mga
iba.” Paliwanag ni Elias

“At ang magcapatid na iyan ang canilang ama'y pinatay sa capapalo?...” tanong muli ni Ibarra

“Ang kahahanggana'y kawangis din ng ama” ang isinagot ni Elias ng marahang tinig; “pagka minsang
tinatakan na ng kasakunaan ng kanyang tanda ang isang mag-anak, kinakailang̃ang mamatay nga ang lahat ng
bumubuo ng mag-anak na iyan; pagka tinatamaan ng lintik ang isang kahoy ay nagiging alabok na lahat.”
Dagdag pa ni Elias

At sa pagka't namasdan ni Elias na si Ibarra'y hindi umiimic, siya'y nagpaalam.

Nang nag-iisa na siya, nawala ang anyong panatag ang loob na kanyang naipakita sa harap ng piloto, at
nangibabaw na sa mukha nya ang sákit ng kanyang loob.

“At ako… ako ang nagpahirap ng di ano lamang sa babaeng iyan” ang ibinulong nya.

Ito’y dalidaling nagbihis at nanaog sa hagdanan.

Bumati sa kanya ng boong kapakumbabaan ang isang maliit na lalaking nakasuot ng luksa at may isang
malaking pilat sa kaliwang pisngi, at pinahinto siya sa paglakad. Ito ay si Lucas, ang kapatid ng isa sa mga
taong namatay sa paghuhugos ng unang bato sa paaralan

“Ano po ang ibig ninyo?”” ang tanong ni Ibarra.

“Guinoo, Lucas ang aking pangalan, ako ang kapatid ng namatay kahapon.”

“Ah… Inihahandog ko sa inyo ang pakikisama sa inyong pighati... at ano pa?” sagot ni ibarra

“Guinoo, ibig kong malaman kung gaano ang inyong ibabayad sa mag-anak na nangulila sa aking namatay na
kapatid.”

“Ibabayad?” nagtaka si Ibarra. di napigil ang sama ng kanyang loob; “pag-uusapan na natin ito. Bumalik po
kayo ngayon hapon, sa pagka't nagmamadali aco ngayon.” Sabi ni ibarra

“Sabihin po lamang ninyo kung gaano ang ibig ninyong ibayad!” ang pinipilit itanong ni Lucas.
“Sinabi ko na sa inyong mag-uusap na tayo sa ibang araw, ngayo'y wala acong panahon!” sagot ni Ibarra

“Wala po kayong panahon ngayon, guinoo?” ang tanong ng boong saklap ni Lucas, na humarang sa harapan
ni Ibarra; “wala kayong panahon sa pakikialam sa mga patay?”

“Pumarito kayo ngayong hapon, kung ibig ninyong magbigay-loob” ang inulit ni Ibarrang nagpipiguil; “ngayo'y
dadalawin ko ang isang taong may sakit.” Dagdag ni Ibarra

“Ah… at dahil sa isang babaeng may sakit ay linilimot po ninyo ang mga patay? Akala ba ninyo't kami'y mga
ducha'y?-” sagot naman ni Lucas

Tinitigan siya ni Ibarra at pinutol ang canyang pananalita.

“Huwag po sana ninyong piliting ubusin ang aking pagtitiis” ang sinabi ni Ibarra at ipinagpatuloy ang kanyang
paglakad. Sinundan siya ni Lucas ng titig na may kalakip na ngiting puspos ng̃ pagtatanim ng galit.

“Napagkikilalang ikaw ang apo ng nagbilad sa araw sa aking ama” ang ibinulong ni Lucas; “taglay mo pa ang
gayon ding dugo!”

At nagbago ng anyo ng pananalita, at idinugtong:

“Datapuwa, kung magbayad ka ng magaling ... tayo'y magiging mabuting kaibigan!”

You might also like