You are on page 1of 7

Kabanata-41

DALAWANG
PANAUHIN
Hindi dalawin ng antok si Ibarra ng gabing iyon.
Balisa ito sa kaguluhang naganap kung kaya't
nilibang ang sarili sa paggawa sa kanyang
laboratoryo. Ilang sandali ay dumating si Elias sa
tahanan ni Ibarra. Layunin ni Elias na ipagbigay-
alam kay Ibarra na may sakit si Maria Clara, at kung
may ipagbibilin ang binata bago siya pumunta sa
Batangas. Ipinaliwanag din ni Elias kay Ibarra kung
paano niya nasugpo ang kaguluhan ng nagdaang
gabi. Sinabi nito na kilala niya ang magkapatid at
napakiusapan niya na itigil ang kaguluhan.
Napahinuhod naman ang magkapatid na gwardya
sibil dahil sa kanilang utang na loob kay Elias.
Umalis na rin si Elias makalipas ang ilang sandali.
Nagmamadali naman na gumayak si Ibarra upang
tumungo sa bahay ni Kapitan Tyago. Sa daan ay
nasalubong ni Ibarra ang kapatid ng taong dilaw na
si Lucas. Kinulit nito si Ibarra tungkol sa salapi na
makukuha ng kanyang pamilya dahil sa
pagkamatay ng kanyang kapatid. Sinagot ito ng
maayos ni Ibarra na magbalik na lamang sa isang
araw sapagkat siya ay patungo sa maysakit.
Ngunit sadyang mapilit si Lucas at kinukulit
si Ibarra. Bago pa man mawala ang
pagtitimpi ng huli ay tumalikod na lamang
ito. Naiwan si Lucas na nagpupuyos ang
kalooban, at sa kanyang isipan ay iisa ang
dugong nananalaytay sa ugat ni Ibarra at ang
lolo nito na nagparusa sa kanilang ama.
Maari lamang silang maging magkaibigan
kung magkakasundo sila sa salaping
ibabayad ni Ibarra.
MGA TAUHAN Talasalitaan
CRISISTOMO IBARRA • marusing - marumi
MARIA CLARA • mapusok -
ELIAS mabangis
LUCAS • mapayapa -
matiwasay
• magkahiwalay -
magkalayo
• ikagagalit -
ikakairita
Buod
Sa daan ay nakasalubong ni Ibarra ang
kapatid ng taong madilaw na si Lucas.

Kinulit nito si Ibarra tungkol sa salapi na


matatanggap nila dahil sa pagkamatay ng
kaniyang kapatid.

Ngunit nagmamadali si Ibarra dahil siya


nga ay pupunta sa may sakit at sinabing
bumalik na lamang ito sa isang araw.
Cancer ng Lipunan
"Nakakaalala kayo ng may sakit
pero nakakalimut sa
namatayan." - Lucas

Paggamit sa patay upang


makakuha ng pera.

You might also like