You are on page 1of 3

NOLI ME TANGERE 9:

KABANATA 50 “ANG MGA KAANAK NI ELIAS”

TAUHAN:
*ELIAS
*CONCORDIA
*MAG-ASAWA

TAGPUAN:
*SA BUNDOK
*MALAYONG LALAWIGAN
*TAYABAS

PANGYAYARI: Nagpatuloy ang pag-uusap ng dalawa. Dito ibinunyag ni Elias na ang


pamilya niya ay mula rin sa mga sawimpalad. Ang nuno ni Elias ay namasukan noon sa
isang bahay-kalakal sa Maynila na pag-aari ng isang Kastila. Nasunog ito at
napagbintangan ang lalaki niyang nuno. Pinarusahan ito at kinaladkad ng kabayo. Dahil
sa nangyari, namundok na lang ang mag-asawa. Ngunit namatay ang bata sa
sinapupunan ng babae. Nagpatiwakal naman ang lalaki dahil sa kamalasang nangyari. Di
siya naipalibing ng babae dahil walang pera. Nang mangamoy ang bangkay, nalaman ng
mga awtoridad at nais maparusahan ang babae. Pero nagdadalang-tao pala ito kaya
ipinagpaliban. Nang makatakas sa mga awtoridad, lumipat sa malayong lalawigan ang
babae. Sa paglaki ng panganay, ito ay naging tulisan habang ang isa pa nitong anak ay
nanatiling matino. Nagpatiwakal din ang anak na panganay ng babae habang
nagpakalayo-layo naman ang bunso. Napadpad siya sa Tayabas at doon ay naging
obrero. Nakagiliwan siya ng lahat dahil sa mabuting ugali at nakahanap ng
mapapangasawa. Mayaman at babae at pinaghiwalay sila ng mga magulang. Ngunit
buntis na pala ang babae at nagsilang ng kambal, sina Elias at Concordia. Tulad ng mga
ninuno nila, nagpakamatay din si Concordia dahil sa labis na lungkot at natagpuan na
lamang ang nila ang bangkay nito sa Calamba.

TALASALITAAN:

*OBRERO- magsasaka *SAWIMPALAD- nakaranas ng sawian ng paulit-ulit

*TULISAN- hindi sumusunod sa batas

*NAGPATIWAKAL- magpakamatay

*IBINUNYAG- nilabas
ARAL: Ang hirap na dinanas ng mga ninuno ay nagdudulot ng malalim na poot kung
minsan. Naipapasa ito sa mga henerasyon hanggang di nabibigyan ng hustisyang
hinihingi.

NOLI ME TANGERE:
KABANATA 51 “MGA PAGBABAGO”

TAUHAN:
*LINARES *CRISOSTOMO IBARRA
*DONYA VICTORINA *TIYA ISABEL
*ALPERES *MARIA CLARA
*PADRE SALVI *PADRE DAMASO
*KAPITAN TIAGO

TAGPUAN:
*BAHAY NI KAPITAN TIAGO

PANGYAYARI: Balisa si Linares dahil sa liham ng pinsang si Donya Victorina. Nais nitong
hamunin ng binata ang alperes. Alam niyang seryoso ang Donya ngunit alanganin siya
dahil wala naman siyang padrino. Samantala, dumating naman si Padre Salvi sa bahay ni
Kapitan Tiago. Masaya nitong ibinalita ang pasya ng arsobispo na pinawawalang-bisa
ang pagka-eksokomunikado ni Ibarra, sabay papuri dito na kalugod-lugod naman ito
ngunit may kapusukang taglay. Sinabi rin ni Salvi na tanging si Damaso na lamang ang
sagabal sa pagpapatawad kay Ibarra. Ngunit kapag si Maria Clara daw ang nakipag-usap
kay Damaso ay tiyak na patatawarin ito. Maya-maya ay dumating si Ibarra kasama si Tiya
Isabel. Kumamay naman si Padre Salvi kay Ibarra at sinabing kapupuri lamang niya sa
binata. Ilang saglit ay lumapit si Ibarra kay Sinang upang kausapin si Maria. Gayunman,
sabi ng dalaga ay umalis na lamang ito at limutin siya ngunit nais ni Ibarra na makausap
ang kasintahan. Nagmatigas si Maria at hindi hinarap si Ibarra hanggang sa umalis ito.

TALASALITAAN:

*BALISA- hindi mapakali

*PADRINO-isang kaugalian na ipinamana sa atin noong panahong sinakop tayo ng mga


kastila

*ARSOBISPO- isang miyembro ng kaparian na may mas mataas ng ranggo.

*KALUGOD-LUGOD- nakakatuwa, nakakaaya


*ALANGANIN- di sigurado

ARAL: Minsan, kinakailangang lumayo ng isang tao kahit mahalaga ka sa kaniya. May
sarili itong rason na nararapat lamang nating galangin.

You might also like