You are on page 1of 6

I.

DIREKSYON

Ipinakita ng direktor na si Bb. Anne Villegas ang mga pangyayari sa buhay ni


Rizal at Ibarra sa pamamagitan ng mga kamangha-mangha at kawili-wiling
paraan gaya ng paglalagay ng mga nakakatawang eksena.

II. ISTORYANG PANTANGHALAN

Naipahayag sa madulang paraan ang istoryang “Ang Buhay at Pag-ibig ni


Rizal at Ibarra” dahil sa simula ay ipinakilala nya ang kanyang sarili sa
kanyang mga kaibigan. Ito ay may suliranin na kung saan nagkaroon ng
hidwaan sa pagitan ni Padre Damaso at ni Ibarra. Mayroon din itong
kasukdulan na muntik nang mapaslang ni Ibarra si Padre Damaso sa sobra
niyang pagkamuhi dito. Sa Kakalasan naman ay sinubukan ni Ibarra na
umiwas sa mga taong kanyang pinapahalagahan at sinubukan niya ring
magbago para sa kanila. Ang wakas naman ay pinatay ng mga kastilang
sundalo si Rizal at si Ibarra sa pamamagitan ng pagbaril sa kanila.
Naging malinaw at mahusay ang paglalahad ng mga eksena sa istorya.
Naging makatotohanan din ang istoryang ito dahil ang mga pangyayari sa
dula ay buhat sa tunay na buhay at ito’y walang halong piksyon.

III. PAGGANAP
Si Jose Rizal ay ginampanan ni Juan Rodrigo na isang romantiko, magalang
na ginoo at mapagmahal sa bayan.
Si Crisostomo Ibarra ay ginampanan ni Chubi del Rosario na magalang,
magpagmahal, at isang mabuting ginoo.
Si Maria Clara ay ginampanan ni Aifha Medina na isang mabuti,
mapagmahal na kasintahan na may pagpapahalaga sa kanyang mga mahal sa
buhay. Ginampanan din niya ang karakter ni Leonor nang mahusay.
Si Elias ay ginampanan ni Algene Mañago na mabuti, tapat, at may utang na
loob na kaibigan kay Ibarra.
Ginampanan ni Sarah Aragones ang karakter ni Sisa na isang mapagmahal at
maalalahaning ina sa kanyang anak. Nasiraan ng bait sa kalagitnaang bahagi
dahil sa sobrang pighati at kalungkutang nararamdaman.
Si Basilio ay ginampanan ni Alfred Wendell Gaddi na isang mapagmahal,
mabuti at maaalahaning kapatid at anak.
Si Padre Damaso ay ginampanan ni Sonny Alcantara na may hindi kaaya-
ayang ugali. Antagonista sa istorya.
Walang alinlangang ginampanan ng mga artista ang kanilang karakter.
Mahusay at puno ng emosyon ang kanilang pagganap.
Ang mga protagonista tulad ni Crisostomo Ibarra ay isang tauhang
bilog dahil nagbago ang kanyang pananaw at ugali sa kasukdulang bahagi. Si
Jose Rizal ay isang tauhang lapad sapagkat nanatili siya sa kanyang sarili at
walang pagbabago sa kanyang karakter. Si Maria Clara ay isang tauhang
lapad dahil minahal niya si Ibarra hanggang sa huli at si Elias ay masasabing
tauhang bilog sapagkat nagbago siya ng tingin kay Ibarra nang malaman
niyang kadugo pala ni Ibarra ang sumira sa buhay ng kanyang lolo.

IV. EDITING
Mahusay ang pagkakahati-hati at pagbabago ng dula upang maging
kapana-panabik at kaaliw-aliw ang bawat eksena. Masasabi may
pagbabagong naganap sa dula dahil may bahaging hindi nawaring kung saan
nagmula ang eksena gaya ng sa bahagi ng magkapatid na Basilio at Crispin.

V. MUSICAL SCORING
Naging makatotohanan lalo ang dula dahil sa mga tunog na inilapat.
Angkop ang paglalapat ng tunog sa mga eksena gaya ng tunog ng isang
pagbaril dahil marami ang nagulat sa tunog na iyon at talagang kamangha
mangha ang kanilang paglalapat ng tunog.

VI. PAGLALAPAT NG TUNOG


Malinaw at maayos na nailapat ang mga tunog sa mga bawat
bahagi ng pagtatanghal at nagbigay daan din ito upang mabigyang
linaw ang mga pangyayari.
VII. MENSAHE
Ipinakita sa nasabing dula ang mga pamumuhay, kasuotan at mga kilos
noong panahon ng Espanyol. Ipinakita rin dito kung gaano kalulupit at
kasasama ang mga Espanyol na mananakop at kung paano harapin ito ng
mga Pilipinong naninirahan sa bansa natin. Sa kabila nito ay nakamit pa
rin ng ating mga kababayan ang kalayaan at katiwasayang hinahanap ng
sanlibutan para sa bayan.
Ang mensahe ng nobela ay pagisipan muna ng mabuti ang mga
desisyon bago isagawa upang hindi mapahamak gaya ng nangyari kay
Ibarra na inuna muna ang damdamin bago ang pag-iisip.

VIII. IMPLIKASYON/APLIKASYON SA BUHAY

IX. BANGHAY

SIMULA

Maagang nagsimba sina Tiya Isabel at Maria Clara. Bahagya pang nakaalis ang pari sa misa,
nagyaya na agad ang dalaga na makauwi sa kanilang bahay. Alam niyang darating si Ibarra
upang siya’y dalawin. Bawat ingay ng sasakyang humihinto ay nagpapasikdo sa kanyang puso.

Nang may tumigil na sasakyan sa tapat ng kanilang bahay ay namutla si Maria Clara.
Alam niyang iyon si Ibarra. Tumakbo sa kanyang silid upang magtago. Putlang-putla ang
dalaga at kinuyom ang kanyang dibdib. Nakinig siya sa usapan ng Tiya Isabel niya at si
Ibarra. Humanap siya ng butas upang silipin at mapagmasdan ang binata. Nang tawagin siya
ng tiya ay halos maglambitin ito dahil sa kagalakan.

Masiglang nag-uusap din si Kapitan Tiyago at Ibarra nang lumabas ang dalaga. Ang
magsing-irog ay lumabas upang Malaya silang makapag-ulayaw sa lihim ng maliit na bahagi ng
Asotea. Ang mga unang sandal i ng pag-uusap ay mga walang
kawawaang usapan.

SAGLITA NA KASIGLAHAN
Sa pagbabalik sa Pilipinas ni Crisostomo Ibarra ay nabatid niya ang tunay na dahilan ng
pagkamatay ng kanyang ama. Nalaman niya na si Padre Damaso na matalik na kaibigan ng
kanyang ama ang naging dahilan ng paghihirap nito sa bilangguan. Sa ilang beses na
paghaharap ng dalawa ay puro panlalait ang inabot ng binata buhat sa pari.

Sa isang nagagayakang Kiosko ay nagkatipun-tipon ang pinakamataas na tao sa


lalawigan para sa isang pananghalian. Naroon ang Alkalde, si Ibarra, Maria Clara, Kapitan
Tiyago, Alperes, Kapitan, eskirbo, mga prayle, mga kawani, at mga binibini.

TUNGGALIAN
A. Tao laban sa Tao: : Pag-igting ng pangyayari dulot ng pangyayari sa isang tao at kapwa
tao.
Tunggaliang ito ay naipakita nina Sida at Doña Consolacion. Ang pangyayaring ito ay naganap
nang inutusan ni Doña Consolacion si Sisa na kumanta at sumayaw gamit ang wikang Kastila
na siyang nakapaglito kay Sisa.

B. Tunggalian ng Tao laban sa Lipunan : Ang pagkabigo o pagkatagumpay ng tao sa mundong


ginagalawan.
Ang tunggaliang ito ay napapakita ng karanasan ng isang guro noon. Ang mga paaralan sa
unang panahon ay matatagpuan sa silong ng kumbento at sa tabi ng karwahe ng kura.
Ikinagalit ni Padre Damaso ang malakas na boses ng mga bata sa pagbabasa. Dahil dito,
hinamak ang guro ng mga kura.

C. Tunggalian ng Tao laban sa Sarili : Tunggaliang umigting sa pagitan ng isang tao at sa


kanyang sarili.
Maigting ang ganitong sitwasyon sa karanasan ng isang guro ng matuklasan niyang hindi
makakatulong ang pamamalo sa pag-aaral ng mga bata.
KASUKDULAN

Inggit na inggit si Pari Salvi kay Crisostomo Ibarra dahil sa pakikipagkaibigan nito kay
Maria Clara na labis niyang kinagigiliwan. Samantala dahil sa labis na kahihiyan at muntik
nang kapahamakang sinapit, galit ang naghari kay Padre Damaso para kay Ibarra. Dahil dito
ay isinangkot nila ang binata sa isang huwad na pag-aaklas na sila ang may gawa.

KAKALASAN

Nagtagumpay ang balakyot na paghihiwalay sa dalawang taong nagmamahalan. Pinag-uusig ang binata, si Ibarra.
Sapilitang ipakakasal si Maria Clara sa isang lalaking hindi niya iniibig sapagkat ang kanyang katipan ay itinuring
na isang masamang tao na kalaban ng bayan at pinag-uusig.

Galak na galak si Kapitan Tiyago sapagkat walang sinumang nakialam sa kanya sa panahong kakiila-
kilabot, ni hindi siya dinakip at ikinulong, ni di kinunan ng tanong. Di gaya ng kanyang kaibigang si Kapitang Tinong
na nang bumalik sa kanyang bahay ay maysakit, namumutla at namamanas. Para kay Kapitan Tiyago ay nakatulong
si Linares, ang kanyang mamanugangin sa kabiruan ni Ginoong Antonio Canovas.

WAKAS

Nanggipuspos ang kalooban ni Ibarra nang malaman ang tunay na dahilan ni Maria Clara. Pinatawad
niya ito subalit itinanong kung totoong ikakasal na si Maria Clara. Nagtapat ang dalaga na
magpapakasal man siya ay di magbabago ang pagmamahal sa binata. Sinapupo nito ang ulo ng binata,
hinagkan sa mga labi, niyakap at sinabing kailangan na itong tumakas. Tiningnan si Ibarra na
nanginginig ang mga mata at sa isang hudyat ang binata’y lumayang parang lasing at susuray-suray.
Nilundag na muli ni Ibarra ang pader at lumulan sa Bangka. Sinundan siya ng tingin ni Maria Clara at
nakita si Elias, nag-alis ito ng sombrero at yumukod nang buong paggalang sa dalaga.
Suring
Pantanghalan
(Noli Me Tangere)

Ipinasa ni:
Allan Tabinas
G9-Mangga

You might also like