You are on page 1of 4

Faith Meriniel B.

Cornejo
9- Dalton Batch 1

Ang ginawang awput na balangkas ang siya mong magiging gabay sa paggawa ng
suri-nobela.

Sa simula ng Noli Me Tangere, may isang handaan o marangyang salu-salo na ipinag-anyaya


ni Don Santiago de los Santos na higit mas kilalang tawag “Kapitan Tiyago”. Ito ay para
salubungin ang isang binata na nagbalik galing Europa sa pag-aaral ng pitong taon na si
Crisostomo Ibarra. Kilala ang binata sa pagiging matulungin at pagkakaroon ng malaking
impluwensya dahil siya ang naging alkalde ng kanilang lugar. Sa handaan, nagdatingan ang
mga panauhin kasama na ang mag-asawang sina Don Tiburcio de Espadaña at Doña
Victorina de Espadaña; Padre Hernando De La Sibyla na siyang kura ng Tanawan; Padre
Damaso Verdolagas ang dating kura San Diego; ang dalawang paisano; at si Tinyente
Guevarra ang tenyente ng guwardiya sibil. Ikinagulat naman ni Padre Damaso ang pagpunta
ng binata dahil sa inakala niya’y pumunta si Crisostomo Ibarra sa Pilipinas upang
magtrabaho. Habang mangyari ang handaan, pinagtatalunan ng dalawang pari na sina
Padre Sibyla at Padre Damaso kung sino ang dapat maupo sa dulo ng mes. Base kay Padre
Sibyla, si Padre Damaso ang nararapat umupo sapagka’t ang padre ay ang kumpesor ng
pamilya ni Kapitan Tiyago. Hindi sumang ayon si Padre Damaso. Sa halip, iginiit niya na si
Padre Sibyla ang nararapat na umupo doon dahil siya ang kura sa lugar na iyon. Ang galit ni
Padre Damaso ay mas lalong tumindi ng inihanda sa kaniya ang tinola na puro upo, leeg, at
pakpak. Sapagka’t ang inihanda naman kay Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola
dahil ito ay talagang niluto para sa kanya lang. Patuloy naman ang pakikipag-usap ni Ibarra
sa mga ibang panauhin habang nasa hapagkainan.
Lumabas si Ibarra upang makalanghap ng sariwang hangin at umuwi na din dahil kanyang
naalala na may dapat siyang importanteng pupuntahan. Ang daan papuntang plasa ng
Binondo ay binaybay ni Ibarra. Habang naglalakad at pinagmamasdan ni Ibarra ang
kanyang kapaligiran, natagpuan niya si Tinyente Guevarra at tinanong kung alam niya ba
ang dahilan ng pagkabilanggo ng ama na si Don Rafael. Kinuwento ni Tinyente Guevarra ang
lahat ng detalye sa buhay ng ama ni Ibarra tulad king bakit siya nakulong at maraming galit
sa kanya, ang rason ng kanyang pagkabilanggo, ang mga ipinarating sa kanya noong siya ay
nasa kulungan, hanggang sa kanyang paglaya sa kanyang mga kaso. Siya ay binawian ng
buhay sa loob ng kulungan noong siya ay dapat makalabas. Dumating si Ibarra sa kanyang
tinutuluyan sa Fonda de Lala at tuluyan bumaba sa kalesa na kanyang sinakyan. Dumeretso
si Ibarra sa nirentahang silid at pinag isipan ang kalunos-lunos na sinapit ng kanyang ama.
Natanaw niya ang isang magandang babae na may balingkinitan na pangangatawan at may
kasuotang diyamante at ginto. Maria Clara ang kanyang pangalan na kasintahan ni Ibarra.
Giliw na giliw na nakatingin ang lahat sa ganda ng dalaga. Dahil sa pagod na isip at katawan
ni Ibarra ay mabilis siyang nahimlay.

Sa pagbubukas ng bagong kabanata, ang sentro ng paksa na ito ay umiikot sa katauhan at


pag-uugali ni Kapitan Tiyago. Maliit at may kutis na kayumanggi ang mga katangi na
matatagpuan kay Kapitan Tiago. Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral sa lohika sa tulong ng
isang Dominikong kaibigan. Sa tirahan ni Kapitan Tiyago ay makikita ang isang magandang
kapilya na puno ng santo’t santa. Isang dalaga mula Sta Cruz ang napangasawa ni Kapitan
Tiyago, siya ay si Donya Pia. Ang pagsasama nila ng anim na taon ni Donya Pia ay biniyayaan
ng isang sanggol na babae, pinangalanan siyang Maria Clara. Ngunit sa pagdating ni Maria
Clara, isang napakaselang paglilihi ang dinanas ni Donya Pia at namatay dahil sa napakataas
na lagnat na dumapo sa kanya.. Sa pangangalaga ni Tiya Isabel ay lumaki si Maria Clara na
naninirahan sa San Diego. Dumating ang araw kung kailan makikita na ni Maria Clara si
Ibarra, at sa simbahan pa lang ay di na mapakali. Halos pitong taon din ang lumipas na
hindi nagkita ang dalawang magsing-irog. Nagkita ang dalawa sa asotea at doon nag-usap.
Nagkaroon ng masinsinang usapan tungkol sa kanilang nararamdaman at sumpaan sa
isa’t-isa. Isinumbat din ni Maria ang paglayo upang mag-aral at lumayo daw siya para gawin
ang mga higit na mahalagang bagay. Ang mga liham ni Ibarra kay Maria Clara bago siya
nagtungo papuntang Europa ay kanya din ipinakita. Habang nagbabasa si Maria Clara ay
pinatigil siya ni Ibarra dahil naalala niyang marami pa siyang gagawin kaya’t dali-dali siyang
nagpaalam at umuwi para makahabol sa nalalapit na undas. Ang kalungkutang
nararamdaman ni Ibarra sa pag-alis niya sa bahay ni Maria Clara ay napalitan ng kagalakan
nang libutin niya ang kamaynilaan sakay sa kalesa. Habang sa paglalakbay, natanaw ni
Ibarra ang pagbabago sa Escolta at ang dating hilera ng bodega ay naging mga gusali na.
Habang patuloy na nagmamasid si Ibarra sa paligid ay may natanaw siyang isang
karwaheng papalapit sa kanya. Nakasakay doon si Padre Damaso na nakakunot ang noo at
tila may malalim na iniisip. Si Padre Damaso ay papunta dapat sa bahay ni Kapitan Tiago
nang nakasalubong nito si Ibarra.

Muling pinasaringan ni Padre Damason ang binata. Nang hamakin ang alaala ng kanyang
ama, hindi na nakapagpigil si Ibarra at tinangkang saksakin ang pari, ngunit napigilan ito ni
Maria Clara. Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo
ng simbahang Katoliko Romano. Nais ng pari na ang mapangasawa ni Maria Clara ay si
Linares na isang binatang kastila na bagong dating sa Pilipinas. Habang ginaganap ang
handaan sa bahay ni Kapitan Tiyago ang kasal, nakatakas si Ibarra sa tulong ng kanyang
kaibigan na si Elias. Sumakay sila sa bangka at tinunton ang Ilog Pasig hanggang makarating
Lawa ng Bay. Naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito
kaya naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kaya
hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at
magkulay-dugo ang tubig. Nalaman ni Maria Clara na si Ibarra’y napatay ng mga Sibil. Ang
dalaga’y nalungkot kaya’t hiniling niya kay Padre Damaso na siya;y ipasok sa jumbento ng
Santa Clara upang magmadre. Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat
ng mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala
nang buhay. Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi nakikita ang
pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang
mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.
Rubrik sa Gawain:

Mabisang Pagsusuring Pagsusuring Lalim ng


Panimula pangnilalalaman Pangkaisipan pagsusuri

10 puntos 15 Puntos 10 Puntos 15 Puntos

You might also like