You are on page 1of 8

Isulat ang buod ng noli at el fili.

Pagbatayan ang lesson/module 10

1. Isulat ang mga tauhan (noli/el fili)

2. Mga gampanin ng tauhan (noli/el fili)

3. Buod ng noli at el file

NOLI ME TANGERE

MGA TAUHAN MGA GAMPANIN


DON SANTIAGO DELOS SANTOS Ama-amahan ni Maria Clara; kaibigan ng
maykapangyarihan
TENYENTE GUEVARRA Tenyente ng mga guwardiya sibil na kaibigan
ni Don Rafael Ibarra.

PARI SIBYLA Kura sa San Diego at propesor sa kolehiyo ng


San Juan de Letran.
PARI DAMASO Isang paring totoong mapusok at may
dalawampung taong kura ng San Diego.

DON TIBURCIO DE ESPADANA Asawa ni Donya Victorina; pipilay-pilay at utal.

DONYA VICTORINA DE ESPADANA Asawa ni Don Tiburcio; indiya na


nagkukunwaring Europeo.
DON CRISOSTOMO IBARRA Anak ni Don Rafael Ibarra; kasintahan ni Maria
Clara.
MARIA CLARA Babaing kahali-halina na kalalabas pa lamang
ng beateryo.
TIYA ISABEL Kapatid ni Kapitan Tiago; nag-alaga kay Maria
Clara.
PIA ALBA Asawa ni Kapitan Tiago na taga-Santa Cruz.

DON SATURNINO Lolo o nuno ni Crisostomo Ibarra.

PARI SALVI Ang kurang humalili kay Pari Damaso sa San


Diego.
ALPERES Pinuno ng guwardiya sibil at kaaway ni Pari
Salvi
DONYA CONSOLACION Asawa ng alperes.

PILOSOPO TASYO Dahil sa kaisipang masyadong makabago ay


hindi maunawaan ng mga tao at sinasabing
isang baliw.
BASILIO AT CRISPIN Mga sakristan.

SISA Ina ni Crispin at Basilio.

ELIAS . Isang bangkero na kaibigan ni Ibarra.

TAONG MADILAW Ang nabagsakan ng kalo na siya rin ang may


gawa.

KAPITAN PABLO Pinuno ng mga tulisan.

SALOME Kasintahan ni Elias.

BUOD NG NOLI ME TANGERE

May dinaraos na isang malaking pagdiriwang sa Kalye Anloague sa tahanan ni Kapitan


Tiyago, bilang pagbibigay karangalan kay Juan Crisostomo Ibarra sa muli niyang
pagbabalik sa Pilipinas. Naging tampok sa pagsasaya ang mga naging karanasan at
pag-aaral ni Ibarra sa ibang bansa sa loob ng pitong taon. Sa kabila ng pagsasaya ng
lahat ay siya namang naggagaliiting ni Padre Damaso, nang dahil sa kinakain niyang
tinolang manok na may matigas na pakpak at leeg. Matapos maghapunan ay
nagpaalam na si Ibarra sa kaniyang panahuin dahil madami pa siyang dapat na tapusin.
Habang papunta si Ibarra sa hotel na kanyang tinutuluyan ay sumabay si Tenyente
Guevarra. Kasabay nito ay isinalaysay niya ang tunay na sinapit ni Don Rafael Ibarra,
Ama ni Crisostomo Ibarra. Aniya ang ama ni Ibarra ay isang matapang na tao, iniligtas
niya ang bata sa kamay ng isang walang pinag-aralan kolektor na Kastila. Naitulak nito
ang kastila kung kaya ito’y namatay at siyang naging dahilan nang pagkakakulong nito.
Sa bilangguan naman inabot ng kamatayan si Don Rafael. Nagpasalamat si Ibarra sa
inihayag ni Tenyente Guevarra.

Dinalaw ni Ibarra ang kanyang katipan at matapos niya itong dalawin ay nagpasya
siyang dalawin ang puntod ng kanyang ama. Ngunit hindi niya inaasahan ang maririnig
niyang kuwento ng sepulturero, ukol sa ginawang di katanggap-tanggap sa bangkay ni
Don Rafael Ibarra. Sinabi niya na ang bangkay ni Don Rafael ay pinakuha ng pari at
ililipat dapat sa libingan ng mga Instik. Ngunit dahil sa maulan at mabigat ang bangkay
itinapon na lamang ito sa lawa. Lubos na nagdulot ng sakit at galit kay Crisostomo ang
narinig niyang balita. Dahil dito napagbalingan niya ng galit si Padre Salvi, noong ito ay
kanyang nasalubong sa labas ng libingan. Ngunit agad naman sinaad ni Padre Salvi na
wala siyang kinalaman sa nangyari sa kanyang ama, dahil hindi pa siya ang kura noon
sa San Diego.

Sa unang pagkikita nila Ibarra at Elias ay hindi sinasadyang pangyayari. Na kung saan
lumalaban siya sa isang buwaya. Noong makita ni Ibarra si Elias na hindi niya
kakayanin ang buwaya agad niya itong tinulungan. Matapos iyon dumating ang mga
guwardiya sibil upang tugisin si Elias, ngunit hindi sila nagtagumpay.

Dinalaw ni Ibarra si Pilosopo Tasyo upang isangguni ang panukalang magpatayo ng paaralan
na kaniyang ihahandog sa mga taga-San Diego. Ngunit sinabi nang pilosopo na walang
kahihinatnan ang proyektonito. Itinuloy pa din ni Ibarra ang kanyang proyekto at sa araw ng
pagbabasbas ay binigyan ni Elias si Ibarra ng isang babala na dapat siyang mag-ingat. Sa hindi
inaasahan na pangyayari ay bumagsak ang kalo, na agad naman iniligtas ni Elias si Ibarra at
ang taong madilaw ang siyang tinamaan ng sarili niyang gawa. Matapos ang pagbabasbas ay
nagkaroon ng salu-salo. Na kung saan hinamak ni Padre Damaso ang gunita ng ama ni Ibarra,
na siyang nagpakawala sa galit nito. Animoy nawala sa sarili si Ibarra at akmang sasaktan ang
pari gamit ang patalim na nakuha sa hapag-kainan, ngunit agad naman itong napigilan ni Maria
Clara.

Dahil sa pangyayaring iyon nagdulot ng pagkapatid ang pagmamahalan nila Ibarra at Maria
Clara at pagkakatiwalag niya sa simbahang Katoliko. Nagdulot din ito ng pagkasakit ng katipan
ni Ibarra. Agad namang nagtungo sa Maynila si Ibarra upang maiayos ang pagkakatiwalag niya
sa simbahang Katoliko at tinulungan siya nang Kapitan Heneral ay pinatawan na rin ng
Arsobispo si Ibarra at pinabalik at tinanggap muli sa simbahan.

Mas lalo pang umusbong ang galit ng mga kaaway ni Ibarra. Gumawa sila ng paraan
upang maituro si Ibarra bilang utak ng mga nag-aalsa. Na siya naman pinaniwalaan ni
Alperes agad naman niya pinadakip at ikinulong si Ibarra. Nakalaya na sana si Ibarra
ngunit pilit siyang idinidiin ng kanyang mga kaaway. Inilatag nila ang mga sulat niya kay
Maria Clara bilang ebidensiya na wala namang kinalaman sa inaakusa sa kaniya.

Nakatakas si Ibarra sa tulong ni Elias at sila ay nagtungo kay Maria Clara. At dito
inilahad ni Ibarra ang kanyang saloobin sa kanyang katipan. Ngunit isinaad ni Maria
Clara na siya ay napilitan lamang ibinigay ang mga sulat ni Ibarra. Kapalit ng mga sulat
nang kanyang ina na kung saan nagsasaad na si Padre Damaso ang tunay niyang
ama. At pakakasalan din niya si Linares ngunit si Ibarra pa din ang laman ng kaniyang
puso.

Patuloy sa pagtakas sila Elias at Ibarra napansin nila na patuloy pa din silang tinutugis
ng mga guwardiya sibil. Inutusan ni Elias si Ibarra na magtago sa mga damo na nasa
Bangka. At si Elias ay tumalon sa tubig upang iligaw ang mga taga-tugis. Inakala ni
Maria Clara na napaslang si Ibarra kung kaya siya ay humiling kay Padre Damaso, na
siya ay pumasok na lamang sa kumbento. Lingid sa kanilang kaalaman buhay at
nakaligtas si Ibarra ngunit walang may alam kung nasaan siya.

Si Elias naman sy nakarating sa gubat na puno ng sugat at naghihingalo. Namataan


niya si Balisio na kung saan umiiyak sa pagkawala ng kanyang ina. Sinabi niya sa
batang Basilio na sa paglipas ng panahon ay maghukay siya at makikita niya ang mga
kayamanan. At gamitin niya ang mga ito sa kanyang pag-aaral. Ibinilin din niya na
sunugin ni Basilio ang kanyang labi at ang labi ni Sisa ina ni Basilio.

EL FILIBUSTERISMO
MGA TAUHAN MGA GAMPANIN
SIMUON Ang makapangyarihang mangangalakal.
BASILIO Ang binatang nag-aral ng medisina at kasinatahan ni Juli.

JULI Ang pumili ng kamatayan huwag lamang madungisan ang


karangalan.
ISAGANI Ang makatang kasintahan ni Paulita Gomez.

KABESANG TALES Ang inagawan ng lupa ng mga pari sa Tiani at naging


kalaban ng pamahalaan sa ilalim ng sagisag na
Matanglawin.

PADRE FLORENTINO Ang matalinong paring Filipino.

PADRE CAMORA Ang mapanganib na kura.

SANDOVAL Ang estudyanteng Kastila na kaisa ng mga mag-aaral na


Pilipino na nagnanais na mag-aral ng Kastila.
MAKARAIG Ang puno ng mag-aaral na Pilipino.

PADRE MILLON Ang dominikanong magtuturo ng Pisika na walang mga


instrumento sa Pamantasan ng Santo Tomas.
JUANITO PELAEZ Ang naging kaagaw ni Isagani sa pag-ibig ni Paulita
Gomez.
PLACIDO PENITENTE Ang matalinong estudyanteng taga-Batangas na lubhang
sumusumpa sa makalumang pamamaraan ng pagtuturo ng
panahong iyon.
KABESANG ANDANG Ang ina ni Placido Penitente

DON TIMOTEO Ang ama ni Juanito Pelaez

PADRE FERNANDEZ Ang dominikanong paring kaibigan ni Isagani.

SEÑOR PASTA Ang abogadong Pilipino na ayaw tumulong sa mga


kabataan sa paghiling sa pamahalaan ng ilang pagbabago.
TANO Ang kapatid ni Juli.

TANDANG SELO Ang ama ni Kabesang Tales.


PEPAY Ang magandang mananayaw.

BEN ZAYB Ang mamamahayag.

BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

Ang nobela ay nagsisimula sa eksena sa ilog-Pasig at dito’y ang bapor Tabo ay


patungo sa Laguna. Lulan nito ang matataas na pinuno ng pamahalaan, mga prayle, si
Isagani, si Basilio, ilang indio, mangangalakal na Intsik at mga estudyanteng pauwi na
buhat sa Maynila.

Lulan din ng bapor Tabo ang nagbabalik bansa na si Ibarra na nagkukubli bilang si
Simon na mag-aalahas. Siya ay naging kaibigan at tagapayo ng Kapitan Heneral ng
Cuba. Nagbalik bansa siya sa tulong ni Quiroga isang mayamang Intsik ,upang sagipin
si Maria Clara sa kubento ng Sta.Clara at maghiganti sa pamamagitan ng
paghihimagsik. Upang maisagawa niya ang kanyang layunin na mas lalong pasamain
ang pamahalaan sa mata ng mga lupinan, ng sagayon ay umusbong pa ang kanilang
galit sa mga namamahala. Bilang pagtupad sa kanyang layunin una niyang kinaibigan
ang mga opisyales at sumang-ayon sa kanilang di magandang pakay sa mga
mamamayan. Kasabay nito’y lihim din na nakikipagkita si Simon sa mga taong inapi at
biktima ng kabuktutan ng mga Kastila upang hikayatin silang maghimagsik.

Nagtagpo sila Simon at Basilio na hindi sinasadyang pangyayari. Sa may matandang


sementeryo, na kung saan dadalawin dapat ni Basilio ang labi ng kanyang ina at si
Simon naman ay upang kunin ang kanyang ibinaon na yaman. Nakilala siya ni Basilio
kamang babarilin niya ito ay naisip na lamang niya itong hikayatin ngunit ito ay
tumanggi sa alok. Kung kaya sinabi na lamang ni Simon kay Basilio na ilihim ang
kanyang nalaman at kung sakaling magbago ang kaniyang pasya ay sinabi na lamang
nito kung saan siya makikita. Ngunit ang pasya ni Basilio ay nagbago noong minsan ay
humihingi sila ng pahintulot mula sa pamahalaan. Ito’y minasama ng mga Kastila at
sila’y hinuli. Tinulungan ni Simon si Basilio upang mapakawalan sa bilangguan. At dahil
ditto sumang-ayon na si Basilio sa nais ni Simon.

Unang plano nila ay ang pagsalakay sa kubento Sta.Clara at sagipin si Maria Clara.
Ngunit isinambit ni Basilio na namayapa na si Maria Clara at dito gumunaw ang mundo
ni Simon. Labis na dinamdam ni Simon ang balita at siya’y nagkasakit ng ilang buwan
kaya ang unang tangkang rebolusyon ay naging bigo.

Pangalawang plano nagsagawa si Simon ng plano sa piging nila Paulita Gomez at


Juanito Pelaez. Na kung saan siya ay magbibigay ng regaling lampara may lamang
pampasabog. Sa kanilang pakana, sasabog ang buong bahay pati na ang mga opisyal
ng pamahalaan at mga prayle na nandoroon. Sina Basilio at Simuon lamang ang
nakakaalam nito. Ito ang magiging hudyat ng sabay-sabay na pagsabog ng lahat ng
mga gusali ng pamahalaan sa Maynila ng mga tauhan ni Simuon.

Dumalo na si Simon sa piging dala ang lamparang susi sa kanyang plano, sa ibaba
naman’y naroon si Basilio. Nasa piging ang mga matataas na opisyales at si Isagani na
tinanggihan ng pag-ibig ni Paulita. Noong sinindihan na ang lampara ay sinabihan ni
Basilio si Isagani na lumayo dahil sasabog ang lamparang dala ni Simon. Ngunit ang
binate ay mas piniling lumapit at kunin ang lampara upang ihagis sa ilog para masagip
si Paulita. Dahil ditto ay nabigo ang plano at nalaman ng mga opisyal ang plano ni
Simon. Dali-daling tumakas si Simon at nagtungo kay Padre Florentino bitbit ang
kanyang kayamanan. Nalaman ng mga guwardiya sibil na siya ay nagtungo sa tahanan
ni Padre Florentino, kung kaya iniutos ni Tenyente Perez na dakpin siya. Ngunit huli na
ang lahat dahil uminom ng lason si Simon at inumpisa na niyang magkumpisal sa
kanyang mga plano.

Sinabi na niya ang tunay niyang pagkatao at ang kanyang mga layunin upang gumanti.
Sa pamamagitan ng balak niyang sirain ang kanyang mga kaaway at kaibigan para sa
layunin niyang makasarili.
Inalo ni Padre Florentino si Simuon at sinabi niyang ang Diyos ay mapagpapatawad sa
kaniya. Namatay si Simuon sa harapan ni Padre Florentino. Kinuha ng pari ang kaban
ng yaman na naiwan ni Simuon, nagtungo siya sa tabi ng dagat at dito itinapon ang
kaban ng yaman upang huwag nang magamit pang muli sa kasamaan.

You might also like