You are on page 1of 3

Aglagadan, Gian Kaye V.

III - BSA
Magbalik-tanaw sa elemento ng nobelang Noli Me Tangere ni Rizal

A. TAUHAN
(Magbigay ng ilang pangunahing tauhan at ilarawan.)

1. Si Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin o Crisostomo o Ibarra, ay isang


binatang nag-aral sa Europa. Nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang
matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
2. Si Maria Clara de los Santos y Alba o Maria Clara, ay ang mayuming
kasintahan ni Crisostomo. mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang
ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.
3. Si Damaso Verdolagas o Padre Damaso, ay isang kurang Pransiskano na
napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San
Diego; tunay na ama ni Maria Clara.
4. Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago, ay isang mangangalakal na
tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.
5. Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala
ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.
6. Si Narcisa o Sisa, ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang
pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.
7. Sina Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan
at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
8. Si Don Anastasio o Pilosopo Tasio, ay maalam na matandang tagapayo ng
marurunong na mamamayan ng San Diego.
9. Si Donya Victorina de los Reyes de Espadaña o Donya Victorina, ay isang
babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete
sa mukha at maling pangangastila. Mahilig niyang lagyan ng isa pang “de” ang
pangalan niya dahil nagdudulot ito ng “kalidad” sa pangalan niya.

B. TAGPUAN

1. Sa bayan ng San Diego, pinaka sentro ng tagpuan ng nobela, kung saan


nagmula ang panunahing tauhan na si Crisostomo Ibarra
2. Sa kubyerta mula sa unang kabanata ng nobela
3. Sa Maynila
4. Sa simbahan at kumbento sa bayan ng San Diego
5. Sa bahay ni Kapitan Tiyago kung saan naganap ang piging at pagkakagulo.
6. Sa bahay ni Crisostomo Ibarra
7. Sa bahay at libingan ni Sisa
Aglagadan, Gian Kaye V.
III - BSA
8. Sa Unibersidad ng San Juan de Letran, Ateneo at Santo Tomas kung saan nag-
aaral sina Basilio, Placido Penitente, Isagani at iba pa.
9. Sa baybayin ng lawa sa bayan ng San Diego kung saan pinagbabaril si Elias ng
mga guwardiya sibil dahil sa pagliigtas nito kay Ibarra.
10. Sa sabungan
11. Sa kagubatan kung saan nagpiknik ang grupo ni Ibarra

C. BANGHAY

Si Crisostomo Ibarra, isang binatang nag-aral ng mahigit pitong taon sa bansang


Europa. Siya ay nagmula sa isang prominenteng angkan sa bayan ng San Diego. Nang
umuwi sa Pilipinas, naghandog ng isang piging ang tanyag na si Kapitan Tiyago.
Imbitado sa salu-salo ang mga Pransiskanong prayle na sina Padre Salvi at Padre
Damaso.
Matapos ang salu-salo, binisita naman niya ang kanyang kasintahang nagngangalang
si Maria Clara, na anak-anakan ni Kapitan Tiyago. Inalala nilang dalawa ang kanilang
ppag-iibigan at matamis pagmamahalan sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga liham
na ipinadala nila sa isa’t-isa noong naninirahan pa si Ibarra sa Europa.
Nang papauwi na sa kanyang tahanan, nakipagkwentuhan si Ibarra sa matalik na
kaibigan ng kanilang pamilya na si Tinyente Gueverra. Ibinahagi ng Tinyente ang
malagim na sinapit ng kanyang ama sa kamay ni Padre Damaso.
Bagamat hindi nagging maganda ang pagtrato ng prayle kay Don Rafael, pinili na
lamang niya na abutin ang kanyang pangarap na makapagpatayo ng paaralan sa
kaniyang bayan sa San Diego.
Sa kasamaang palad, naging madilim ang kinabukasan ni Ibarra matapos siyang itakwil
ng simbahan at mapagbintangan na nag-oorganisa ng isang rebelyon laban sa kanila.
Tinugis at pinaghahanap siya ng gwardya sibil, ngunit nailigtas siya ni Elias, isang
rebelde na tumutuligsa sa mga pang-aapi ng mga dayuhan. Tinangka nilang tumakas
palabas ng lawa ng Bay, ngunit sila ay naabutan at nahuli.
Upang iligaw ang mga tumutugis, sumakay si Elias sa bangka para mailigtas si Ibarra.
Ngunit siya ay pinagbabaril hanggang sa mapuno ng kulay pula ang tubig sa lawa.
Nagtapos ito kung saan humimlay si Elias at sinabing hindi na niya masisilayan pa ang
bukang liwayway.
Aglagadan, Gian Kaye V.
III - BSA
D. TUNGGALIAN

1. Tunggalian ng Tao laban sa Tao: Pag-igting ng pangyayari dulot ng pangyayari


sa isang tao at kapwa tao. Ang tunggaliang ito ay naipakita nina Sida at Doña
Consolacion. Ang pangyayaring ito ay naganap nang inutusan ni Doña
Consolacion si Sisa na kumanta at sumayaw gamit ang wikang Kastila na siyang
nakapaglito kay Sisa. Pinahinto ni Doña Consolacion si Sisa dahil sa malungkot
at emosyonal nitong kanta at sa paggamit ng wikang tagalog na naging dahilan
sa pagkahiya ni Doña Consolacion.
2. Tunggalian ng Tao laban sa Lipunan: Ang pagkabigo o pagkatagumpay ng tao
sa mundong ginagalawan. Ang tunggaliang ito ay napapakita ng karanasan ng
isang guro noon. Ang mga paaralan sa unang panahon ay matatagpuan sa
silong ng kumbento at sa tabi ng karwahe ng kura. Ikinagalit ni Padre Damaso
ang malakas na boses ng mga bata sa pagbabasa. Dahil dito, hinamak ang guro
ng mga kura.
3. Tunggalian ng Tao laban sa Sarili: Tunggaliang umigting sa pagitan ng isang tao
at sa kanyang sarili. Maigting ang ganitong sitwasyon sa karanasan ng isang
guro ng matuklasan niyang hindi makakatulong ang pamamalo sa pag-aaral ng
mga bata.Dahil dito, pinalitan niya ang paraan ng kanyang pagtuturo. Ipinatawag
siya ng kuro dahil sa pagtigil ng pamamalo niya sa mga bata aty iniutusang ibalik
ang pamamalo. Pati na rin ang mga magulang ng mga bata ay magdedesisyong
patigilin ang mga bata sa pag-aaral kung walang pamamalo. Pinilit na lamang ng
guro na ibalik ang pamamalo kahit na labag ito sa kanyang kalooban.

E. TEMA

Ang tema ng Noli Me Tangere ay tungkol sa pagtrato at pang-aabuso ng mga


prayle sa mga Pilipino noong panahon ng Kastila. Ang nobelang ito ay umikot sa
kasikaman, diskriminasyon at pagkahayok sa kapangyarihan ng mga mananakop na
ginagamit pa ang pangalan ng Diyos para maisagawa ang kanilang planong masupil
ang kalayaan.
Ang paunang salita ng "Noli me Tangere" ay nagsasaad ng layunin ng may-akda
nito, na walang iba kundi ilantad ang mga pagdurusa ng mamamayang Pilipino sa
paningin ng publiko, tulad ng ginawa ng mga sinaunang tao sa kanilang mga maysakit
upang ang maawain at mapagbigay ay maaaring magmungkahi at maglagay ng angkop
na pangangalaga.

You might also like