You are on page 1of 9

Skip to content

Panitikan.com.ph
 Buod

 Sanaysay

 Talumpati

 ATBP
o
o
o
o

Noli Me Tangere – Tauhan at Katangian


Home > Buod > Noli Me Tangere > Mga Tauhan
Table of Contents show

Sadyang napakaraming mga tauhan sa nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose


Rizal. Ang bawat karakter sa kwento ay may mga sinisimbulo sa lipunang
ginagalawan ng ating pambansang bayani. Alamin kung sinu-sino ang mga
tauhan sa kwento at kung anu-anong mga papel ang kanilang ginampanan.
₱49.00
Show Product »

Crisostomo Ibarra
Si Ibarra ay isa sa mga pangunahing tauhan sa nobela. Siya ang nag-iisang anak
at tagapag-mana ni Don Rafael Ibarra. Dahil siya ay nagmula sa mayamang
pamilya, nagkaroon siya ng pagkakataon na makapag-aral sa Europa. Matapos
ang kanyang pamamalagi sa Europa, siya ay nagpasyang umuwi.

Matagal na niyang pangarap na makapag-patayo ng isang iskwelahan upang


mapaunlad ang kinabukasan ng mga bata sa kanilang bayan.

Siya ay itinuring na eskumulgado matapos niyang tangkain na saksakin ang


Pransiskanong prayle na si Padre Damaso. Bagamat siya ay pinalusot sa unang
pagkakataong, nadawit siya sa isang pag-aalsa kaya tuluyan siyang tinugis ng
mga kinauukulan.

Maria Clara
Si Maria Clara ay ang pinakamamahal na babae ni Ibarra. Siya ay itinuturing na
pinakaganda sa buong bayan. Kilala rin ang dalaga sa kanyang angking
kayumian. Sa mga unang kabanata, ipinakita na si Maria Clara ay ang nag-iisang
anak ni Kapitan Tiago at Donya Pia Alba. Ngunit nang naglaon, ibinunyag niya
kay Ibarra na siya ay anak ni Padre Damaso.

Elias
Si Elias ang magsasakang nagpakita kay Ibarra ng tunay na sitwasyon sa kanilang
bayan. Bagamat siya ay kabilang sa angkan na kaaway ng mga Ibarra,
isinakripisyo niya ang kanyang buhay para mailigtas si Crisostomo nang
sinubukan nilang tumakas papalabas sa lawa ng Bay. Nang siya ay nakarating sa
kagubatan ng mga Ibarra at nag-aagaw buhay, sinabi niyang hindi man lang niya.

Kapitan Tiago
Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago ay isang kilalang Pilipinong elitista.
Dahil sa kanyang mataas na posisyon sa lipunan, malapit siya sa mga
Pransiskanong prayle na sina Padre Salvi at Padre Damaso.
Wala siyang ibang gusto para sa kanyang nag-iisang anak na si Maria Clara kundi
makapag-asawa ng mayaman at maimpluwensyang binata. Kaya ganun na
lamang niya kabilis talikuran ang napagkasunduang pagpapakasal ni Maria Clara
kay Ibarra matapos itong itiwalag ng simbahan.

Padre Salvi
Si Padre Salvi ay isa mga Pransiskanong prayle na namumuno sa San Diego. Siya
ay kilala bilang isang mapaglinlang na pari na ginagamit ang kanyang posisyon
sa lipunan upang mapalakas ang kanyang impluwensya sa buong bayan.
Mayroon siyang lihim na pagtingin kay Maria Clara kaya gumawa siya ng paraan
upang masira ang reputasyon ni Ibarra. Si Padre Salvi ang nag-organisa ng
rebelyon laban sa mga Gwardya Sibil at pinaniwala ang mga kinauukulan na si
Ibarra ang nasa likod nito.

Padre Damaso
Kilala si Padre Damaso na isang arroganteng at malupit pari na hindi marunong
magsalita ng Filipino kahit pa matagal na siyang naninirahan at nakikinig sa mga
kumpisal ng mga taga San Diego.

Tuwing may kumakalaban sa kanya, ginagamit niya ang kanyang mataas na


posisyon sa simbahan upang magpataw ng parusa gaya na lamang ng
ekskomunikayon. Siya ang tunay na ama ni Maria Clara matapos maki-apid sa
kanya si Donya Pia Alba. Nakalaban siya ng ama ni Ibarra na si Don Rafael. Dahil
dito ay nakulong si Don Rafael at namatay habang nasa kulungan. Siya ang
naging mortal na kalaban ni Ibarra sa buong nobela.

Pilosopong Tasyo
Si Tandang Tasyo o Don Anastasio ay isa sa mga karakter na kumakampi kay
Ibarra. Kilala siya sa kanyang kakaibang pananaw sa mundo. Siya ang
sumisimbolo sa mga taong walang pakialam sa iniisip ng iba. Sa kasamaang
palad, dahil mas gusto niyang mapag-isa, namatay siyang walang kasama.

Crispin
Si Crispin ay anak ni Sisa na isang sakristan sa simbahan ng San Diego. Kasama
ang kanyang kuya na si Basilio, nagtratrabaho siya upang makapagbigay ng pera
sa kanilang ina na si Sisa. Sa kasamaang palad, napagbintangan siyang nagnakaw
ng pera sa simbahan kaya napilitan siyang magtrabaho upang mabayadan ang
kanyang utang.

Isang gabi, plinano nilang magkapatid na bumisita sa kanilang ina, ngunit


pinigilan sila ng punong maestro ng mga sakristan. Nang sinagot ni Crispin ang
punong maestro, pinalo siya ng paulit-ulit. Wala ng nakakita pa sa binata
matapos ang naturang pagmamaltrato sa kanya ng simbahan.

Basilio
Siya ang nakakatandang kapatid ni Crispin. Tulad ng kanyang kapatid,
nagsasanay rin siya upang maging sakristan. Sinubukan niyang hanapin ang
kanyang kapatid matapos iton kaladkarin ng punong maestro ng mga sakristan.

Sa kasawiang palad, hindi na niya nahanap ito. Tumakas na lang siya at nagtungo
sa tahanan ng kanyang ina. Nagpaalam siya na magtratrabaho na lamang kay
Crisostomo Ibarra.

Don Tiburcio
Si Doctor Tiburcio de Espadaña ay isang Espanyol na nang-gagamot ng mga tao
kahit hindi naman isang tunay na doctor. Bagamat walang sapat na kaalaman sa
medisina, sinisingil niya ang kanyang mga pasyenteng ng napakataas na bayad.
Akala ng maraming tao na tunay siyang doctor dahil sa kanyang mataas na singil.

Sa kalaunan, nalaman ng mga tao na isa siyang pekeng doktor, kaya napilitan
siyang humanap ng ibang pangkabuhayan.

Donya Victorina
Si Donya Victorina ay isang pilipinong babae na nakapangasawa ng isang
Espanyol na nag-ngangalang Don Tiburcio.
Walang ibang bagay na pinapahalagahan si Donya Victorina kundi ang pag-
ingatan ang kanyang imahe bilang isang elitista. Siya ang nagsuhestiyon na
ipakasal si Maria Clara sa kanyang pamangking si Linares.

Tinyente Guevarra
Siya ay isang nakakatandang Gwardya Sibil na lubos na rumerespeto sa pamilya
ng mga Ibarra. Ibinunyag niya kay Crisostomo kung paano nakulong ang
kanyang ama na si Don Rafael dahil siya ay nabansagang erehe at pilibustero.

Idinetalye niya kung paano ipinahukay ang mga labi ni Don Rafael at pinalipat sa
libingan ng mga Instik ng kalaban nitong si Padre Damaso.

Linares
Ipinagkasundo siyang ipakasal kay Maria Clara matapos itakwil ng simbahan si
Ibarra. Si Linares ay pamangkin ni Don Tiburcio. Siya ay nagtapos ng abogasya sa
Espanya at itinuturing na pinakamatalino sa angkan ng mga de Espadaña.

Pumayag si Padre Damaso na makasal si Linares sa kanyang anak na si Maria


Clara upang hindi makatuluyan ng dalaga ang kalaban niyang si Crisostomo
Ibarra.

Ang kwento ng Noli Me Tangere ay isa sa mga pinaka-importanteng nobela na


nailimbag sa panahon ng mga Kastila. Ngayon ito ay parte ng kurikulum ng mga
mag-aaral sa hayskul.

report this ad
Search for:
Buhay Estudyante

TOP 6: Paraan Kung Paano Maging Mahusay Na Estudyante

About Us
Privacy Policy | Contact Us
www.Panitikan.com.ph
© 2019 - 2020
Close
 Home
 Buod
 Sanaysay
 Talumpati
 Salawikain
 Estudyante Life
 People
 Katanungan (Q&A)
Mga Pangunahing Tauhan
Crisostomo Ibarra
Si Juan Crisostomó Ibárra y Magsálin (o Crisostomo o Ibarra), ay isang binatang nag-aral sa
Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng
mga kabataan ng San Diego. Siya ay kababata at kasintahan ni Maria Clara. Siya ay sagisag ng
mga Pilipinong nakapag-aral na maituturing na may maunlad at makabagong kaisipan.[2]

Maria Clara
Si Mariá Clara de los Santos y Alba (o Maria Clara), ay ang mayuming kasintahan ni Crisostomo;
mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kaniyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.
Siya ang kumakatawan sa uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at nagkaroon ng edukasyong
nakasalig sa doktrina ng relihiyon. Siya ay inilarawan bilang maganda, relihiyosa, masunurin,
matapat, at mapagpasakit.[2]

Padre Damaso
Si Dámaso Verdolagas (o Padre Damaso), ay isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang
parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego. Siya ang tunay na ama ni
Maria Clara.

Kapitan Tiago
Si Don Santiago de los Santos (o Kapitan Tiago), ay isang mangangalakal na tiga-Binondo na
asawa ni Pia Alba at ama-amahan ni Maria Clara. Siya ay mapagpanggap at laging masunurin sa
nakatataas sa kaniya, [2]

Elias
Si Elias ay isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kaniyang bayan
at ang mga suliranin nito.

Sisa, Crispin, at Basilio


 Si Narcisa (o Sisa), ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng
asawang pabaya at malupit.

 Sina Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog ng
kampana sa simbahan ng San Diego.
Pilosopo Tasyo
Si Don Anastasio o Pilosopo Tasyo, ay isang pantas at maalam na matandang tagapayo ng
marurunong na mamamayan ng San Diego. Kadalasan siyang tinatawag na baliw dahil hindi
maunawaan ng mga mangmang ang katalinuhan niya.

Donya Victorina
Si Donya Victorina de los Reyes de Espadaña o Donya Victorina, ay isang babaing
nagpapanggap na mestisang Kastila kung kayâ abot-abot ang kolorete sa mukha at maling
pangangastila. Mahilig niyang lagyan ng isa pang "de" ang pangalan niya dahil nagdudulot ito ng
"kalidad" sa pangalan niya.

Ibang Tauhan
 Padre Salvi o Bernardo Salvi- kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na
pagtatangi kay Maria Clara.
 Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari
ng Italya ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)
 Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dáting abandera na may malaswang bibig at
pag-uugali.
 Don Tiburcio de Espadaña - isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa
paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
 Alfonso Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso
na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.
 Don Filipo - tenyente mayor na mahilig magbasá ng Latin
 Señor Nyor Juan - namahala ng mga gawain sa pagpapatayô ng paaralan.
 Lucas - kapatid ng táong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay
Ibarra.
 Tarsilo at Bruno - magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
 Tiya Isabel - hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
 Donya Pia Alba - masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y
maisilang.
 Inday, Sinang, Victoria, at Andeng - mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego
 Kapitan-Heneral - pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-
ekskomunyon si Ibarra.
 Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa
yaman kung kaya nataguriang erehe.
 Don Saturnino - lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
 Balat - nuno ni Elias na naging isang tulisan
 Don Pedro Eibarramendia - ama ni Don Saturnino; nuno ni Crisostomo
 Mang Pablo - pinúnò ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
 Kapitan Basilio - ilan sa mga kapitán ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan
Valentin; ama ni Sinang
 Tenyente Guevarra - isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay
Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kaniyang ama.
 Kapitana Maria - tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa
alaala ng ama.
 Padre Sibyla - paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
 Albino - dáting seminarista na nakasáma sa piknik sa lawa.

You might also like