Professional Documents
Culture Documents
Isa ang Noli sa mga obra maestra ng ating pambansang bayani si Dr. Jose Rizal. Ang nasabing
nobela ang siyang nagmulat sa kaisipan at nagpa-alab ng damdamin ng mga Pilipino noong mga
panahon ng Kastila.
Sa pananaw ng mga Kastila, ang Noli Me Tangere ay isang subersibong babasahin. Ito ay
patagong sinulat at inilimbag ni Dr. Jose Rizal. Ito ay sumikat hindi lamang sa ating bansa, kundi
pati na rin sa mga banyagang bansa kung saan nakatira ang mga kaibigan at taga suporta ng ating
dakilang pambansang bayani.
Introduksyon sa kwento
Ang naturang kwento ay umikot sa kwento nila Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Padre Damaso,
Kapitan Tiago, Sisa, Crispin at Basilio.
Ang nobela ay mayroong animnapu’t apat na kabanata. Ito ay inilathala noong 1887 sa Berlin,
Germany.
Buod
Nang siya ay nakauwi sa Pilipinas, nalaman niya na ang kanyang ama ay namatay sa kulungan
dahil sa kagagawan ng isang Pransiskanong prayle na nag-ngangalang Padre Damaso.
Ayon kay Tinyente Gueverra, pinaratangan diumano ni Padre Damaso si Don Rafael na isang
Erehe at Pilibustero. Dahil dito ay siya ay itiniwalag ng simbahan at ibinilanggo.
Sa kasamaang palad dahil sa bigat ng bangkay at s amalakas na ulan, hindi na nila ito tuluyan
pang nadala sa sementeryo. Bagkus, napagpasyahan nilang itapon na lamang ito sa lawa.
Bagamat kasuklam-suklam ang mga nalaman ni Crisostomo mula kay Tinyente, mas pinili nitong
manahimik at ipagpatuloy ang kanyang adhikain na makapagpatayo ng isang paaralan.
Nagbago ang lahat nang nagkita silang muli ni Padre Damaso sa isang salu-salo.
Bagamat sinubukan niyang magkibit-balikat na lamang sa nangyari sa kanyang ama, hindi rin niya
naitago ang kanyang tunay na damdamin. Hindi siya nakapagpigil, kaya tinangka niyang saksakin
ang pari.
Ginawa ito ni Padre Damaso dahil nais niyang makasal si Maria Clara kay Linares, isang kastilang
binatilyo na kararating lamang noon sa bansa.
Kahit na tinanggap ni Maria Clara ang hatol ng pari at ng kanyang ama, hindi siya naging masaya
sa kinahinatnan ng kanyang tadhana. Dahil rito, siya ay nagkasakit.
Mapapawalang bisa na sana ang pagkakatiwalag kay Ibarra ngunit sinalakay ang kwartel ng mga
Gwardya Sibil. Napagbintangan si Ibarra na kasama sa pag-atake kaya siya ay dinakip at muling
inilagak sa kulungan.
Sinubukang patunayan ni Ibarra na wala siyang kinalaman sa pag atake sa kwartel ngunit siya ay
napahamak dahil sa liham na ibinigay ni Maria Clara sa kanya. Dahil dito ay tuluyan na siyang
ibinilango.
Isang gabi, nakatakas si Ibarra sa kulungan, habang sila Kapitan Tiago naman ay may selebrasyon
sa kanilang tahanan. Noong gabing iyon ang ipinahayag ang kasunduan ng pag-iisang dibdib ni
Linares at Maria Clara.
Bago tuluyang lumisan si Ibarra ay nagawa nitong makipagkita ng palihim kay Maria Clara.
Sinabi sa kanya ni Ibarra pinapalaya na niya siya. Ipinaliwanag ni Maria Clara na si Padre Damaso
ay ang kanyang tunay na ama ayon sa mga nabasa niyang liham na nasa mga kamay ni Padre
Salvi.
Sinabi niya na kailangan niyang protektahan ang karangalan ng kanyang yumaong ina kaya ito ay
magpapakasal sa Kastilang si Linares.
Isinumpa rin ni Maria Clara na magpakailanman ay hindi magbabago ang kanyang pag-ibig sa
binata, kahit ano pa man ang mangyari sa kanila.
Sa tulong ni Elias, tuluyang tumakas si Ibarra. Sumakay sila ng bangka at tinunton nila ng palihim
ang ilog Pasig hanggang sa makalabas sa may Lawa ng Bay.
Sa kasamaang palad, nakita sila ng mga awtoridad na humahabol sa kanila. Upang mailigtas si
Ibarra, iniligaw ni Elias ang mga tumutugis sa kanila. Lumundag siya sa tubig at lumangoy
papalayo.
Pinaputukan siya ng mga gwardya sibil hanggang sa napuno ng dugo ang tubig.
Narinig ni Maria Clara ang balita na si Ibarra ay pinaslang ng mga Sibil. Dahil rito, hiniling niya
kay Padre Damaso na ipasok siya sa kumbento. Walang nagawa ang pari kundi umoo dahil
pinagbantaan ni Maria Clara ang sarili niyang buhay.
Nagwakas ang kwento sa eksena kung saan nakarating si Elias sa kagubatang ng mga Ibarra. Siya
ay lubhang sugatan noon nang kanyang matagpuan si Basilio, na siya nama’y kasama ang
kanyang inang pumanaw na.
Bago tuluyang namatay si Elias, sinabi niyang hindi man lang niya napagmasdan ang pamimitak
ng araw sa kanyang mahal na bayan. Hiniling niya na sana ay hindi malimutan ang mga taong
namatay upang maipagtanggol ang bayang sinilangan.
Marami ang naniniwalang hindi basta-basta ang pag-iintindi sa mga nakasulat sa Noli Me Tangere
dahil ito ay punong-puno ng simbolismo at mga matatalinhagang mga kataga.
Halimbawa na lamang nito ay si Maria Clara, na siyang sumasalamin sa ating bansang Pilipinas na
nilapastangan ng mga dayuhan at si Sisa, na bagamat nawala sa katinuan ay siyang sumisimbolo
sa mga ulirang ina na ginagawa ang lahat para sa mga anak.
Sa huli, ang nobelang ito ay sumalamin sa masalimuot na sitwasyon na sinapit ng mga Pilipino
noong mga panahon ng mga Kastila. Ipinakita nito ang kalupitan ng mga prayle at kung papaano
kagiting at kadakila ang ating mga bayani.
Nawa’y makapaglaan kayo ng oras upang magbasa ng mga obra tulad ng Noli Me Tangere. Dahil,
bagamat ito ay isang lumang obra, taglay nito ang napakaraming aral na iyong magagamit sa
makabagong panahon.