You are on page 1of 5

Kabanata 50 Ang Tinig ng mga Inuusig

Bago lumubog ang araw, sumakay si Ibarra sa bangka ni Elias na nasa baybayin ng lawa.
Halata sa binata ang kawalang-kasiyahan.
Elias: “Ipagpatawad po ninyo, Ginoo.” sabi ni Elias ng may malungkot na ekspresyon.
Elias :”Paumanhin po sa kapangahasan kong makipagtagpo sa inyo. Nais ko pong
makapag-usap tayo nang malaya. Dito sa lugar na ito, walang makasasaksi sa ating kahit na
sino, Makababalik din po tayo matapos ang isang oras.” Saad ni Elias kay ibarra
Ibarra: “Nagkakamali kayo, kaibigang Elias.”sagot ito ni Ibarra habang pilit na ngumingiti.
Ibarra: "Kailangan n'yo po akong ihatid sa bayang iyan, kung saan tanaw natin ngayon ang
kampanaryo. Isang masamang pagkakataon ang nag-utos sa akin ng gayon.”
Elias: "Ano po ang tinutukoy ninyong masamang pagkakataon?” seryosong nagtanong ni Elias
Ibarra: "Habang paparito, nakatagpo ko ang alperes na nagpupumilit sumama sa akin. Naisip ko
na baka makilala ka niya kaya upang mailayo siya, sabi ko'y pupunta ako sa bayang iyan.
Sinabi ko rin mananatili ako dyan hanggang bukas ng hapon dahil nais niyang makipagkita
bukas.”
Elias:"Nagpapasalamat po ako sa inyong pag-aalala. Wala pong magiging problema kung
sinamahan man niya kayo. Natitiyak ko pong hindi niya ako makikilala. Kung nakita man niya
ako minsan, di niya matatandaan ang aking mukha.”
Napabuntung-hininga si Ibarra nang biglang maalala si Maria Clara. Ibinaling niya ang kanyang
atensyon sa pag-uusap nila ni Elias.
Ibarra: "Ano po ang sasabihin ninyo sa akin?” Tanong ni ibarra kay Elias ng bumalik ito sa
reyalidad.
Nagmasid sa paligid si Elias. Malayo na sila sa baybayin at palubog na ang araw.
Elias: "Ginoo, isa po ako sa mga nagsusulong ng hangarin ng mga sawimpalad.”
Ibarra: "Hangarin ng mga sawimpalad? Ano po ang ibig ninyong sabihin?” Magkasunod na
tanong ni Ibarra kay Elias ng may halong kuryosidad sa mata.
Sa maikling pananalita, isinalaysay ni Elias ang napag-usapan nila ng pinuno ng mga tulisan,
ngunit di niya binanggit ang mga pag-aalinlangan at mga pagbababala nito. Mataimtim na
nakinig si Ibarra.
Matapos mag salita ni Elias, namayani ang mahabang sandali ng katahimikan. Si Ibarra ang
unang nagsalita.
Ibarra:"Kung gayo’y hinahangad nilang…”
Elias:"Ang nais po nila'y ganap na pagbabago ukol sa mga kawal na sandatahan, sa mga pari,
sa paglalapat ng katarungan, at ang tapat na paglilingkod ng pamahalaan.”
Ibarra:"Anong partikular na pagbabago ito?” tanong ni Ibarra ng may mapanuring mukha kay
Elias
Elias:"Ilan po sa mga halimbawa ay kaunting paggalang sa karangalan ng tao at sa
kapanatagan ng mga mamamayan, pagbabawas ng paggamit ng lakas ng mga kawal
sandatahan, pagbabawas din ng mga kapangyarihang ibinigay sa hukbong ito na napakadaling
abusuhin.”sagot ni Elias kay Ibarra
Ibarra:"Elias,di ko alam kung sino kayo, ngunit sa aking palagay, di kayo mga pangkaraniwang
tao. Naiiba ang inyong mga pananaw. Marahil mauunawaan ninyo ako kung sasabihin kong
di-wasto ang kalagayan natin sa kasalukuyan, ngunit lalong sasama ito kung bubaguhin.”
Saad ni Ibarra kay Elias nang may seryosong ekspresyon, Nag alok din itong tumulong na
makipag usap sa may mga pusisyon ngunit nag alinlangan ito dahil alam nyang walang sapat
na kapangyarihan para sa pagbabago.
Ibarra:”Nauunawaan ko na ang mga korporasyong iyan, kahit gaano naman kalaki ang kanilang
kasiraan, ay kailangan sa ngayon, Sila ang tinatawag na masamang pangangailangan.”
Nagitla si Elias at nalilitong napatingin kay Ibarra.
Elias:"Naniniwala rin po kayo, Ginoo, sa masamang pangangailangan?" Elias:"Naniniwala po ba
kayo na kinakailangang gumawa ng masama para makagawa ng mabuti?”
Sunod-sunod na tanong ni Elias habang nanginginig ang tinig.
Ibarra:"Hindi po. Ang paniniwala ko dito'y gaya ng paniniwala ko sa paggamit natin ng marahas
na lunas kapag nais nating mapagaling ang isang sakit. Ngayon po, ang ating lipunan ay may
malubhang karamdaman. Upang magamot ng pamahalaan ang sakit na ito, kinakailangan
niyang gumamit ng marahas ngunit kapaki-pakinabang na paraan.”
Elias:"itinuturing ko pong masamang panggagamot ang paglalapat lamang ng lunas sa mga
sintomas ng sakit. Hindi nito sinusuri ang pinagmulan ng sakit o kung alam man ay natatakot
itong sugpuin nang lubusan. Walang ginagawa ang mga guwardiya sibil kung hindi pigilan ang
kaguluhan sa pamamagitan ng pananakot at lakas. Hindi po kaya mas mainam na palakasin
ang katawan ng maysakit at bawasan ang karahasan ng gamot?”
Ibarra:"Kapag binawasan ang lakas ng guwardiya sibil, malalagay sa panganib ang
kapanatagan ng bayan." wika ni Ibarra.
Elias:"Ang kapanatagan ng bayan!” Sagot ni Elias habang nagsisimula nang magalit.
Elias: "Maglalabinlimang taon na mula nang magkaroon ng guwardiya sibil ang bayang ito.”
magasunod na saad ni Elias ng may boses ng paninindigan at pagpapaliwanag sa mga
pangyayari habang nakatingin sa kapaligiran.
Elias:” Pag Kailangang linisan ang kwarkel o bahay ng isang kawal, lalabas sila at dadakip ng
kahit na sinong di makatututol upang sa kanya ipalinis iyon sa hoong maghapon. A! Ginoo, ito
ba ang tinatawag ninyong pangangalaga ng kaayusan?”
Ibarra:”Naniniwala rin po akong may kabuktutan, Maaaring may kakulangan ang gwardyang
sibil, ngunit maniwala kayong ang takot sa kanila ang pumipigil sa pagdami ng mga salarin.”
Wika nito habang nakikinig si Elias ,hindi na makipaghintay na itama ang panananaw ni Ibarra
at sinabing.
Elias:"Baka ang dapat nyo pong sabihin ay dahil sa takot na iyan kaya lalong dumarami ang
salarin at bago itatag ang hukbo ng mga guwardiya sibil, ang mga tao ay gumagawa ng
masama dahil sa kagutuman.”
Madami pang sinalay saysi Elias patungkol sa masasamang gawi ng mga gwardyang sibil gaya
ng pananakit,pagpatay , kalapastangan at pananakot na susunugin sila sa naglalagablab na
apoy nasyang kikitil sa buhay ng tulisan na wala ng panahon para magsisi sa kanyang
nagawang kasalanan.
Ibarra:"Elias, ginugulo ninyo ang aking isip sa ganyang pagmamatwid. Maniniwala ako sa
katwiran nayo kung wala akong sariling mga palagay. Mas mainam na unawain ang isang
bagay at huwag pairalın lamang ang damdamin Itinatangi ko kayo at naniniwala akong taliwas
ito sa inyo. Tingnan ninyo kung sino-sino ang mga taong humihingi ng pagbabago? Halos silang
lahat ay mga salarin o mga taong malapit nang maging gayon”
Elias:"Mga saların o magiging salarin pa lamang, ay walang halaga. Mas mainam surun kung
bakit sila nagkagayon. Ano ang nagtulak sa kanila?”
“Binulabog ang kanilang katahimikan, sinannam ang kanilang kaligayahan, at sinugatan ang
kanilang mga damdamin, Nang humingi sila ng katarungan nabatid nilang wala silang ibang
maasahang makapagbigay nito sa kanila kundi ang kanilang mga sarik Nagkakamali rin kayo,
Ginoo, kung inaakala ninyong mga salarin lamang ang humihingi ng katarungan Pumunta kayo
sa mga bayan-bayan at durmalaw sa mga bahay-bahay. Pakinggan n'yo ang hinaing ng
mag-anak, at maniniwala kayong ang mga kasamaang ibig iwasto ng mga guwardiya sibil ay
kasinlaki baka mas maliit po nga nang kaunti, sa kasamaang sila mismo ang may gawa.”
Pagsagot ni Elias sasarili nitong tanong.
Ibarra:"Maaaring may mali rito. May pagkakamali na hindi ko pa nauunawaan…Pagkakamaling
marahil sa pagsasakatuparan ng tungkulin dahil sa Espanya, na ating Inang Bayan. ang mga
guwardiya sibil ay naglilingkod at nakapaglilingkod nang buong kabutihan.”
Elias:"Tama po. Marahil ay higit na maayos ang pagkakatatag doon. Marahil ay maingatt na
pinili ang mga tauhan doon. O kaya, maaaring dahil sa Espanya ay kailangan ang mga
guwardiya sibil ngunit hindi rito sa Pilipinas. Ang ating katutubong ugali, ang ating sariling
paraan ng pamumuhay, na palagi nilang binabanggit tuwing pinagkakaitan tayo ng karapatan,
ay lubos na kinalilimutan kapag ibig nilang ipilit sa atin ang isang bagay.”
Tumungo si Ibarra na waring nag-isip. Makailang saglit ay itinaas na muli ang ulo at saka
sumagot
Ibarra:"Katoto, ang bagay na ito ay nangangailangan pa ng malalim na pag-aaral. Kung sa
aking pagsisiyasat ay matuklasan kong may katwiran ka, susulatan ko ang mga kaibigan ko sa
Madrid, yaman din lamang na wala tayong kinatawan doon. Samantala, maniwala kayo na
kailangan ng pamahalaan ng isang pangkat ng mga kawal na may lubos na lakas upang
igalang at sapat na kapangyarihan upang sundin.”
Elias:"Totoo po iyan, Ginoo, kung ang pamahalaang Kastila ay nakikidigma sa lupaing ito.
Ngunit sa ikabubuti ng pamahalaan, di dapat paniwalain ang bayan na kalaban siya ng
kapangyarihang naitatag.”
Pagsang ayon ni Elias kay Ibarra at nabanggit din ni Elias ang mga katangian na dapat
mayroon ang isang kawal at kinakailangan niyang pumili ng mga karapat-dapat pagkatiwalaan.
Nagsasalita si Elias na puno ng simbuyo ng damdamin. Kumikislap ang kanyang mga mata at
mataginting ang kanyang tinig. Makapangyarihang nagsasabog ng liwanag ang buwan at may
ilang ilaw na matatanaw sa malayong baybayin.
Ibarra: "Ano pa po ang kanilang hinihingi?”
Elias:"Pagbabago sa palakad ukol sa mga pari,ay humihingi ng higit na malaking tangkilik laban
sa…” hindi na naituloy ni Elias ang kanyang sinabi dahil biglang pinutol ito ni Ibarra.
Ibarra:"Laban sa mga Korporasyon ng mga prayle?”
Elias:"Laban po sa mga nang-aapi sa kanila, Ginoo.”
Ibarra:"Nakalimutan na ba ng Pilipinas ang utang na loob niya sa mga Korporasyon na iyan?”
Ibarra:"Nalimot na kaya niya ang di matutumbasang utang na loob sa mga nagligtas sa kanila
sa pagkakamali upang bigyan sila ng pananalig, sa mga tumangkilik sa kanila laban sa
pandarahas ng mga maykapangyarihan?”
Nagitla si Elias at halos di makapaniwala sa kanyang narinig.
Elias:"Ginoo,pinararatangan ninyong walang utang na loob ang mga mamamayan. Pahintulutan
n'yo akong ipagtanggol ang mga mamamayang nagtitiis, yamang isa ako sa kanila.”
Elias: "Dahil sa relihiyong ito, ibinibigay natin sa mga prayle ang higit na mahahalaga sa ating
buhay, ang ating mga bukirin. Sa kabila ng lahat ng ito, naniniwala ako na tunay na pananalig at
tunay na pag-ibig ta sangkatauhan ang nagtulak sa mga unang misyonero upang magsadya sa
ating lupain.” Mahabang wika ni Elias kay Ibarra na ang pinaka pinupunto ay hindi hinihiling ng
bayan na alisin ang mga prayle. Ang tanging hinihingi ng mga ito ay pagbabagong na angkop
sa bagong kalagayan at mga pangangailangan.
Ibarra:"Iniibig ko ang aking bayan, gaya ng pag-ibig ninyo sa kanya, Elias, Bahagya kong
nauunawan ang inyong nilalayon. Mahinahon akong nakinig sa inyong mga isinalaysay. Gayon
man, kaibigan, palagay ko'y tila nahahaluan ng kaunting simbuyo ng damdamin ang ating mga
pagkukuro. Nararamdaman kong ang kailangang pagbabago sa bayan natin ay hindi kasinlaki
kung ikukumpara sa ibang panig ng daigdig."
At patuloy na nagtalo ang dalawa patungkol sa konseptong sesho ang prayle ang nag papanatili
ng Kapanatagan ng Pilipinas
Elias:"Hindi ko po inakala na mayroon kayong ganyang kababang pagtingin sa pamahalaan at
sa bayan. Halos hamakin ninyo ang dalawang ito. Ano ang masasabi ninyo sa isang pamilya na
kaya lamang nakakapamuhay nang tahimik ay dahil sa pakikialam ng iba? Isang bayang
sumusunod pagka't dinaraya. Isang pamahalaan na kaya lamang nakapag-uutos ay dahil sa
pandaraya rin. Isang pamahalaang hindi makahikayat ng lilingap sa kanya, ni hindi
magbigay-pitagan sa sarili!”
Ang tugon ni Elias sa hauling winika ni Ibarra at tinapon ang sagwan ng bangka.
Elias:"Patawarin ninyo ako, Ginoo, ngunit palagay kong mangmang ang inyong pamahalaan
dahil ikinasasaya pa niya ang kanyang kalagayan, Nagpapasalamat po ako sa inyong
kagandahang-loob. Saan ko po kayo dapat ihatid ngayon?”
Saad ni Elias na tila nais nang paalisin si Ibarra at hatid na sa kanyang paroroonan.
Ibarra:”Huwag po, Ituloy natin ang pagtatalo upang ating malaman kung sino talaga ang may
katwiran”
Elias:"Ipagpatawad ninyo, Ginoo," umiiling na sagot ni Elias.
Elias:"Hindi po ako mahusay manalita upang mapaniwala ko kayo. Kahit pa nakapag-aral ako
nang kaunti, isa pa rin akong Indio. Kahina-hinala ang aking pagkatao kaya anumang sabihin ko
ay magiging kahina-hinala rin. Ngayon po na nakausap ko kayo kayong umiibig sa tinubuang
lupa, kayong ang ama'y nananahimik sa ilalim ng matiwasay na lawang ito, kayong
harap-harapang nilalait, inalimura, at inusig, at sa kabila ng inyong kabihasnan, nagagawa n'yo
pang magtaglay ng ganyang mga pagkukuro-tila nag-aalinlangan na ako sa sariling palagay at
naniniwalang maaari ngang nagkamali ang bayan. Sasabihin ko sa mga sawimpalad na iyon na
ang pagbibigay-tiwala sa tao ay ilipat sa Diyos at sa kanilang mga bisig. Sa huli, muli lamang
akong magpapasalamat sa inyo at sabihin ninyo kung saan ko kayo ihahatid.”
Ibarra:"Elias, ang inyong mga masasaklap na pangungusap ay umaabot sa puso ko at
nagdudulot din sa akin ng mga alinlangan. Ano ang mahihingi ninyo sa akin? Hindi ako
nakapag-aral dito sa ating bayan, at marahil hindi ko lubos na nalalaman ang mga
pangangailangan nito. Sa kolehiyo ng mga Heswita dumaan ang aking kabataan. Sa Europa
ako lumaki. Ang mga aklat ang humubog ng aking pag-iisip. Gayunman, gaya ninyo, iniibig ko
ang aking bayan, di lamang dahil tungkulin ng bawat tao na ibigin ang bayang maglalaan sa
kanya ng huling hantungan, di lang dahil itinuro ito sa akin ng aking ama, di lamang dahil ang
aking ina ay Indio, bagkus sapagkat lahat ng masasanghaya kong alaala ay umuugat sa
hayang ito at utang ko sa kanya ang lahat ng aking kaligayahan!”
Elias:"Sa ganang akin, utang ko sa kanya ang aking kasawian,”
Ibarra:"Opo, kaibigan, batid kong nagtitiis kayo. Dahil sa pagiging sawimpalad, madilim ang
pagtingin ninyo sa hinaharap. Iyon din ang nakahuhubog ng inyong mga pagkukuro. Ito ang
dahilan kaya mataman at maingat akong nakikinig sa inyong mga karaingan. Kung malalaman
ko ang sanhi, kahit isang bahagi man lang ng iyong nakaraan…”
Elias:"Iba ang pinanggagalingan ng aking mga kasawian. Kung alam ko lamang na
magkakaroon ito ng kabuluhan para sa inyo, isasalaysay ko na. Di ko rin naman ito ipinalalagay
na mahiwaga at ang gayong kasawia'y halos alam naman ng lahat.”
Ibarra:"Marahil magbabago ang aking mga pag-aakala kung mauunawaan ko ang iyong mga
kasawian. Nag-aalinlangar ako sa mga likhang-isip dahil naniniwala lamang ako sa mga tunay
na pangyayarı.
Ilang sandaling nagmuni-muni si Elias.
Elias:"Kung gayon, Ginoo, ilahahad ko sa inyo ang aking maikling kasaysayan.”

You might also like