Professional Documents
Culture Documents
Doña Victorina: Hindi ko malaman kung paano sila nabubuhay ditto? Kailangan ngang maging
Indio. Mga walang pinag-aralan at mapagmalaki pa. Biruin mo, nakakasalubong natin ay di
man lamang nagpupugay. Paluin mo nga ng sombrero Tiburcio at turuan ng urbanidad.
______________________________________________________________________________
Doña Victorina: (kay Doña Consolacion) Ngayon, ano ang nangyayari sa inyo Doña? Bakit ba
ako’y tinitingnan ninyo ng ganyan? Naiinggit ba kayo sa akin?
Doña Consolacion: Ako? Naiinggit sa iyo? Oo nga, naiinggit ako sa inyong kulot na buhok.
Don Tiburcio: Tara na at wag mo ng pansinin
¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬¬Doña Victorina: (tatabigin ang asawa) Bayaan mong turuan ko ito ng
magandang asal.
Doña Victorina: Kilalanin ninyo ang inyong kausap. Huwag ninyong ibilang na ako’y taga
lalawigan! Sa aming bahay sa Maynila ay hindi nakakpasok ang mga alperes; sukat na sila’y
mag-antay sa pinto.
Doña Consolacion: Aba! Escelentisima Señora Puput! Hindi nakakapasok ang mga alperes, ang
nakakapasok ay ang mga pilantod!
Doña Victorina: (mang iinsulto) Hoy Doña Consolacion! Ako’y nakukutayang makipag-usap sa
inyo, ang mga taong mararangal. Gusto niyo bang labhan ang damit ko? Kayo’y babayaran ko
ng mahal. Para naming hindi ko alam na kayo’y isang labandera!
Doña Consolacion: Akala mo ba’y hindi ko alam kung sino kayo at kung sino ang inyong
kasama? Nasabi na yata iyan ng aking asawa!
Doña Victorina: Bumaba ka dito! Bumaba ka ditto!
Doña Victorina: Ngayon din ay luluwas tayo sa Maynila at haharap sa Kapitan Heneral! Pagkat
ikaw ay hindi isang lalaki! Sayang ang pantaloon mong isinusuot!
Don Tiburcio: Ngunit ako’y isang pilay.
Doña Victorina: Dapat mo siyang hamunin ng rebolber o sable! (titingnan ng Doña ang pustiso
ng asawa at bigla itong hinablot sa bibig ng asawa)
Doña Victorina: (Kay Linares) Pinsan, hamunin mo ngayon din ang alperes ng duwelo.
Maglaban kayo sa pamamagitan ng rebolber.
Linares: Bakit? (gulat)
Doña Victorina: Basta! Hamunin mo siya sa isang paglalaban ngayon din! At kung hindi ay
ipagtatapat ko sa lahat dito kung sino ka!
Linares: Ngunit Doña Victorina?
Doña Victorina: Akalain mo! Tayo’y hinahamak ng alperes at ipinahayg kung sino ka! At itong
si Tiburcio, pinabayaang siya’y maalipusta! Parang di lalaki! Ngayon din ay luluwas kami ng
Maynila! Ikaw Linares ay maiiwan upang hamunin mo sa pakikipaglaban ang alperes. Kapag
hindi mo ito nagawa, ipagtatapat ko kay Don Santiago na kasinungalingan ang lahat ng mga
pinagsasabi mo sa kanya.
Linares: Ngunit Doña victorina, maghunos dili kayo. Huwag ninyong ipaalala sa akin yan.
Doña Victorina: Don Santiago, ang alperes ay hahamunin ni Linares sa pakikipaglaban’ narinig
ninyo? Kung hindi! Huwag ninyong ipakasal ang inyong anak sa lalaking ito, pagkat siya’y
duwag at di marapat na mapangasawa ni Ma. Clara.
Elias: Nung tayo’y nasakop ng mga misyonero, ano ang nangyari sa lupaing ito?
C. Ibarra: Ngunit pinaniniwalaan din po ba ninyo na dahil sa mga prayle ay mapapamalagi ang
kapanatagan ng bayan?
Elias: Opo, dahil ito ang paniniwala ng lahat ng tao sa Pilipinas. Hindi ko po akalaing
magkakaroon kayo ng ganyang napakaabang palagay ukol sa pamahalaan at bayan. Isang
baying sumusunod pagkat dinaraya, at isang pamahalaan na kaya nakapag-uutos ay dahil na
rin sa pandaraya.
Patawarin ninyo ako ginoo. Pero may palagay akong ang pamahalaan ang mang mang at imbi
sapagkat ikinasisiya ang gayon. Pinasasalamatan ko po ang inyong kagandahang-loob. Saan ko
po kayo ihahatid?
C. Ibarra: Huwag po. Kailangang magpatuloy tayo ng pagtatalo upang malaman kung sino ang
may katwiran.
Elias: Ipagpatawad po ninyo. Hindi po ako mahusay manalita upang kayo’y mapaniwala ko.
Kung ako man ay nakapag-aral ng kaunti, ako naman ay isang Indio. Ang aking pagkatao ay
kahina-hinala; ganon din ang aking pangungusap. Ako ngayon ay nag-aalinlangan na sa aking
mga sariling pananalig at naniniwalang maaai ngang namamali. Aking sasabihin sa mga
sawimpalad na ang pagbibigay- tiwala sa mga tao ay ilipat na sa Diyos. Muli pinasasalamatan
ko kayo at sabihin ninyo kung saan ko kayo ihahatid.
C. Ibarra: Elias, ang inyong pangungusap ay umabot sa aking puso at nagbibigay sa akin ng
alinlangan. Hindi ako nakapag- aral sa piling n gating bayan. Ako’y sa kolehiyo ng mga Jesuita
nag- aral ng elementarya. Ako’y sa Europa lumaki. Sa mga aklat ko hinubog ang aking pag-
iisip. Gayunman, tulad ninyo ay iniibig ko ang aking bayan. Utang ko sa kanya ang aking
kaligayahan.
Elias: At ako naman, utang ko’y aking kasawian…
C. Ibarra: Opo kaibigan, alam kong kayo’y nagtitiis dahil kayo’y sawimpalad, at dahil dito’y
madilim ang inyong nakikita sa hinaharap…
Elias: Pero ang kasawian ko po ay may ibang pinagbuibuhatan. Kung alam kong ito’y
magbibigay ng kaunting katuturan ay isasalaysay ko sa inyo.
C. Ibarra: Siguro magbabago ang aking pag- aakala kapag nabatid ko ang nasabing kasawian.
Tandaan ninyo, ako’y nag- aalinlangang maniwala sa mga likhang- isip pagkat lalo akong
nananalig sa mga nangyayari.