You are on page 1of 4

KABANATA 33

MALAYANG PAGKUKURO
Mula sa nobelang: Noli me Tangere
Isinulat ni: Doc. Jose P. Rizal
Skrip ni: Cymae Pilar Cawas

Narrator: Nagtatapos na si Ibarra mag-hensayo ng kaniyang katawan ng


ipinagbigay alam ng kaniyang alilang lalaki ang isang bagay
Alilang lalaki: Señor, mayroon pong isang lalaking itsurang taga-bukid na
nagtatanong kung ika’y naririrto.
Ibarra: (pabulong) Ah, isa siguro iyon sa mga nakasama ko sa bukid.
Ibarra: Sige, papasukin mo at ihatid sa aking despacho.
**Pumasok na si Elias**
**Nagulat si Ibara ng makita na si Elias ito**
Elias: Iniligtas niyo ang aking buhay.
Elias: Binayaran ko na ng kaunti ang aking utang, hindi mo kinakailangang
magpasalamat dahil ako ang mayroong utang na loob sa inyo. Ako’y
naparito upang makipag-usap sa inyo tungkol sa isang bagay.
Ibarra: At ano iyon?!
Elias: Sakaling maliwanagan na ng hustisya ang talinhanggang ito,
pinapakiusapan po kitang huwag sabihin sa simbahan ang mga bagay na
aking sinasabi sa inyo.
Ibarra: Huwag po kayong mabahala, alam ko na kayo’y isang pugante,
ngunit hindi ako sumbungero
Elias: Ah hindi iyon para sa akin! Hindi para sa akin!
Elias: Ito’y para po sa inyong kaligtasan. Wala akong kaunting takot sa
kahit kaninong tao.
**Nalilitong ekspresyon**
Ibarra: Ano po ang inyong ibig na sabihin?
Elias: Ang aking pananalita po ay hindi palaisipan, pinagsisikapan kong
magsalita ng maliwanag. Mas maganda po para sa inyong kaligtasan na sa
isipan ng inyo kaaway ay wala kayong kamuwang-muwang o hindi kayo
nanghihinala.
Ibarra: Kaaway? Mayroon akong kaaway?
Elias: Lahat po ng nilalang ay mayroon. Mula sa pinaka maliit na insekto
hanggang sa tao, mula sa mga mahirap at mapagpakumbaba hanggang sa
mayayaman at makapangyarihan! Ang pagkakaroon ng kaaway ay parte
ng buhay!
Ibarra: **pabulong** Hindi po kayo piloto o tagapagbukid.
Elias: Mayroon po kayong mga kalaban sa matataas at mabababang
lugar. Nais po ninyong ituloy ang isang panukalang dakila. May pinagdaan
na po kayo. Ang iyong ama at ang kaniyang ama ay nagkaroon ng mga
kalaban dahil mayroon silang mga kahilingan sa puso. Sa ating buhay hindi
mga kriminal ang mayroong pinaka maraming kaaway, ngunit ang isang
matapat na tao.
Ibarra: Nakikilala niyo po ba ang aking mga kalaban?
**Tumahimik ng kaunti**
Elias: Mayroon akong kilala, ngunit siya’y namatay na.
Elias: Nakilala ko ang isa, ngayo’y patay na. Napagtalastas ko kagabing
may isang bagay na kanilang inaakalang laban po sa inyo, dahil sa ilang
salitang kanyang isinagot sa isang lalaking hindi ko nakilala dahil siya’y
nawala sa kadiliman.
**Change scene**
Boses ni Elias **kasabay ng lalaki**: Hindi ito kakain—
Isang lalaki **kasabay ni Elias**: “Hindi ito kakain ng mga isdang katulad
ng kaniyang ama, makikita ninyo ito kinabukasan.”
** Change scene back from earlier**
Elias: —anya, ang mga salitang ito’y nakakuha ng aking atensiyon, hindi
lamang sa ibig nito ngunit pati narin ang taong nagsalita, na niyong araw
pa’y nagkusang humarap sa “maestro de obras”, at kanyang sinabi ang
kaniyang hangad na siya na ang namamatnugot ng mga gawain sa
paglagay ng unang bato. At hindi siya humingi ng malaking bayad, ngunit
siya’y nagpakitang-gilis sa kaniyang kaalaman.
Elias: Wala akong sapat na rason upang isipin na siya’y mayroong
masamang layunin, ngunit mayroon akong naramdaman na ang aking
sapantaha ay totoo. Kaya’y naghanap ako ng tamang sandali upang kayo’y
mabalaan, sandalling hindi kayo masyadong magtatanong.
Ibarra: Dinaramdam ko ang taong iya’y namatay, marahil sa kanyang
kaunting buhay mayroong natutunan.
Elias: Kung siya’y namuhay pa marahil siya ay nanginginig sa bulag na
hustisiya ng tao. Hindatulan siya ng Diyos, pinatay siya ng diyos, ang diyos
ang siyang tanging humukom sa kanya!!
**Tiningnan ng mabuti ni Ibarra si Elias**
Ibarra **na may kaunting ngiti**: Kayo po ba ay nananampalataya
naman sa mga himala? Tingnan niyo po ang himala na sinasabi ng bayan!
Elias: Kung ako’y nananampalataya sa himala, hindi ako
nananampalataya sa Diyos. Sasampalataya ako sa taong nagging Diyos,
sasampalataya ako sa taong gumawa sa Diyos alinsunod sa kaniyang
larawan at kalagayan.
Elias: Ngunit ako’y sumasampalataya sa kanya.
Elias: Nang lumulugso na ang lahat, at ito’y sisirain ang mga nalalapit dito.
Elias: Ako. Ako ang pumigil sa nakakasama. Aking nilagay ang aking sarili
sa kaniyang tabi. Siya ang nasugatan habang ako’y nakaligtas at hindi
nasaktan.
Ibarra: Kayo?! Kayo ang nag—
Elias: Oo!! Hinawakan ko siya bago siya makatakas, pagkatapos niyang
masimulan ang kaniyang pamamahamak. Nakita ko iyon, ang kaniyang
pagkasala.
Elias: Sinasabi ko sa iyo; ang Diyos lamang ang tanging hukom sa mga
tao! Siya lamang ang mayroong kapangyarihan sa buhay ng tao; na kailan
may huwag isiping siya’y halinhan sa tao!!
Ibarra: Ngunit ganoon rin ang inyo—
Elias: Hindi!! Ito’y naiiba, sapagkat kung pumapatay ang tao sa kaniyang
kapwa siya’y sinira ang kinabukas at ang lahat ng mayroon pa ang tao na
iyon. Datapwat ako ay gumawa lamang ng bagay na kaniyang gagawin rin
sa kaniyang kapwa bago niya ito gawin.
Elias: Siya’y hindi ko pinatay, pinabayaan ko lamang siyang patayin ng
kamay ng Diyos.
Ibarra: Kung gayon hindi ka po ba naniniwala sa pagkakataon?
Elias: Paniniwala sa pagkakataon ay katulad lamang ng
pagsasampalataya sa himala, parehas na nagsasabi na hindi alam ng
Diyos ang kinabukas.
Elias: Ano pa ba ang isang pagkakataon kundi isang pangyayari na hindi
man naasahan ng kahit sino. At ang himala nama’y isang kasalangsangan.
Isang kakulangan ng laan sa mangyayari at isang kasalangsangan ang
kahuluga’y dalawang malalaking kapintasan sa isip ng namamatnubay sa
makina ng daigdig.
Ibarra: Sino po ba talaga kayo? Kayo po ba’y nagaaral?
Elias: Ako lamang ay isang taong napilitang manumpalataya sa Diyos,
sapagka’t namatay na ang aking tiwala sa mga tao.

Elias: Datapuwa’t kinakailangan pa rin ang hustisya ng tao kahit gaano ito
nagkukulang.
Elias: Kahit anong dami ng mga kinakatawan ng Diyos sa lupa’y hindi
mangyayari, sa makatuwid baga ay hindi sinasabi ng buong kalinawagan
ng kaniyang pasya upang magbigay kahatulan ang yutayutang mga
pagaalit-alít na ibinabalangkas ng mga hidwa nating budhi. Nauukol,
kinakailang̃an sumasakatwirang manakanaka'y humatol ang tao sa
kanyáng mg̃a kapuwà.
Elias: Tunay nga, datapuwat ng upang gawin ang kabutihan at hindi ang
kasamaan. Sapagkat kung mali ang kaniyang pag hatol, wala siyang
kapangyarihan upang malutas muli ito.
Elias: Ngunit—
**Nagbago ang kaniyang tono**
Elias: —higit sa aking kaya ang pangangatwirang ito. At nilalabang ko po
sayo ngayong kayo’y hinihintay. Huwag mo pong kalilimutan ang aking
sinabi: mayroon kayong kalaban; magpakabuhay po kayo sa ikagagaling
ng ating bayan. Paalam.
Ibarra: Kailan po tayo muling magkikita?
Elias: Kailan mang ibigin ninyo, at kailan mang may magagawa akong
nakakapakipakinabang para sa inyo. Mayroon pa po akong utang sa inyo
ginoo.
**End Scene**

You might also like