You are on page 1of 3

Kabanata 34: Pananghalian

(Eksena kung saan sina Padre Damaso, Don Crisostomo Ibarra, Maria Clara, at iba pang
importanteng panauhin ay nasa Pananghalian.)

Padre Damaso: Alam niyo ba yang mga indio, yang mga yan, matuto lang ng konti, aba’y kung
makaasta akala mo kung sino na!! Katulad nung mga tuta na, nakapag-aral sa Europa.
Hahahahha

Padre Salvi: Paumanhin padre, ngunit si Don Crisostomo Ibarra, ay hinangaan ng mga
opisyales ng ating gobyerno para sa kanyang pagiging uhh.. Pilantro.

Padre Damaso: Ganon ba? Bakit? Makakarating ba ng langit ang mga nag babanal-banalan?
Ang mga nahaluan lang ng ilang patak ng purong dugong Espanyol? Ang mga nabiyayaan ng
ilang real? Aba.. Akala mo’y kung sino’t hahamakin na ang lahat! At ipinagmamalaki na may
dala dala siyang pagbabago. Hahahaha.. Katulad ng ama niya! Yung ama niya na namatay sa
karsel.. At ang bangkay pinatatapon pa nga sa ilog. Hahahhahah. Sigurado ako nasa ilalim na
ng lupa ang isang yan na pagkalalim lalim abot, doon sa impyerno!!!

(Tumayo na si Don Crisostomo’t lumapit sa kinauupuan ni Padre Damaso, Kumuha ng asing


patalim at itintuok ito kay Padre Damaso)

Don Crisostomo: Tapos na ang paninira mo sa puri ng aking ama. Lumayo kayo kung ayaw
niyong madamay pa! Batid ko’y kayo’y may minamahal na ama kung kaya’t ipagtatanggol niyo
rin siya kahit sa panlilibak pa maski pa ng isang prayle! Ang aking ama, prayle, ay isang taong
bukas-palad sa lahat ng nangangailangan. Isang tao may respeto sa bawat tao pobre man o
may kaya. Don Rafael Ibarra, ay may dignidad at integridad, hindi kaya wasakin nino man, kahit
isinaula pa ang kanyang bangkay at libingan. At kayo! Mga Prayle! Ang inyong reverentia
minsan tinuring na mahal na kaibigan ng aking ama, hindi ba’t bukas ang pintuan ng aming
tahanan para sa inyo anumang oras. Hindi ba’t anumang hilingin ninyo na pananalapi ay
binigay ng aking ama, ngunit ano ang ginanti ninyo. Kasuklam-suklam ang inyong
paglapastangan sa kaniya. Kung kaya’t ako’y pagod na pagod na sa pagtitimpi. Bahala na ang
maykapal, Perdoname señor, Que dios me perdone!!
Famous Dialogue

Maria Clara

(Ipakilala ang sarili, at banggitin ang limang diyalogo ni Maria Clara)


Maria Clara: Magandang araw po sa inyong lahat. Ako po si Maria Clara de los Santos, ang
anak nina Kapitan Tiago at Pia Alba. Ako ang minamahal at tinatangi ni Don Crisostomo Ibarra,
mahilig ako sa pag-awit at sa pagsusulat ng tula sa wikang tagalog.

"Ang babae ay hindi dapat ipamigay na parang isang kalakal. Ito ay dapat pangalagaan at
igalang sapagkat ito ay may pusong may damdamin."

"Ang babae ay hindi dapat magkaroon ng sariling katwiran at pananaw sapagkat ang kanyang
tungkulin ay maglingkod sa asawa at sa tahanan."

"Ang buhay ng isang tao ay hindi dapat iasa sa pag-ibig lamang. Dapat itong may layunin, may
hangarin, at may pagpapahalaga sa dignidad ng tao."

"Ang tunay na pag-ibig ay nagbibigay ng kalayaan sa isa't isa upang magpakatotoo at


magmahalan nang buong katapatan."

"Ang pag-ibig ay hindi lamang pangako, kundi ito ay may kasamang pananagutan at
pagpapakatapat."

Elias
(Ipakilala ang sarili, at banggitin ang mga diyalogo ni Elias)
"Ako po si Elias, Elias na mapagmahal sa bayang ito, at hindi nagsisisi sa mga ginawang
sakripisyo para sa kalayaan ng aking mga kababayan."

"Kapag kayo'y nasasaktan na, lalong huwag magsalita, dahil ang tao'y may kamalasang maipit
ng mga katagang hindi niya nalalaman ang kabuuan."

"Maging sino ka man sa buhay, kung mayroong tunay na pagmamahal sa bayan at sa kapwa,
ikaw ay magiging malaya sa anumang pagsubok."

“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda."

“Maging matapang, huwag matakot mamatay para sa bayan, kundi matakot kang mamuhay ng
tahimik sa pagmamatahimik ng kaluluwa at ng konsensya."
Padre Salvi
(Ipakilala ang sarili, at banggitin ang mga diyalogo ni Salvi)

“Magandang araw sa inyong lahat! Ako po si Padre Damaso Salvi, ang kura paroko ng bayan.
Ako po ay nagagalak na makapiling kayo ngayong araw .Nawa'y makapagbigay ng kaligtasan
at kapanatagan ang ating misa.”

"Ang karangalan ng isang dalaga ay sa kanyang pagiging birhen. At ang kababaang-loob ng


isang binata ay sa kanyang pag-aabang sa isang dalaga na hindi kanyang asawa."

"Walang kinalaman ang pagpapahirap sa katawan para sa ikaluluwag ng kaluluwa."

"Ang mga binata'y hindi dapat makipagkaibigan sa mga babae kundi sa pagkakataong itinalaga
sa kanila ng pamahalaan."

"Ang mga bagay na itinuturing nating pangit ay kadalasang ginagamit ng mga tao sa
pang-araw-araw na buhay."

Sisa
(Ipaklala ang sarili at banggitin ang kaniyang mga linya)

"Sino ang may sala? Ako? Hindi ako! Kayo! Kayo ang may sala!"
Narito pa ang ilang sikat na linya ni Sisa mula sa nobelang "Noli Me Tangere" ni Dr. Jose Rizal:

"Naglalakad ako nang paikot-ikot, palibhasa'y hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ngunit
baka doon, sa malayo, may makita akong tanglaw, doon ako pupunta."

"Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya...Huwag ninyo akong pakawalan. Kailangan ko kayong


makausap. Anong gagawin ninyo sa mga anak ko?"

"Nakakalungkot ang buhay. Hindi ko na kayang magtiis. Hindi ko na kayang magtiis. Kayo na
lang po ang bahala sa kanila."

Crispin at Basilio

Crispin: Ako si Crispin, ang bunsong anak ng aking mapagmahal na ina na si Sisa. Ako’y isang
sakristan na tagatugtog ng kampana sa kumbento.

Basilio: At ako naman si Basillio, ang nakatatandang kapatid ni Crispin.Ako rin ay isang ganap
na sakristan na nagpapatunog ng kampana sa simbahan

You might also like